Rocco Nacino on Lovi Poe: "Iba talaga yung saya kapag kasama ko siya. It must be..."

Bagamat malapit daw sila sa isa’t isa, ayaw munang bigyan ng label ang kunang anumang mayroon sila ngayon ni Lovi Poe. Sabi ng aktor, “We just go with the flow. Kung ano ang priorities namin, alam namin. Masaya kami na magkaibigan kami.”


Bukod sa sunud-sunod na TV and film projects ay nakakuha rin ng bagong endorsement ang Kapuso actor na si Rocco Nacino.

Bago siya pumasok ng showbiz ay lumabas na si Rocco sa ilang TV commercials, ngunit ngayon lang siya nagkaroon ng major endorsement bilang isang artista.

Ito ay sa pamamagitan ng Sun Cellular na napapanood na ngayon sa telebisyon.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rocco sa pictorial niya para sa Sun noong August 15 sa A Venue, Makati City.

Pero natawa ang StarStruck alumnus na ang bungad na tanong namin sa kanya ay kung in love ba siya ngayon.

“I’m happy... I’m happy,” sagot niya.

Sa lovelife o sa career?

“I guess hindi ko rin ma-explain, e,” nakangiting sabi ni Rocco.

“I am happy with what’s happening, yung flow ng event na nangyayari ngayon.

"I’m just really appreciative. You can say I’m inspired.”

INSPIRED BY LOVI? Si Lovi Poe ba ang nakakapagpa-inspire sa kanya o iba?

“Ibang babae—by the name of Lovi!” at saka tumawa si Rocco.

Nai-inspire siyang talaga ni Lovi?

“Yeah... ewan ko, e, ako rin nagtataka. I’ve always ran for chinitas, mapuputi.

"I don’t know why she stands out. I’m always having fun with her.

“Iba talaga yung saya kapag kasama ko siya. It must be..."

Love?

“I don’t know. It must be Lov—i,” tugon ni Rocco.

Dagdag niya, "We’re really, really good friends. Gusto ko munang panghawakan na hindi magmadali.

“Baka mamaya, diretso na, tapos hindi kami maging magkaibigan. Magka-letse-letse lang.

"So, tamang timing, tamang phasing lang.”

Naipakilala na ba niya si Lovi sa kanyang pamilya, gayundin naman si Lovi sa kanya?

Ayon kay Rocco, “Nakapag-dinner na kami kasama ang mom niya. Yung sister niya, nakasama ko rin.

“Nakasama ko siya, kasama ang friend niya. Naisama ko sila sa isang family gathering ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, nadaig pa nga niya ako. Siya, nakakain ng abnoy na balot sa Pateros, ako hindi."

Kuwento pa niya, “Nakakatawa kasi may time na nag-dinner kami ni Lovi. Tapos, parang uminom kami ng konti. Nag-wine night kami.

"Sabi ni Lovi, ’Nagugutom ako.’ Itinuro niya yung turo-turo.

"Siya ang may gusto. Ako pa ang umarte.

"Kaya palagi niya akong inaalaska na maarte ako sa pagkain. Pero, hindi naman.

“So, yun, good times with her. Masaya.”

Wala pa bang label kung anumang mayroon sila ngayon?

“I don’t think meron—happy friends!" natatawang sabi ni Rocco.

Gusto ba niyang magkaroon ng label ang namamagitan sa kanila ngayon?

“I don’t think muna... hindi muna siguro muna. We just go with the flow.

"Kung ano ang priorities namin, alam namin. Masaya kami na magkaibigan kami.”

CESAR MONTANO. Magkasamang muli sina Rocco at Lovi sa upcoming primetime series ng GMA-7 na Akin Pa Rin Ang Bukas.

Kasama rin sa cast ng show ang aktor na si Cesar Montano.

Aware daw si Rocco sa isyung kinasasangkutan ng co-star niya ngayon sa asawa nitong si Sunshine Cruz. Pero hindi naman daw nila pinag-uusapan ang tungkol dito.

“Siyempre, respect the person and not talk about it and wish him well. And I wish na hindi maapektuhan ang trabaho niya.

“And definitely, as his colleague, nandito ako sa kanya. Makikinig ako sa kanya.

"Kami nga lang yata ang lalaki doon, puro mga girls na kasama namin."

Sabi rin ni Rocco tungkol kay Cesar, “Well, he’s a good guy. Sana maayos at saka baka misunderstanding lang.”

SAN PEDRO CALUNGSOD. Magsisimula na rin daw si Rocco na mag-shooting para sa pelikulang San Pedro Calungsod, Batang Martir, entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon.

Ito raw ang dahilan kaya puspusan na ang pag-aaral niya ng salitang Bisaya at Latin, na gagamitin niya sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Handa na ba siya?

“Oh, yes, I guess I am.”

Ano sa tingin ni Rocco ang mas paghahandaan niya—dialogues o pag-arte?

“Dialogue, e,” sagot niya.

“Yung acting kasi, medyo may konting foundation na ako dahil sa mga nagawa ko dati, yung sa mga documentary.

"Pero siyempre, kaya, kakayanin.

“I promised naman Direk [Francis Villacorta], doon sa harapan ng mga tao na, ’Direk, ‘eto na, sa harapan ng mga tao, I’ll give everything for this project.’”

Sinabi rin ni Rocco na hindi muna siya gagawa ng anumang sexy projects.

“Oo nga, I think no Cosmo Bash for me.”

Pero rarampa sana siya sa Cosmo Bachelor Bash sa September?

Ayon kay Rocco, “I think may offer na. At may balak na sana akong gawin.

"Anyway, nakaka-tatlong taon na rin naman ako sa Cosmo Bash so siguro okay lang naman na magpahinga.

“Para pagbalik... at saka sana, sana sa pagbalik, cover na!” natatawang sabi niya.

Gaano kalaki ang nararamdaman niyang pressure dahil lalaban ang pelikulang pagbibidahan niya sa malalaking pelikula na kalahok din sa MMFF?

“Ang pagkakatanong n’yo pa lang, napi-pressure na ako!” natawang sabi ni Rocco.

“I am trying to think that this is a project, not an entry to one of the biggest festivals. Para hindi ako mataranta. Para hindi ako matakot.

"So, yun ang ginagawa kong mindset.

“Katulad ng ginagawa ko sa ibang projects, ibigay yung best ko sa character and give the audience something to enjoy.

“Doon pa lang, masaya na ako.”

Iniisip din ba niyang makakakuha siya ng acting award dahil sa pagganap niya sa San Pedro Calungsod?

Ayon kay Rocco, “I’m not thinking about it. I’m thinking of my performance muna.

"Para sa akin, ang award is something when people appreciate my acting.

“Kung magkaroon ako ng award, para sa akin, bonus siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But, mas masarap yung feeling na people would tell you up-close na, ’Hey, okay yung acting mo.’

“So, para sa akin, hindi ako nag-e-expect. But I would really appreciate it kung magkaroon man ako ng award.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN