Derrick Monasterio on possible relationship with Barbie Forteza: “Malay n’yo po one time ma-develop na lang po siya sa akin!

Derrick Monasterio shares his blessings to the kids of Nayon Ng Kabataan in Mandaluyong City. The Kapuso teen star says, “Kumbaga, ang ginagawa ko lang, sine-share ko lang po sa ibang tao kasi sobrang dami pong dumadating na blessings sa akin. And unlike them, hindi po sila ganun kapalad kagaya ko, kaya tipong gusto ko pong ipa-feel sa kanila kahit isang araw lang na special sila.”


Espesyal ang naging birthday celebration ng Kapuso tween star na si Derrick Monasterio dahil isang charity event ang naisip niyang gawin para sa mga kabataan na nasa pangangalaga ng Nayon ng Kabataan sa Mandaluyong City.

August 1 ang tunay na araw ng kapanganakan ni Derrick.

Noong Linggo, August 18, hindi napigil ng malakas na ulan si Derrick upang magbigay-saya sa mga batang kanyang napiling bigyan ng kasiyahan.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Derrick matapos magsimula ang programa para sa mga bata.

Ayon kay Derrick, marami siyang nais ipagpasalamat kaya naman ito ang naisip niyang gawin upang maibahagi ang mga biyayang dumarating sa kanya.

“Siyempre, unang-una, yung family ko po na nakasuporta sa akin lagi ’tsaka work, siyempre number one.

“Number two, work.

"Tapos number three, siyempre mga friends ko.”

Unang beses daw niyang gawin ang ganitong selebrasyon para sa kanyang kaarawan kaya naman mga kabataan ang napili niyang pasayahin.

Sabi ni Derrick, “Mas madali po kasing pasayahin ang mga kabataan, e.

“Di ba, konting ano lang po, konting joke, gano’n, tatawa na sila?

"Unlike pag matatanda, medyo po… opo, ganun. Medyo awkward.”



SPECIAL BIRTHDAY. Madalas daw ay kasama ni Derrick ang kanyang pamilya o hindi kaya’y mga kaibigan sa tuwing magse-celebrate siya ng kanyang birthday.

Aniya, “Sa bahay, kasama yung mga kaibigan, kain.”

Ngunit ayon sa Kapuso tween star, ito na ang kanyang paraan upang magbigay pasasalamat at maipamahagi sa iba ang blessings na natatanggap niya.

Paliwanag ni Derrick, “Talagang iba rin kasi yung feeling na nakakapagpasaya ka ng tao.

“Talaga, yun po kasi yung rason kung bakit ka nagbe-birthday, e, dahil gusto mo sumaya, di ba?

“Kumbaga, ang ginagawa ko lang, sine-share ko lang po sa ibang tao kasi sobrang dami pong dumadating na blessings sa akin.

“And unlike them, hindi po sila gano’n kapalad kagaya ko, kaya tipong gusto ko pong ipa-feel sa kanila kahit isang araw lang na special sila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Personal pang nakita ng young star ang kalagayan ng mga bata sa Nayon Ng Kabataan. Kaya naman isa ito sa mga nagbigay sa kanya ng inspirasyon upang magbukas ng sarili niyang foundation kung sakaling mabigyan ng pagkakataon.

Ayon sa Kapuso star, “Ipinakita po kasi sa akin kanina yung mga rooms nila, e. Tipong dikit-dikit sila matulog...

“Dikit-dikit sila matulog tapos parang wala nang space, parang masikip.

“Yun, nakakaawa din po, e.

“Kaya kung... sinasabi ko nga kay God, kung papayamanin Niya ako, gagawa ako ng sarili kong foundation para at least may tinutulungan na ako.”

Isa sa mga dahilan kung bakit mga bata ang naisip pasayahin ni Derrick ay ang mga streetchildren na kanyang nakikita tuwing bibisita sila sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Kuwento pa ng Anna KareNina star, “Mga kabataan din po kasi sa… sa mga nakikita ko po sa mga tours namin, tipong ang dami pa pong mga bata sa ano, e, sa streets na nakakalat, naiiwanan ng mga magulang.”

Hindi na rin daw bago ang charity work na ito kay Derrick dahil madalas siyang naiimbitahan upang magbigay ng lecture para mapabuti ang lagay ng mga kabataan.

“Pumupunta po kami sa mga schools tapos nagbibigay po ako ng mga speech about using drugs... about preventing them.

GOOD FRIENDS. Samantala, nagpapasalamat din si Derrick dahil maganda ang takbo ng kinabibilangan niyang primetime series sa GMA-7, ang Anna Karenina, kung saan ka-loveteam niya si Barbie Forteza.

Mensahe ni Derrick, “Nagpapasalamat po kami sa lahat ng sumusuporta kasi originally 12 weeks, 12 weeks lang po dapat kami.

“Pero na-extend nang na-extend dahil tinatangkilik po nila nang sobra kaya nakakatuwa.”

Sa bahaging ito, hindi na rin napigilang tanungin ng press kung kumusta na sila ni Barbie.

Paglilinaw ng young actor, matalik lang silang magkaibigan ni Barbie.

Aniya, “We’re good po, as friends.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Friends po talaga kasi kami, e.

“Best friends, kumbaga gano’n.

“We protect each other like, like magkapatid, tapos nagmamahalan kami bilang kaibigan.

“Kumbaga, lahat ng hahanapin mo sa isang partner, nasa kanya.”

Confident naman si Derrick na mayroon siyang pag-asa kay Barbie kung sakaling ligawan niya ito.

“Puwede, meron po ’yan.

“Kasi pareho naman kaming single, di ba?

“Who knows? Lagi po kaming magkasama.

“Malay n’yo po one time ma-develop na lang po siya sa akin! Siya talaga?” sabay tawa ni Derrick.

Ano naman ang iniregalo sa kanya ni Barbie noong birthday niya?

“Ano, belt po na Armani.”

Bago pa mag-birthday si Derrick, nauna munang nag-celebrate si Barbie ng kanyang 16thbirthday noong July 31. Ano naman kaya ang ibinigay ni Derrick para kay Barbie?

“Bracelet… charm bracelet po.”

Bukod dito, nanood din daw ang dalawa ng movie matapos ang taping nila para sa Anna KareNina.

Pagbibida pa ni Derrick, pareho silang Leo ni Barbie gaya ng Kapuso Primetime Royalty na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Kaya naman baka sila na raw ang sumunod sa yapak ng mga ito.

“Natutuwa nga ako kasi si Kuya Dingdong, Ate Marian, pareho rin silang Leo na August din ang birthday nila.

“Kami rin, parehong Leo so, di ba, who knows?

“Malay n’yo po, balang-araw. Sana po, to all the bosses out there...” nagbibiro pa niyang sabi.

Subalit, ayon kay Derrick, marami pa siyang ibang bagay na mas kailangang bigyan ng importansiya bukod sa kanyang lovelife.

Saad ng young actor, “Hindi, kasi sa ngayon, marami pa pong mas importanteng intindihin kaysa sa love.

“Like, siguro yun yung pang-apat ko, love.

“Above-above the three kasi mas mabuti munang maging successful sa career para naman maging mas matamis ang pagmamahalan. Naks!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN