Senator Bong Revilla denies transfer of his pork barrel fund to any NGO

In a statement earlier, August 21, Senator Bong Revilla’s legal counsel Atty. Joel Bodegon said the senator is willing to cooperate in impartial investigation on pork barrel scam.


Nakahandang humarap si Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. sa anumang “impartial investigation” kaugnay ng diumano’y maanomalyang paggamit ng Priority Development Assitance Program (PDAF) o tinatawag na pork barrel scam.

Ito ang sinabi ng legal counsel ng senador na si Atty. Joel Bodegon sa isang official statement na inilabas kanina, August 21.

Pahayag ni Atty. Bodegon, “Senator Revilla welcomes an impartial investigation on this matter.

“At the same time, the Office of Senator Revilla is currently doing in-depth study and serious review of the process and evaluating options to strengthen the safeguards or security measures to ensure that his PDAF allocation is not used without his office’s consent or knowledge.”

Ayon sa ulat ni Maila Ager ng Philippine Daily Inquirer, sinabi ni Atty. Bodegon na simula nang lumabas ang isyu, agad na ipinag-utos ni Senator Revilla sa kanyang staff na tingnan ang kanilang records.

Base sa kanilang pagsisiyasat, lumabas umano na hindi nag-endorso ang senador ng anumang non-governmental organization (NGO) o humiling sa implementing agencies na ilaan ang kanyang pork barrel sa anumang NGO.

Dahil dito, hiniling ng kampo ni Senator Revilla sa Commission on Audit (COA) na bigyan sila ng kopya ng naging imbestigasyon ng kanilang tanggapan kaugnay ng paggamit ng senador ng kanyang PDAF.

Sinabi rin ni Atty. Bodegon na nag-hire si Senator Revilla ng “handwriting experts” para siyasatin ang posibilidad na pagpeke ng pirma ng senador.

“A full and complete examination by handwriting experts should resolve the question of authenticity of the signatures.”

Ito ay kaugnay ng panibagong report na inilabas ng COA noong nakaraang linggo, na naglalaman ng panagalan ng ilan pang mambabatas na umano’y sangkot sa maanomalyang paggamit ng kanilang PDAF.

Ayon sa ulat ng COA, umabot ng P3 billion ang pork barrel ni Compostela Valley Representative Manuel “Way Kurat” Zamora mula 2007 hanggang 2009.

Pero agad naman itong binawi ng COA at sinabing nagkaroon ng “clerical error” sa kanilang ulat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod kay Senator Revilla, sangkot din sa pork barrel scam sina Senators Juan Ponce Enrile at Jinggoy Estrada.

Ayon sa COA, sila ay mga “suki” sa pagbibigay ng pondo sa mga illegitimate NGOs na pinamunuan ni Janet Lim-Napoles.

(Read: COA says Senators Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada, and Bong Revilla used pork barrel for bogus organization)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN