Max Collins not surprised by Megan Young’s win in Miss World Philippines

Nais tumulong ni Max Collins sa mga nasalanta ng baha sa pamamagitan ng pagsama sa iba pang talents ng PPL sa isasagawa nilang relief efforts sa Linggo, August 25.


Nakaka-relate daw ang Kapuso actress na si Max Collins sa mga naging biktima ng baha dulot ng bagyong Maring at ng hanging Habagat.

Naranasan na raw ni Max na ma-stranded sa gitna ng kalsada dahil sa matinding baha.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Our car was floating na sa kalsada. Buti na lang tinulungan kami ng mga tao na itulak ang car namin out of the flood.

“It’s one of the most unforgettable moments in my life kaya I know how it feels na maipit ka sa ganung situation.”

Kaya masigasig daw si Max sa gagawing charity program ng kanyang management office na PPL para sa mga naging biktima ng baha.

Pagbabalita niya, “We will be having an outreach program through the help of Yes Pinoy Foundation. That will be this coming Sunday [August 25] after Sunday All Stars.

“We will be going to evacuation centers to donate food, water, medicine, clothes, and other things na kailangan ng mga pamilya na nandoon.

“This is the time to get together and help these people. We will do our best to make them happy despite of their condition now.”

SHARING HER BLESSINGS. Paraan daw ito ni Max to share her blessings dahil sa magandang takbo ng kanyang career sa GMA-7.

Bukod sa Sunday All Star, kasama rin siya sa morning serye na With A Smile at sa gag show na Bubble Gang.

May natapos din siyang indie film, ang Bamboo Flowers, para sa Sineng Pambasa National Film Festival: All-Master Edition ng FDCP (Film Development Council of the Philippines).

Sa With A Smile ay ginagampanan ni Max ang role na Patricia, ang “other girl” sa buhay ni Dean (played by Mikael Daez) bukod kay Isay (played by Andrea Torres).

Sabi ni Max, “I’m thankful to be part of With A Smile.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Napakagaan na magtrabaho sa set at pati ang mga eksena namin ni Mikael ay very light.

“It’s so different from what I did in my last teleserye, Pahiram Ng Sandali.

“Doon kasi, mabigat ang character ko. Maraming drama sa buhay niya.

“Dito naman sa sa With A Smile, very light lang talaga ang character ni Patricia.”

Nilinaw ni Max na hindi magiging kontrabida kay Andrea Torres ang role niya as Patricia.

“Akala ng marami na kontrabida ako. Pero hindi ako kontrabida kay Isay sa With A Smile.

“The televiewers will find that out soon. Malalaman nila kung sino ba talaga si Patricia sa buhay ni Dean,” sabi niya.

Sa Bubble Gang naman daw ay ilang weeks nang guest si Max at nag-e-enjoy siya.

“Ang saya-saya namin parati sa set. Para kaming hindi nagtatrabaho. It’s really fun to be part of the show.

“Though I do miss doing a serious teleserye, but being in a gag show is really different. Walang stress!” sabi niya.



BAMBOO FLOWERS. Sa September 8 naman na ipalalabas ang indie film ni Max na Bamboo Flowers, mula sa direksiyon ni Maryo J. de los Reyes.

Ito rin ang first movie ni Max kaya sobrang special daw sa kanya ito.

Aniya, “I also consider this as my best birthday gift.

“My birthday is on August 28 pero kahit September 8 pa ang palabas ng movie, magandang birthday gift ito for me.

“This is my very first movie and I am so happy to be directed again by Direk Maryo who I’ve worked with sa Pahiram Ng Sandali.”

Kinunan ang Bamboo Flowers sa Bohol. Kasama ni Max sa pelikula sina Mylene Dizon, Irma Adlawan, Orlando Sol, Ruru Madrid, Diva Montelaba, Migs Cuaderno, Yogo Singh, Gino Antonio, at Spanky Manikan.

Ayon kay Max, “I play the role of Dolores. Isa siyang probinsiya na tourism student who is doing her OJT [On-the-Job Training] sa isang resort.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Doon ko makikilala ang isang foreigner who will offer a good life for me if I marry him.

“The conflict here is I have a boyfriend and I am torn between accepting the life I have always dreamed of or live a simple life in the province.

“The movie is about people and their choices in life. How will they be able to live with the choice they made.

“The whole cast worked very hard kaya proud na proud kami sa movie na ito.

“Lalo na ako, this is my first movie and I hope that I did justice to my role.

“It has such a beautiful story and it will also feature the beauty of Bohol, most especially the Abatan River where the bamboo trees grow.

“The film will definitely help boost tourism in Bohol.”



MEGAN YOUNG. Masayang-masaya naman si Max dahil sa pagkapanalo ng kanyang kaibigan na si Megan Young sa Miss World Philippines.

Sabi ni Max, bata pa lang sila ni Megan ay alam niyang dream na nito na maging isang beauty queen at natupad na nga ang matagal na nitong pinapangarap.

“Sobrang masaya po ako para kay Megan!” bulalas niya.

“I knew she would win. Nung bata pa lang kami, lagi kong sinasabi na dapat mag-join siya, she will make us proud.

“So I wasn’t surprised when she won!

“I was so proud watching her walk in her beautiful gown, kahit nanood lang ako sa TV. She was so graceful and she answered the question with so much confidence.

“I’m sure she will make the Philippines proud and let’s all pray that she brings home the Miss World crown.”

Hindi naman daw naging dream ni Max ang maging isang beauty queen kahit na marami ang nagsasabi na beauty-queen material siya.

“Growing up, I didn’t really dream of becoming a beauty queen,.I dreamt of becoming an actress talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Maybe because competition makes me so nervous!

“I don’t know how they compete for one crown. It must be so stressful! So much pressure sa kanilang lahat.

“So it’s not for me. Happy na ako being an actress. I get to do different roles and I learn from the people I am working with.

“May mga tao talaga na destined to be beauty queens—just like Megan who really deserves the crown.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN