Part 1. Claudine Barretto lashes back at Raymart Santiago’s family

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagbukas na ng kanyang saloobin si Claudine Barretto kaugnay ng kontrobersiyang kinasasangkutan nila ng mister niyang si Raymart Santiago. Dito ay isiniwalat niya ang kanyang nararamdaman tungkol sa asawa at sa pamilya nito.


Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagpahayag si Claudine Baretto ng kanyang saloobin kaugnay sa isyu nila ng kanyang asawa na si Raymart Santiago at ang legal battle nila para sa kustodiya ng mga anak na sina Sabina at Santino.

Matatandaang naghain ng Temporary Protection Order (TPO) si Claudine laban kay Raymart kaugnay diumano ng paglabag ng huli sa R.A. 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act.

Ang aktor naman ay naghain ng habeas corpus upang makuha ang kustodiya ng kanilang mga anak.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang piling miyembro ng press si Claudine, sa paanyaya ng kanyang legal counsel na si Atty. Ferdie Topacio, kagabi, August 22, sa poolside ng Skyway Twin Tower sa Ortigas Center, Pasig City.

Kasama rin sa small media group interview kay Claudine ang isa pang abugado ng aktres na si Atty. Ginger Castillo.

Suot ang isang sleevelees blue lace knee-length dress, bumati muna si Claudine sa mga imbitadong press at saka naupo para sa panayam.

Nasa hitsura ni Claudine ang pagiging panatag ng mga sandaling iyon, pero mababanaag na sa gitna ng kanyang mga ngiti ay pinipilit niyang mapanatili ang kanyang composure.



MOVING FORWARD. Kumusta ngayon si Claudine?

“I can’t say naman na okay na okay,” mahinahong tugon ng aktres.

Dagdag niya, “Of course, I’m trying to be better every day.

“I’m moving forward and trying my best as a good mother.”

Paano siya nagku-cope sa pang-araw-araw niyang buhay habang hinaharap ang kontrobersiya sa pagitan nila ni Raymart?

Tugon ni Claudine, “Prayers, of course yung support ng mga kaibigan ko.

“Nandiyan din yung support ng mga fans ko. Magulang ko.”

Paano nabago ang kanyang buhay sa pinagdadaanan niyang problema at kontrobersiya?

Saad ng 34-year-old actress, “Alam n’yo, hindi ko na alam kung paano nabago ang buhay ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang ang daming… etong 2013, parang tuluy-tuloy, sunud-sunod yung mga unos na pinagdaanan ko at ng pamilya ko.

“And parang I just take it a day at a time with prayers and pag nakikita ko ang mga anak ko, of course they inspire me to be better and do better, to give my best.”



THE CHILDREN. Kumusta naman ang mga bata? Hindi ba nila hinahapan ang kanilang ama?

“Hindi naman,” nakangiting sagot ni Claudine.

“Siyempre, noong una naghahanap, siyempre nalulungkot.

“Pero nung medyo tumagal-tagal na, nasasanay rin yung tao. Nasasanay rin yung mga bata.”

Paano niya ipinaliwanag sa kanilang mga anak ang sitwasyon nila ngayon ni Raymart?

Ayon kay Claudine, “Well, in-explain ko sa kanila na in the best possible way na puwedeng i-explain ng isang nanay sa kanyang nine-year-old na daughter—kay Sabina—and Santino, who’s only six years old.

“And of course, through counselling… may child psychiatrist din sila.

“Humihingi rin ako ng tulong doon para ma-explain ko sa kanila that eto yung sitwasyon namin at balang-araw…

“This is just a storm, trial lang ito, it will pass.

“We will go through this as a family. We will be okay. Hindi laging may problema.

“Magkakaroon rin ng rainbow pagkatapos ng storm. Yun naman ang inaasahan nila.”



POSSIBLE MEDIATION. Nasa tabi ni Claudine si Atty. Topacio, na natanong naman tungkol sa posibleng mediation sa pagitan nina Claudine at Raymart.

Sagot ng abugado ng aktres, “Merong court imposed mediation, e, sa TPO, yes.”

Sa kabilang side ay katabi naman ni Claudine si Atty. Castillo na naglinaw naman tungkol sa possible mediation.

Paliwanag niya, “Sa habeas corpus, may mediation, pero sa TPO wala.

“Sa Temporary Protection Order kasi, hindi ‘yan mediatiable. So, walang mediation pagdating sa TPO.

“Pero pagdating sa habeas corpus, yun, puwede nilang pag-usapan yung custody, visitation rights, support.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun ang mga pinag-uusapan sa mediation.”

Kailan ito maaaring pag-usapan sa korte?

Sabi ni Atty. Castillo, “Nire-require talaga ng court ang mediation pagka-file ng pre-trial brief.

“Tatawagin yung parties after ng pre-trial conference.

“And during the time bago sila mag-i-stipulate sila ng facts, ire-refer muna ng court sa mediation yung habeas corpus.

“Pero sa protection order, hindi puwede.”

Tanong naman ng PEP kay Claudine: Bukas ba siya sa mediation?

“A, hindi ko pa alam sa ngayon.

“Although they’re… medyo traumatized, e, with everything that is happening.

“Especially when they were dragged into court,” sabi ni Claudine patungkol sa dalawa niyang anak.

Patuloy niya, “Yung sa habeas corpus nga, siyempre nakita nilang maraming tao, maraming cameras. Of course, they got scared.

“Hindi nila… kahit na in-explain namin sa kanila the night before…

“We went to St. Luke’s, we went to the child psychiatrist to explain na, ‘Pagdating mo doon, may mga cameras, people might ask you questions.’

“For a six-year-old and nine-year-old… I mean, that is very traumatic. That is very, very traumatic.

“As a mother, kahit sinong ina, magagalit at masasaktan.

“So, yun ang saloobin ko doon sa pangyayaring yun.”

Saan na-traumatize ang mga bata? May balita kasing lumabas na hindi raw naging maganda ang kalagayan ni Santino pagkatapos ng hearing sa korte.

Sagot ni Claudine, “Uhm, yes, they were very traumatized.

“After that, si Santino medyo nagalit sa akin. Si Sabina, medyo parang nagtatampo, natatakot maiwan.

“Yung sa visitation, I think yun yung medyo mahirap…”



FACING RAYMART IN COURT. Ano ang naramdaman ni Claudine nang magkita sila ni Raymart sa korte matapos ang matagal nilang hindi pagkikita?

Saad ng aktres, “Yung first time, it was… of course, painful. Kasi siyempre asawa mo yung tao.

“Gaya ng sinabi ko sa interview, bibihira lang naman akong nagpapa-interview.

“At ang sinabi ko doon sa interview, it was very clear na ayaw kong siraan ang asawa ko and yet ang dami kong naririnig na mapaggawa ako ng kuwento. Na maraming makakapagpatunay nun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Marami akong naririnig sa side ng pamilya niya. To think these are men who are talking, like bullies… I don’t understand.

“The first time, I was breaking down… kasi siyempre unang beses kayong magkakaharap.

“And ang dami niyang lawyers, ang dami niyang kasama, ang dami niyang backers, you know, to intimidate me.

“Nandun pa rin talaga yung sign of abuse.”

Patuloy niya, “But the second time na nagkita kami sa court, nung habeas corpus niya ang mga anak ko, galit na ako. Nagalit na ako.

“Doon ko nasabi na sa eleven years naming magkasama, akala ko kilalang-kilala niya ako, alam niya yun ang pinaka… ang kahinaan ko, yung mga anak ko.

“Pero nagkamali rin siya dahil yun ang pinakalakas ko.

“When he hit on my kids and dragged both Sabina and Santino to court, he gave me enough strength na labanan siya at ilabas ang katotohanan.

“Hindi ko siya sisiraan sa harapan ng tao gaya ng ginagawa nilang pagsira sa pagkatao ko, sa pangalan na pinaghirapan ko ng ilang taon para lang siraan ng isang Raymart Santiago, Randy Santiago.

“Hindi ko papayagang mangyari ito ulit,” mariing pahayag ng aktres.

Si Randy ang panganay na kapatid ni Raymart.



SANTIAGO FAMILY. First time pinangalanan ni Claudine si Randy. Ano ang mga sinabi nito na nakapagpagalit o naka-offend sa kanya?

(Read: Randy Santiago defends brother Raymart against Claudine Barretto’s latest accusations; laments, “I am so disappointed in Claudine.”)

“Ang dami niyang sinabi, hindi ko na alam kung alin doon,” sagot ni Claudine.

Gaano siya nasaktan sa naging pahayag ni Randy gayong close sila noon?

Pero pagkontra ni Claudine, “They’re not even close, not even close as a family.

“I just really don’t know what are they talking about.”

Patutsada pa ni Claudine sa pamilya ng kanyang asawa, “Ang masasabi ko lang doon sa kung anong sinasabi na ilalabas nila ang baho ko, go ahead, I dare you! Bring it on!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi ang pinagkaiba ng baho ng mga Barrettos sa baho ng mga Santiago, yung sa amin naaamoy. Yung sa kanila, pag lumabas, ikakasira talaga nila.”

Halatang galit si Claudine habang nagbibitiw ng mga salita tungkol sa pamilya ng kanyang asawa.

Paliwanag niya, “Ayaw ko ng binabastos ako, lalo na ng mga lalaki.

“Hindi na ako papayag. Nabastos na ako noon. Huwag nila akong babastusin.

“Like what I’ve said, do not mess with my kids. Do not mess with my children.

“Huwag ninyong gawin sa akin yung ginawa ninyo kay Sherilyn Reyes at kay Paoie.”

Si Sherilyn ay dating misis ni Jun-Jun Santiago, kapatid nina Raymart, Randy, at Rowell Santiago. Mayroong anak sina Sherilyn at Jun-Jun na nagngangalang Paoie.

Nang usisain tungkol sa pahayag niyang ito, tumanggi nang magbigay ng detalye si Claudine sa nalalaman niya tungkol kay Sherilyn at sa anak nito

Nag-uusap ba sila ni Sherilyn?

“No,” mabilis niyang sagot.

(Bukas ang PEP sa panig ng mga taong binanggit ni Claudine sa panayam na ito.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN