Anne Curtis holds garage sale for typhoon victims

Anne Curtis helps out in her own way by disseminating information on social media amidst the havoc wrought by habagat and tropical storm Maring.


Isa si Anne Curtis sa mga celebrity na naging active sa social media nitong nakaraang linggo upang maghatid ng impormasyon kaugnay ng pananalasa ng bagyong Maring at ng hanging habagat na nagdulot ng malawakang baha sa Metro Manila at mga karatig-probinsiya.

Kabilang dito ang mga flood updates at pagpapakalat niya ng mensahe tungkol sa relief drives ng iba’t ibang organisasyon na ipinost ng aktres sa Twitter at Instagram.

Si Anne pa rin ang nangunguna sa local celebrites na may pinakamaraming followers sa Twitter at Instagram.

As of today, August 23, mayroon nang mahigit 5,170,000 followers si Anne sa kanyang Twitter account

Mayroon naman siya mahigit 1,231,000 followers sa Instagram.

Hindi maitatangging si Anne ang isa sa pinaka-influential local celebrity sa ngayon pagdating sa social media.

Dahil dito ay masasabing malaki rin ang naging bahagi ng kanyang information dissemination upang makatulong sa mga naging biktima ng baha.

Ngayong araw ay isang garage sale naman ang isasagawa ni Anne, kasama ang kaibigang si Vice Ganda, na magaganap sa Pinoy Big Brother Hall mula 10 a.m. hanggang 6 p.m.

Ito ang ikinuwento ni Anne kagabi, August 22, sa panayam niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press para sa event ng Avon. VIEW PHOTOS Anne Curtis: You make it beautiful!

Pahayag ni Anne, “I’ll be selling some nice stuff so hope you guys can make it to raise funds for the typhoon victims.”

Paalala pa ni Anne sa kanyang Twitter account, “To everyone coming to the garage sale please bring your own reuse-able shopping bag or any bag you want. I refuse to use plastic bags!"

Ipinost din niya sa Instagram ang ilan sa clothing items na isasama niya sa garage sale.

Caption niya sa post na ito: "Good bye my shorty boom booms. I’m going to miss you! See you all at the PBB Hall 10am. #Shop4Acause"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa sumunod naman na post: "Bye-Bye Glitterati sparkly dresses!!! #shop4acause"

NO MARRIAGE PLANS YET. Makailang-ulit na ring ipinahayag ni Anne na wala pa silang balak magpakasal ng boyfriend niyang si Erwan Heussaff.

Tatlong taon na rin ang relasyon ng dalawa at makikita naman sa kanilang social media accounts na very sweet pa rin sila sa isa’t isa.

Ngunit hindi pa rin nagbabago ang pahayag ni Anne at pinipili pa rin nitong mag-focus muna sa career.

Aniya, “Hopefully in mga five years. Yeah, mga four to five years.

“You know, I still wanna enjoy what I have at the moment.”

Bukod sa pagiging food blogger, isang ring triathlete ang boyfriend ni Anne na kapatid din ng malapit niyang kaibigan na si Solenn Heussaff.

May balak ba siyang sumali rin sa isang triathlon?

Tugon ni Anne, “No. No, I don’t have the time to train for that…but hopefully, one day.

“My goal is, when I turn 30, to join a triathlon, sana.”

Kaya ang workout lang ni Anne sa ngayon, "I run a lot and then I have a fitness program that I follow at Focus Athletics.

"So it’s a mix of plyometrics and running."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN