Nicco Manalo on dad Jose Manalo: "It’s not too much hatred, it’s more of a lot of questions, na siguro soon ay masasagot."

“Ako, ipinagdadasal ko talaga na maayos at magkasundo. Forget about kung ano ang gusto niya, ano ang gusto niya. Isipin natin ang responsibilities natin, kung ano ang kaakibat niyan and kung sino ang mga taong involved na dapat hindi nadadamay,” says Nicco Manalo when asked if he and his siblings are getting financial support from their dad, comedian Jose Manalo.


Masaya si Nicco Manalo na mas napapadalas na ang paggawa niya ngayon ng indie film.

Si Nicco ang panganay na anak ng komedyanteng si Jose Manalo sa estranged wife nitong si Annalyn.

Unang nakilala si Nicco bilang theater actor bago siya makilala bilang indie actor. Ilan sa mga nagawa na niyang indie films ay Zombadings at San Lazaro.

Ngayong taon, tatlong pelikula ang kinabibilangan niya—ang maindie na Tuhog at indie films na Instant Mommy at Barber’s Tales.

“Masaya ako na nakakapasok na ako and nabibigyan na rin ako ng mas malaki-laking role,” sabi ni Nicco nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng press conference ng Instant Mommy noong Huwebes, August 22.

Kaya naman umaasa rin si Nicco na mabigyan din siya ng pagkakataon na maging bahagi ng isang mainstream movie.

Aniya, “Well, kung mabigyan ng chance. Pero doon na po ako papunta. Gusto ko rin po ma-penetrate yung mainstream.”

Kung gugustuhin niya, maaring humingi ng tulong si Nicco sa kanyang ama para mas mapadalas ang paggawa ng mga proyekto.

Pero ayon kay Nicco, “Kahit dati kasi, ayaw kong magpatulong sa kanya. Sabi ko kay Daddy, I’ll make it on my own.”

Nabanggit din niya na iba kasi siya sa kanyang ama na kilalang-kilala sa pagpapatawa sa longest-running noontime show na Eat Bulaga!.

“Kumbaga, sabi ko, hindi ko kaya ang ginagawa niya, e, yung papasok ka isang lugar tapos iwi-wish mo na mapatawa mo yung mga tao sa mga jokes mo.

“Medyo iba rin kami ng training, kasi ako medyo nakapag-theater. Siya, puro siya na talaga ‘yon, e,” sabi ng Technical Theater graduate.

Noong una, ayon kay Nicco, hindi pa niya nakuha ang buong suporta ng kanyang ama para sa karerang kanyang pinili.

“Noong time na ‘yon, hindi naman niya sinabing huwag gawin.

“Pero medyo [sinasabi niya], ‘Sure ka ba? Sure ka ba sa gagawin mo?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dumating din yung point na, lalo na noong magti-theater ako, hindi na masyadong kumikita tapos grabe din yung dine-demand ng theater.

“Pero ‘yon talaga ang passion ko kaya medyo natagalan din akong mag-isip na i-try din yung mainstream.”



NO CONTACT WITH JOSE. Nang tanungin ng PEP kung ano ang reaksiyon ng kanyang ama sa mga nagagawa niya ngayon, inamin ni Nicco na hanggang ngayon ay wala pa rin siyang contact dito.

Ito ay bunsod pa rin ng legal problem sa pagitan ng kanyang mga magulang.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay kinasuhan ni Annalyn si Jose ng violation of Anti-Violence Against Women and Children Act o Republic Act 9262.

(Read: Jose Manalo formally accused of violating Anti Violence Against Women and Children Act by wife Annalyn)

Sabi ni Nicco, “I’m sure he’s proud kasi when he saw me on stage, naging emotional siya.

“Hindi niya po ako masyadong kinakausap about sa acting.

“I think siguro noong lumabas ako sa TV, noong lumabas ako sa TV, Fantastic Kids, sinabi niya rin na parang malaki pa ang acting ko, hindi pa niya masyadong ma-tone down.

“Siguro the difference with theater is you have to show rather than just being there.

“Medyo tumatak naman ang mga sinabi niya sa akin.

“Pero I don’t ask. I never asked him about how I did. Sasabihin niya lang palagi, ‘Ang galing.’”



“I DON’T WANT TO INTERFERE.” Hangga’t maaari ayaw na muna ni Nicco na makialam sa problema ng kanyang mga magulang.

Bilang panganay na anak, gusto ng 27-year-old indie actor na isipin kung paano siya makakatulong sa kanyang pamilya.

Sa ngayon, kasama ni Nicco ang kanyang ina at mga nakababatang kapatid.

Aniya, “Right now, I’m living with my mom and I’m thinking about them first rather than the personal agenda of the people involved.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s more of, ayusin muna natin ang mga dapat ayusin. Sige, ayusin n’yo ‘yan, tapos ako, I’ll do what I can para makatulong.”

Sinabi rin ni Nicco na ayaw niyang mamili kung sino ang kanyang kakampihan sa pagitan ng kanyang mga magulang.

“Kasi kahit noong nagsimula yung gulo na ito, simula noong nagkaroon na kami ng problems, I didn’t want to take a side.

“Ayaw ko yung pinapaboran ko yung mommy ko o pinapaboran ko yung daddy ko.

“As someone who’s in there in the family, I’m sure makikita yung flaws, kung ano ang puwedeng mangyari o kung ano ang puwedeng naging pagkukulang ng bawat isa.

“It’s their problem, I don’t wanna interfere to that.

“It’s their problem that they have to fix kasi nga maraming kapatid ko ang involved, maraming bata ang involved.

“Mas doon ako concern, rather than kung sino ang tama, sino ang mali.”

Sa ngayon, umaasa si Nicco na magkaroon ng solusyon ang kanyang mga magulang pagdating sa financial support.

Sabi niya, “Pinagdadasal ko talaga na maayos at magkasundo.

“Forget about kung ano ang gusto niya, ano ang gusto niya.

“Isipin natin ang responsibilities natin, kung ano ang kaakibat niyan and kung sino ang mga taong involved na dapat hindi nadadamay.”

Nang tanungin ng PEP kung may galit ba siya sa kanyang ama, sagot ni Nicco, “It’s not too much hatred, it’s more of a lot of questions, na siguro soon ay masasagot.

“Pero right now, I don’t see it happening.

“Pero eventually, I’m sure I will be able to talk to him.”

Kung sakaling magkita, ano ang sasabihin ni Nicco sa kanyang ama>

“’Ano ang nangyari?’ ‘Yon lang, I would be all ears siguro.

“Parang, okay, I’m hearing my mom’s side more than anyone else.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos kapag nakaharap ko siya, just tell me, I’ll be all ears, kung ano ang nangyari.

“I will be there and just listen,” pagtatapos ni Nicco.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN