Sheryl Cruz commends and supports cousin Sunshine Cruz

Suportado raw ni Sheryl Cruz (nasa larawan) ang kanyang pinsan na si Sunshine Cruz sa pinagdadaanan nitong problema kaugnay ng hiwalayan nila ng asawang si Cesar Montano.


Magkasama sa upcoming fantasy series ng ABS-CBN na Galema, Anak Ni Zuma ang magpinsang sina Sheryl Cruz at Sunshine Cruz.

Matatandaang nagkaroon noon ng samaan ng loob sa pagitan ni Sheryl at ni Sunshine at iba pa nilang pinsan dahil sa hindi pag-uwi ni Sheryl mula sa Amerika nang mamatay ang kanyang ama na si Ricky Belmonte.

Ngunit nang magbalik sa Pilipinas si Sheryl ay nagkaayos din ang magpipinsan kalaunan.

Masaya raw si Sheryl sa pagsasama nila ni Sunshine sa Galema.

“It is a reunion, very welcome reunion kasi nga okay naman kami ng pinsan ko.

“I’m very happy kasi nakikita ko naman na nag-mature siya sa craft niya pag napapanood ko ang teleserye niya ngayon,” sabi ng aktres sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

SUPPORT FOR SUNSHINE. Ngayong may pinagdadaanan si Sunshine sa kanyang marriage life ay nakasuporta rin daw si Sheryl sa pinsan.

Sabi niya, “Very proud of her at sa lahat ng tina-tackle niya sa kanyang personal life. I also commend her and I support her.

“Siyempre, I’m saddened. This is her life and she’s already a grown woman and she knows what decisions to make, especially if it’s not only for herself but for the well-being of her children.”

Dagdag niya, “I think it’s best to give her space kasi I also went through that.

“Maybe different ang aming senaryo at saka instances na nangyari, pero siyempre you wouldn’t want that to happen to anyone naman—yung nagkakahiwalay—especially they have kids.”

Matagal nang hiwalay si Sheryl sa kanyang asawa na si Norman Bustos, isang police officer sa San Francisco, California.

Patuloy pa ng aktres, “I think she has a good head on her shoulders and malakas naman at malalim ang pananampalataya niya sa Panginoon kaya I’m sure na maraming tao ang sumusuporta sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre kahit papaano nauunawaan ko siya.

“Iba-iba naman tayo mag-tackle ng ating mga personal problems... whether lalake ka or babae ka, you hurt.

“Iba yung mga coping mechanism natin and I could remember myself when I was going through that.

“Siyempre nandiyan na yung di ka makaisip nang maayos, hindi ka makatulog, nangangayayat ka kahit anong pilit mong kumain.

“Iba-iba ang ating pag-handle nito.

“Ang sa akin lang, I do understand her.

“Hopefully, with all our prayers and support and the family’s love and yung mga kaibigan na susuporta din kay Shine, she’ll go through this and she’ll be able to overcome this.”

Hindi naman itinago ni Sheryl na nag-open rin sa kanya si Sunshine tungkol sa problema nito sa asawang si Cesar Montano.

Saad niya, “Nabuksan niya pero the thing is I really don’t want to ask more than I should because kailan lang naman kami nag-start sa proyektong ito [Galema].

“Ang na-miss namin, yung pagiging magpinsan namin nung times hindi kami masyadong nag-uusap at nagkikita. Pero that’s already done.

“I’m just very happy that wer’e able to open up communication line.”



SHERYL’S INSPIRATION. Ilang taon na rin ang nakalilipas nang makipaghiwalay si Sheryl sa kanyang asawa na si Norman Bustos. Mayroon ba siyang bagong inspirasyon o isang tao na nagpapasaya sa kanyang buhay ngayon?

Tugon niya, “Ang inspirasyon ko ngayon, first of all, is my daughter—si Ashley.

“Next to that yung aking advocacy sa Paper For Now.

“I have marginalized women sa may Mandaluyong so we continuously make recycle paper bags that we actually supply to Kultura and we do supplies for Cash and Carry sa Makati.

“So, yun ang aking pinagkakaabalahan when I’m not busy with showbiz.

“But right now that I was given the opportunity na makasama naman dito sa Galema, Anak Ni Zuma, I’m very, very happy and excited and pinaghahandaan naming lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala, everyone will wish for one but I really don’t want to complicate my life right now.

“Pag usapang puso na yun ang pinagdadaanan kasi, hindi puwedeng di mo seseryosohin, e, especially if it affects not only yourself but your kid and your entire family at lahat ng nagmamahal sa iyo.”

Kumusta naman ang relasyon nila ng nakahiwalayng asawa?

Ayon kay Sheryl, “We are friends.

"Pero kasi, para sa akin, kahit hindi nag-work out yung marriage namin, as long as he’s really a good dad to his daughter, that’s all that counts.

“Para sa akin, pag nakikita ko na talagang mahal ang anak ko at talagang patuloy ang pagsusuporta niya whatever it is that she needs right now, okay sa akin.

“He still does it [financial obligation] monthly, hindi niya nakakalimutan yung responsibilities niya.

“Yun para sa akin ang hinahangaan ko.”



TRIPLETS. Gaya ni Sheryl ay may mga proyekto ring ginagawa ngayon sa ABS-CBN ang mga kasabayan niya na sina Manilyn Reynes at Tina Paner.

Kasama si Manilyn sa teleserye nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na Got To Believe, samantalang nagkaroon naman ng guest appearance si Tina sa My Little Juan.

Noong nasa That’s Entertainment at Regal Films pa sila ay nakilala ang kanilang grupo bilang “Triplets.”

Sabi ni Sheryl tungkol kina Manilyn at Tina, “Masaya ako para sa aking mga kaibigan and equally happy, kasi hindi lang si Sunshine yung makakasama ko dito sa ABS kundi si Rayver din.”

Si Rayver Cruz ay pinsan din nina Sheryl at Sunshine.

Hiningan din namin ng reaksiyon si Sheryl sa isyung kinasasangkutan ni Tina, kung saan may mga niloko raw itong mga kapwa Filipino sa Spain.

Pero ayon kay Sheryl, “I just know of kung anuman ang napabalita pero I’m not fully aware of everything.

“Mahirap magsalita sa ngayon. Siguro kung mas mauunawaan ko pa siya kung ano ang bagong lumabas na balita, then I can actually comment on it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But with regards sa kung anuman ang pinagdadaanan ng kaibigan ko, I know naman na kung anuman ang totoo, yun naman ang lalabas sa dulo.

“I’m just hoping that she’s stay strong towards on whatever it is happening right now on her life because she has to be responsible also not only for herself but for her daughter.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN