Christopher de Leon shares his faith; produces rock musical Lorenzo

Christopher de Leon reveals how the idea for the stage musical was hatched: “This is a very exciting project. The project is about our first saint San Lorenzo Ruiz. Very exciting because matagal na naming pangarap gawing pelikula ito pero hindi magagawa yung pelikula dahil napakalaking pelikula. It will cost about fifty to eighty million pesos to do this, so after several years e na-decide kong… may nag-udyok sa akin na gawin na lang sa entablado. Magandang ideya ng


Blessing in disguise daw para kay Christopher de Leon na hindi pa siya nagsisimula ng taping para sa bago niyang teleserye sa ABS-CBN, ang Hanggang Kailan Kita Mamahalin, kasama sina Angel Locsin, Jericho Rosales at Maja Salvador.

Dahil daw dito ay mas napagtuunan niya ng pansin ang kauna-unahang malaking produksyon ng sarili niyang production company, ang Green Wings Entertainment Network.

Ito ang musical play na Lorenzo, na tungkol sa buhay ng first Filipino saint na si San Lorenzo Ruiz.

“This is a very exciting project. The project is about our first saint San Lorenzo Ruiz.

“Very exciting because matagal na naming pangarap gawing pelikula ito pero hindi magagawa yung pelikula dahil napakalaking pelikula.

“It will cost about fifty to eighty million pesos to do this, so after several years, na-decide kong… may nag-udyok sa akin na gawin na lang sa entablado.

“Magandang ideya nga na gawin sa entablado ang istorya ng ating unang Santo kaya kinuha namin si Professor Paul Dumol [para sulatin ang script], si Direktor Nonon Padilla, at ang music, si Maestro Ryan Cayabyab.

“Musical play ito so very entertaining, medyo rock... mellow rock ang tugtugan dito. This is going to be a beautiful play, so exciting.

“For me this is… isa sa mga highlight ng buhay ko,” masayang kuwento ni Christopher.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Christopher sa intimate presscon niya para sa Lorenzo kahapon, Agosto 23, sa Annabel’s restaurant sa Tomas Morato Ave., Quezon City.

MISSION. Mahigit dalawang dekada na raw ang nakararaan nang alukin si Christopher para gumanap ng Lorenzo Ruiz sa pelikula. Katulad nga ng sabi niya dahil sa laki ng gagastusin sa produksyon ay hindi na natuloy ang pelikula.

Dahil daw sa realizations niya sa dinaluhan niyang retreat bago sana simulan ang pelikula, kaya naman tila naging misyon na ng magaling na aktor na gumawa ng paraan kung paano maibabahagi sa mga tao ang kuwento ni San Lorenzo Ruiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy pa niya, “Marami pa rin kasi ang hindi talaga nakakaalam ng istorya ng unang Santo natin.

“Kasi napakaganda ng istorya niya… ang ganda nung bakit siya nakapatay ng Espanyol na opisyal pa…

“Bakit siya umalis, lumisan mula Manila papuntang supposed to be sa Macau pero he ended up in Japan, tortured in Japan, they want him to renounce his faith. And he said, ‘I will die a thousand deaths before I renounce my faith.’”

Kaya nabuo niya ang musical play na Lorenzo, na mahigit three years na raw in the making.

Malawak ang plano ni Christopher para sa play na ito dahil bukod sa pag-ikot nito sa iba’t ibang paaralan sa buong Pilipinas, gusto niya ring maipalabas ito sa Cultural Center of the Philippines sa susunod na taon kung saan mga kilalang artista at singers kasama siya ang magiging cast nito.

Plano rin daw niya itong dalhin abroad at gawan ng TV special. Magkakaroon ng maiden run ang Lorenzo sa SDA Theater sa De La Salle-College of Saint Benilde sa Setyembre 5, 6, 7, 12, 13 at 14.

WILL NOT LEAVE ACTING. Hindi naman daw ito ang unang sabak ni Christopher sa pagpu-prodyus dahil nakapag-prodyus na siya ng ilang pelikula at shows noon.

Sabi pa niya, hindi naman daw komo’t aktibo na ulit siya sa pagpu-prodyus ay iiwanan na niya ang pag-aartista. Hindi raw puwedeng hindi siya umarte dahil ito na ang buhay niya lalo na’t siya ang kinikilalang Drama King ng bansa.

So, tatanggap pa rin siya ng mga teleserye kahit on going ang play hanggang sa susunod na taon?

“Of course, pwede naman. After Misibay Bay [sa TV5], I’m ready to go back to work na, sa taping. Yun nga, I’ll be doing a teleserye sa ABS-CBN with Angel, Jericho and Maja.”

Kahit nga raw sa Lorenzo ay gusto niya talagang makasama sa cast. Pero baka sa susunod na taon na raw niya ito magawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mahirap lang maging parte ng produksyon ngayon kasi mahirap ding i-produce, mahirap ding i-mount yung buong show. So, it’s very hard for me to be part muna ng cast.

“So, hinayaan ko muna yung iba to do it and then eventually, God-willing, after this run [Saint Benilde] and then St. Paul’s Quezon City, next year let’s see. And then magkakaroon na tayo ng well-known actors.”

Sa ngayon gumaganap bilang Lorenzo Ruiz si Lorenz Martinez, na anak ng beteranong artista na si Leo Martinez. Kung makakasama raw sa cast si Christopher, malamang isa siya sa mga gaganap na pari.

Dahil may pagka-rock ang musical play, ilan sa mga pangalang lumulutang para gumanap ng San Lorenzo Ruiz sa mas malaking produksyon sa susunod na taon ay sina Bamboo, Rico Blanco, at Marc Abaya.

Pero sigurado raw madadagdagan pa ang listahan ng mga puwede nilang ikunsidera sa role.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN