Eugene Domingo cooks up new title; calls herself “Shooting Star”

Eugene on her new "title" and her being a prolific actress: “Ah, siguro, dahil gustung-gusto ko ngang mag-shooting, ah, shooting star! Okay na ba yun? I wanted to take the opportunities to grab all the opportunity given to me. Different directors, different stories, very interesting lahat, tapos, iba-ibang genre. Kasi, I still believe, kapag namatay na tayong lahat, nandiyan ang pelikula na papanoorin at papanoorin ng lahat ng henerasyon. So, nag-iipon talaga ko ng


Para sa Hollywood actor na si Yuki Matsuzaki, si Eugene Domingo ay maihahalintulad daw sa batikang Hollywood actress at komedyanang si Tina Fey.

Si Yuki ang leading man ni Eugene sa pelikulang Instant Mommy na ipapalabas na sa mga sinehan sa August 28.

Ang Instant Mommy ay unang ipinalabas sa Cinemalaya Film Festival noong July.

Nakausap nang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Uge sa press conference ng pelikula kahapon, August 22, sa Cocoon Hotel, Quezon City.

Kumusta naman at sa Hollywood actress na si Tina Fey siya ikinumpara ni Yuki?

“Grabe ’no? Parang wala naman siyang maisip,” natatawang sabi naman ni Uge pero halatang masaya sa sinabi ng leading man niya.

Dugtong pa niya, “Kasi, sa totoo lang, yung generation ko, I remember always watching Bette Midler, yung mga ganoon... Barbara Streisand...

“Si Tina Fey is also one of my favorites kasi, napaka-natural at saka, sanay sa live audience. At saka, isa sa mga sinusundan kong comedy series, until today, ang 30 Rock.”

NO HOLLYWOOD DREAMS. Tuloy, naitanong kay Uge kung isa rin ba sa mga plano niya pagdating sa kanyang career ang ma-penetrate rin ang Hollywood.

Sabi naman niya, “Hindi, hindi, never... hindi ko alam. Para sa akin, alam mo, bago pa ang Hollywood, Asia [dapat].

“That’s why, yung happiness ko, for twice in a row already na, nananalo ang Filipino sa Asian Film Awards. Hindi ko yun ipagpapalit sa kahit anong Hollywood dreams—to be able to give honor to Asian actors, Filipino actors in an Asian Film Awards.

“Like yung sa Hongkong, si Miss Nora Aunor, si Eddie Garcia... Oh my god!”

Nanalo na rin si Eugene sa Asian Film Awards ng Favorite Actress Award para sa pelikula niyang Ang Babae sa Septic Tank.

Sabi nga niya, “One of the most special, unforgettable. Not just for me, but, sa lahat ng artistang Filipino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lalo na, alam mo ba na mas masaya pa ’ko noong manalo si Nora Aunor at Eddie Garcia? Nandoon ako to see it, to witness it. Grabe, grabe silang nirespeto ng mga beteranong artista ng Asia.”

Natawa naman si Uge nang tanungin na base sa sinabi niya tungkol sa Hollywood na kung sakali daw bang may offer sa kanya ay ire-reject niya ito.

“Hindi siguro. Hindi naman ako magmamaganda. As in, ganito, as in, tinext ha, ’Uge, pang-Hollywood daw ’to,’ na, hmmm... no, thank you.

“Hindi naman,” natatawa niyang sabi.

“Aba, karapat-dapat din naman, for experience. Pero, yung iiwan ko ang trabaho rito at susubukan ko talaga ang aking karera doon, at saka, may edad na ako, parang huli na.

“’Ika nga ni Yuki, he’s just being honest. Mata-typecast ka at saka, grabe ang competition.

“Bakit ko pa pahihirapan ang sarili ko? E, pinaghirapan ko na rin itong narating ko, tapos, paghihirapan na naman? Ano ’to?” natatawa pa rin niyang sabi.

Kung paghihirap—parang puro pelikula ang pinaghirapan niyang gawin ngayon. Sunud-sunod ang mga ginawa niya na pelikula.

Ayon kay Uge, “I wanted to take the opportunities to grab all the opportunity given to me. Different directors, different stories, very interesting lahat, tapos, iba-ibang genre.

“Kasi, I still believe, kapag namatay na tayong lahat, nandiyan ang pelikula na papanoorin at papanoorin ng lahat ng henerasyon.

“So, nag-iipon talaga ko ng maraming-maraming pelikula hangga’t nabibigyan ako ng maraming pagkakataon.

“Yung TV show naman, hindi naman mawawala and I’m very thankful, Season 4 na kami. Akalain niyo naman, Season 4 na.

“Sobrang saya, natutuwa ako na naa-appreciate ng mga tao at ng mga kapwa ko artista.”

Ang tinutukoy ni Uge na TV show niya ay ang Celebrity Bluff ng GMA-7.

SHOOTING STAR.” Tawanan naman kay Uge nang tanungin ito kung sakali at siya nga ang bibigyan na ng titulo ngayon bilang ang dami na rin naman niyang nagawang pelikula at napapatunayan sa ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Humirit ito nang, “Ah, siguro, dahil gustung-gusto ko ngang mag-shooting... ah, Shooting Star! Okay na ba yun?

“Okay na ’no? Pang-Ryzza Mae [Dizon] lang ang peg,” natatawang sabi niya.

“Pero, gusto ko yun, Ryzza Mae, sabay kayong mag-e-age non, ang tagal ng market mo, mula kay Ryzza Mae.”

Sa isang banda, sa regular theaters na nga ipapalabas ang Instant Mommy at makakasabay pa nito ang pelikula nina Piolo Pascual at Gerald Anderson na OTJ sa August 28.

Sa pangyayaring ito, ano ang expectation niya sa Instant Mommy?

“Hindi, natutuwa naman ako na may ganyan tayo ngayon. My god, ang daming Tagalog na showing. Natutuwa ako at saka, natutuwa rin ako na hindi sila comedy.”

May kaba pa ba siya?

“Alam niyo, ang kaba, kinalimutan ko na. Kabahan ka man, ano pa ang mangyayari? Hindi mo naman mapi-predict. Minsan, sure na sure kang okay ’to, hindi naman pala.

“Minsan, wala kang ine-expect, okay naman pala. Kaya ako, ipinagdarasal ko na lang at saka, naniniwala na lang ako sa project.

“This is very delightful and blessed to have a Japanese actor na napaka-delightful. So, I guess, yun ang mapapanood nila sa sine.

“Talagang napaka... it’s such a delight.”

PIOLO PASCUAL. Siyempre, wala naman daw kinalaman ang pag-atras ni Piolo sa ikatlong instalment ng KimmyDora bilang leading man niya sana sa tapatan nila ngayon sa kani-kanilang pelikula.

Sabi nga ni Uge, “Wala! Wala siyang time, nakakaloka. Hingi siya ng hingi ng pasensiya. Kasi, nagkatabi kami sa Ekstra.

“Sabi ko, ikaw, ikaw... sabi kong ganun. Sabi niya, huwag ka nang ganun. Actually, parang siya nga ang nanghinayang. Parang gusto niyang mag-comedy naman.”

May love scene sana sila. At tinanong si Piolo kung hindi ba siya nanghinayang na maka-love scene siya, pero pabiro itong sumagot ng, “Puwede naman naming gawin off-cam.”

Natatawang pagsegunda naman ni Uge, “Puwede naman talaga. Oo! Puwede naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, sabi ko, kailan ba? Wala namang okasyon. Pagtatrabahuhan ko na naman. Baka sa Pasko,” natatawa pa rin niyang sabi.

Kung sakali at may gugustuhin siyang maging ama ng anak niya, puwede kayang si Piolo yun?

“Bakit hindi, ’no? ‘Di ba?” nakangiti niyang sabi.

Pag-amin ni Uge, may pagkakataon daw na napag-usapan na rin nila ni Piolo yun.

Aniya, “Minsan, napag-usapan na namin yun. Pero, sobrang biruan lang. Alam niyo naman si Papa P, sobrang biruan lang, sanay na sanay makipagbiruan ’yan sa ganyan.”

RIPE FOR MOTHERHOOD? Hindi pa ba niya naiisip na maging mommy nga?

“Alam niyo, dumarating naman yun sa edad ng babae, lalo na kapag maiisip mong, may katotohanan na tic-tac-tic-tac [growing old], pero, iniisip mo, baka naman gusto mo lang mag-alaga.

“Subukan mo munang mag-alaga ng aso. Alam niyo kasi, hindi birong maging ina. Napakadaling gumawa ng bata. Mahirap kapag ikaw ay isa nang ina. So, hindi ko masasabi ‘yan.”

Kapag naiisip niya, bigla rin ba siyang mapapaisip na hindi muna?

“Ang sa akin kasi, hindi ‘yan ibibigay ng Diyos nang hindi tama sa oras, yung parang ganoon. Kaya nga yung iba, kahit yung mga bading, instant mommy rin ’yan.

“Kahit naman talaga hindi babae, kung—nandiyan, e.”

Pero, kung titingnan siya, parang ngayon niya lang din talaga nae-enjoy ang career niya.

“Oo,” saad naman niya.

“Totoo ka, halata ’no? Yung nag-e-enjoy ka na lang. Ine-enjoy mo ang mga tao. Ine-enjoy mo ang mga challenges. Parang naa-appreciate ko yun.

“Sa dinami-rami ng mga artista, maraming salamat, binibigyan niyo ko ng pelikula. Ang sarap ng maraming pelikula, e.

“At saka, ang sarap magkaroon ng kalayaan to choose and be able to jump from another network to another.”

NO INHIBITIONS. Sa Instant Mommy pa rin, nagpakita ng boobs si Eugene dito.

Hindi ba siya nagdalawang-isip na gawin ang eksenang yun?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi, hindi... mas nagdalawang-isip pa nga akong magpa-interview!” patawang hirit pa niya.

Sabi niya rin, “Kasi, hindi naman naging mahirap sa aking magpa-interview dahil iniintindi mo naman ang istorya, di ba?

“At saka, sadyang karapat-dapat naman na ipakita ang bahaging yun ng isang magiging ina sa kanyang minamahal.

“Kasi, meron siyang nakakatuwang obserbasyon na nangyayari sa kanyang pagkababae, bakit naman hindi?

“At saka, naku—mga bading na ang nagsabi nito ha, okay naman na makita. Hindi naman sila naduwal.”

Nakita rin ni Yuki?

“Oo—hindi naman siya bulag, nakita naman niya,” pabiro niyang banggit.

Ano ang naging reaksiyon ni Yuki?

“Professional naman kaming lahat. Natawa siya. Kasi, yung dialougue ko pa, yung Japanese dialogue ko, sabay ganun.

“Actually, mas namumroblema pa ’ko sa Japanese dialogue ko. Kasi, ang dali, di ba? E, yung Japanese—“

Hindi naman daw ibig sabihin na dahil pumayag si Uge na magpakita ng dibdib niya sa Instant Mommy, gagawin na niya yun sa lahat ng magiging pelikula niya.

Sabi nga niya, “Depende naman yan. Depende sa material. Kasi, we came from theater. Ang unang tinatanggal sa amin, inhibition. Yung wala kang inhibition.

“Your body is your instrument and if you can’t use it rightfully to express, why not?”

HONORED TO HAVE WORKED WITH YUKI. Malaki naman ang pasasalamat ni Uge sa kanyang leading man na tinanggap nga raw nito ang proyekto.

Ayon kay Uge, “We’re very, very blessed and we’re very, very thankful na you know, tinanggap niya ang proyekto.

“God has given us the right actor, Japanese actor na very generous of his time, of his talent and he loves us. He loves the Philippines.

“Pati yung ating set-up ng shooting. Medyo limited ang ating funds at lahat ng klaseng sacrifice na pinagdaanan namin, dinaanan din niya.

“And, he’s very, very good. Natutuwa ako na kahit papaano, kahit hindi ako kasama sa Hollywood, dahil sa training niya, sa kanyang experience, nakakalawak ng experience to act with another actor na iba rin ang pinanggalingan, an Asian actor who made it to Hollywood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“For me, napakalaking honor no’n and it was an honor and a pleasure working with a Japanese actor like Yuki Matsuzaki,” pagmamalaki niyang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN