Will Thea Tolentino hurdle her "baptism of fire" in Pyra: Ang Babaeng Apoy?

Pyra: Ang Babaeng Apoy?" data-url="https://www.pep.ph/news/40075/will-thea-tolentino-hurdle-her-baptism-of-fire-in-pyra-ang-babaeng-apoy" data-desc="Thea Tolentino celebrated her 17th birthday last August 13" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/ce7fa7d6a.jpg"> Pyra: Ang Babaeng Apoy?" data-url="https://www.pep.ph/news/40075/will-thea-tolentino-hurdle-her-baptism-of-fire-in-pyra-ang-babaeng-apoy" data-desc="Thea Tolentino celebrated her 17th birthday last August 13" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/ce7fa7d6a.jpg"> Pyra: Ang Babaeng Apoy?" data-url="https://www.pep.ph/news/40075/will-thea-tolentino-hurdle-her-baptism-of-fire-in-pyra-ang-babaeng-apoy" data-desc="Thea Tolentino celebrated her 17th birthday last August 13" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/ce7fa7d6a.jpg">

Pyra: Ang Babaeng Apoy?" data-url="https://www.pep.ph/news/40075/will-thea-tolentino-hurdle-her-baptism-of-fire-in-pyra-ang-babaeng-apoy" data-desc="Thea Tolentino celebrated her 17th birthday last August 13" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/ce7fa7d6a.jpg"> Pyra: Ang Babaeng Apoy?" data-url="https://www.pep.ph/news/40075/will-thea-tolentino-hurdle-her-baptism-of-fire-in-pyra-ang-babaeng-apoy" data-desc="Thea Tolentino celebrated her 17th birthday last August 13" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/ce7fa7d6a.jpg"> Pyra: Ang Babaeng Apoy?" data-url="https://www.pep.ph/news/40075/will-thea-tolentino-hurdle-her-baptism-of-fire-in-pyra-ang-babaeng-apoy" data-desc="Thea Tolentino celebrated her 17th birthday last August 13" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/ce7fa7d6a.jpg"> Pyra: Ang Babaeng Apoy?" data-url="https://www.pep.ph/news/40075/will-thea-tolentino-hurdle-her-baptism-of-fire-in-pyra-ang-babaeng-apoy" data-desc="Thea Tolentino celebrated her 17th birthday last August 13" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/ce7fa7d6a.jpg">

Thea Tolentino talks about her fear of fire: “Sa ngayon po, wala pa naman po akong nalalaman din. Pero siguro po, merong ganung eksena na hahawak ako ng apoy. Kasi, yung apoy rito, parang kakambal ko. Pinanganak ako, may ganun na. Sa totoong buhay, takot ako sa apoy. Hindi nga po ako marunong sumindi ng posporo. Pero, masaya naman kung dito, mao-overcome ko ang fear ko.”


Binigyan na ng launching project ng GMA-7 ang female winner ng Protege na si Thea Tolentino.

Parang launching na rin ito ng loveteam nila ni Jeric Gonzalez na siyang male counterpart winner naman niya dahil sila pa rin ang patuloy na ipinapareha ng GMA-7 sa bagong afternoon soap opera na Pyra: Ang Babaeng Apoy.

Ayon nga kay Thea nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng Pyra noong Huwebes ng gabi, August 22, sa 17th Floor ng GMA Building, “Excited po at saka, gagalingan ko po para mas mapansin pa nila.

“At saka, dito po nila mate-test kung meron pa ba akong susunod or kailangan pa talaga ng mahaba-habang workshop.”

Nakapag-workshop din daw siya para sa kanyang karakter sa Pyra kunsaan, nakakapaglabas siya ng apoy.

Kinakabahan ba siya para sa launching niyang Pyra?

“Talagang kinakabahan po,” pag-amin niya.

“Kasi, ito ang first lead role ko at sa akin lang nakatutok mag-isa. So, mas maraming scene na makikita ako. Kaya kailangan kong galingan lalo na sa rating.”

SCARED OF FIRE. Ironically, sa totoong buhay, takot daw sa apoy si Thea.

Sa ngayon, wala pa raw siyang taping na humawak nga siya ng apoy.

Kuwento niya, “Sa ngayon po, wala pa naman po akong nalalaman din. Pero siguro po, merong ganung eksena na hahawak ako ng apoy.

“Kasi, yung apoy rito, parang kakambal ko. Pinanganak ako, may ganun na.”

At sabi nga niya ng natatawa, “Sa totoong buhay, takot ako sa apoy. Hindi nga po ako marunong sumindi ng posporo.

“Pero, masaya naman kung dito, mao-overcome ko ang fear ko.”

Kaka-17th birthday lang ni Thea noong August 13.

SURPRISE BIRTHDAY BASH. Sinorpresa raw siya ng pamilya niya at co-Protege niya.

Ayon kay Thea, “Kasi, may photo shoot kami noon. 10:30 natapos. Plano ko, mag-dinner sa labas. Kasama sina Jeric, yung mga co-proteges ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos, papunta na kaming The Fort, ang sabi, uy, lampas na tayong The Fort, tapos, umikot. E, ako naman, wala naman kasi akong alam na lugar sa kalsada man lang ng Manila.

“Okay, bahala sila, sila naman ang nagda-drive. Tapos, nakarating na sa Alabang. Sabi ko, bakit Alabang na? Sabi nila, doon tayo iikot.

“Sabi ko, ang layo naman. Tapos ako, dedma na lang ako. Kuwento-kuwentuhan na lang kila Sandra [Summer], hanggang sa nakarating na sa pakanan na, sa Calamba.

“Okay, inuwi niyo ’ko sa Calamba. So, okay, sa bahay tayo magdi-dinner. Tapos, nakapasok na ’ko sa bahay namin, nakita ko, papasok sina Jeric, Juancho Trivino.

“Nagkaroon din naman po na birthday ng Nanay ko the next day, August 14. Nakarating kami ro’n, 11:30, birthday ko pa. Tapos, salubong na rin po sa Nanay ko.”

Neck pillow at cake raw ang surpresang regalo sa kanya ni Jeric.

Natatawang sabi pa nito, “Bilang alam niya na palagi akong tulog sa biyahe.”

LUCKY AUGUST. Hindi daw naniniwala si Thea sa kasabihang “ghost month” ang buwan ng Agosto.

Sa kanya raw kasi, maganda ang pasok ng August.

“Sobrang ganda po ng pasok ng August sa akin. To think, 13 pa po ang birthday ko, minsan, natatapat pa sa Friday the 13th.”

Ngayong nabibigyan na siya ng break, wala naman siyang nararamdaman na naiinggit na sa kanya?

“Wala naman po,” nakangiti niyang sagot.

“At saka, yung iba, bumabati sa akin, masaya sila para sa akin at saka, sinasabi nila na galingan ko, kasi, hindi naman lahat nabibigyan agad ng ganoong opportunity, kaya sulitin ko.”

Kung tatanungin siya, ano sa palagay niya ang meron sa loveteam nila ni Jeric para ilaban sa ibang loveteam na namamayagpag din ngayon?

“Sa tingin ko po, yung closeness namin. Nakikita mo sa magka-loveteam yung closeness namin,” saad niya.

DIREK GINA. Ang aktres/director na si Gina Alajar ang naging mentor ni Thea sa Protege.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayong binigyan na siya ng launching, nagkausap na ba sila?

“Opo, kasi sa Anna KareNina, siya po ang director namin. Sobrang proud niya po, kasi, yun nga, yung sobrang pagka-mahiyain ko, e, napalabas niya ko sa shell ko.”

Hindi na ba siya mahiyain ngayon?

“Meron pa rin,” natawang sabi niya.

“Siyempre, may konting hiya pa rin. Kasi, kapag nawalan ka na ng hiya, parang walanghiya ka naman na.”

EFFECTIVE KONTRABIDA. Sa Anna KareNina raw napansin si Thea pagdating sa pag-arte kaya napunta nga sa kanya ang teleserye na Pyra.

Pero sa Anna KareNina, siya ang gumanap na Angel na kontrabida. At marami ang nakapansin na bagay raw pala niya ang kontrabida.

Paano naman kaya niya maipapakita na puwede rin siyang mahalin at magustuhan bilang mabait sa Pyra?

“Kung nakita nila ko na effective na kontrabida, na-enjoy ko naman. Yun nga, sabi nga ni ate Gladys [Reyes] kanina, free kasi ang kontrabida.

“Masaya ako na nakuha ko yung role na yun. Dahil doon sa role na yun, nagpapasalamat ako dahil doon ako napansin.

“Kasi, yung galit, kailangan sa Pyra.” pagtatapos niyang saad.

Pyra: Ang Babaeng Apoy?" data-url="https://www.pep.ph/news/40075/will-thea-tolentino-hurdle-her-baptism-of-fire-in-pyra-ang-babaeng-apoy" data-desc="Thea Tolentino celebrated her 17th birthday last August 13" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/ce7fa7d6a.jpg"> Pyra: Ang Babaeng Apoy?" data-url="https://www.pep.ph/news/40075/will-thea-tolentino-hurdle-her-baptism-of-fire-in-pyra-ang-babaeng-apoy" data-desc="Thea Tolentino celebrated her 17th birthday last August 13" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/ce7fa7d6a.jpg"> Pyra: Ang Babaeng Apoy?" data-url="https://www.pep.ph/news/40075/will-thea-tolentino-hurdle-her-baptism-of-fire-in-pyra-ang-babaeng-apoy" data-desc="Thea Tolentino celebrated her 17th birthday last August 13" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/ce7fa7d6a.jpg">


Pyra: Ang Babaeng Apoy?" data-url="https://www.pep.ph/news/40075/will-thea-tolentino-hurdle-her-baptism-of-fire-in-pyra-ang-babaeng-apoy" data-desc="Thea Tolentino celebrated her 17th birthday last August 13" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/ce7fa7d6a.jpg"> Pyra: Ang Babaeng Apoy?" data-url="https://www.pep.ph/news/40075/will-thea-tolentino-hurdle-her-baptism-of-fire-in-pyra-ang-babaeng-apoy" data-desc="Thea Tolentino celebrated her 17th birthday last August 13" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/ce7fa7d6a.jpg"> Pyra: Ang Babaeng Apoy?" data-url="https://www.pep.ph/news/40075/will-thea-tolentino-hurdle-her-baptism-of-fire-in-pyra-ang-babaeng-apoy" data-desc="Thea Tolentino celebrated her 17th birthday last August 13" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/ce7fa7d6a.jpg"> Pyra: Ang Babaeng Apoy?" data-url="https://www.pep.ph/news/40075/will-thea-tolentino-hurdle-her-baptism-of-fire-in-pyra-ang-babaeng-apoy" data-desc="Thea Tolentino celebrated her 17th birthday last August 13" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/ce7fa7d6a.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN