Frencheska Farr happily in love with non-showbiz boyfriend; remains optimistic about Ms. Saigon audition results

Frencheska Farr on why she prefers non-showbiz guys: “Sa akin lang ’to, ha? Opinion ko lang ’to, ha? I’m not saying na everybody is like this. Kasi, di ba, karamihan sa showbiz couples today parang ang bilis ma-heartbroken. Meron din nagtatagal pero parang after few months, wala na. Kasi, ibang klase kasi kapag public figure din ang lagi mong kasama, di ba? Kasi, parang hindi kayo makalabas... hindi mo magawa ang gusto mo. May mga restrictions... may ga


Blooming ang lovelife ng singer na si Frencheska Farr.

Bagamat inamin niyang masaya siya sa relasyon nila ng kanyang non-showbiz boyfriend, ayaw naman niyang sabihin ang pangalan ng naturang nobyo kahit ano pang pilit ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya.

Ayaw din daw kasi ng boyfriend niya na masali sa anumang usapan na pang-showbiz.

“Happy ako sa lovelife ko, pero non-showbiz nga siya,” nangingiting sabi niya nang makausap namin siya sa set ng Sunday All Stars sa GMA-7 kamakailan.

“Ayaw niyang ipasabi yung name niya kasi parang naiilang siya. Kasi, very private person talaga siya. E, ako naman, nirerespeto ko yun.

“For me, tama lang yun kasi ayaw ko namang maging showbiz din ang dating niya. Baka dahil dito, mag-break kami,” na sinabayan niya ng malakas na tawa.

Maging siya rin daw ay mas gusto niyang hindi taga-showbiz ang kanyang maging partner.

Saad niya, “Sa akin lang ’to, ha? Opinion ko lang ’to, ha? I’m not saying na everybody is like this.

“Kasi, di ba, karamihan sa showbiz couples today parang ang bilis ma-heartbroken. Meron din nagtatagal pero parang, after a few months, wala na.

“Kasi, ibang klase kasi kapag public figure din ang lagi mong kasama, di ba? Kasi, parang hindi kayo makalabas... hindi mo magawa ang gusto mo.

“May mga restrictions... may gano’n.

“Ayaw kong nama-Mark Herras ako,” sabi niya, sabay tawa nang malakas.

“Hoy, joke lang! Baka magalit sa akin si Mark. Joke lang po. Sorry, Mark, ha?”

Halatang kampante na siya sa kanyang current boyfriend.

Matagal na ba sila nito? Paano ba sila nagkakilala?

“More than a year,” pagmamalaki niya.

“Nagkakilala kami through our common friends sa labas ng showbiz.

“Hayun, normal lang din. Ipinakilala. Ganoon din lang.

“Pero siyang business, family company nila. Kaya nga raw ayaw niyang ma-showbiz din siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Right now, comfortable kami sa isa’t isa. Ini-enjoy namin ang isat isa lalo na kapag wala akong commitments.

“Kapag may show ako outside GMA, like yung sa stage play namin, he was supportive naman. Pag may time siya, he makes sure na napapanood niya ako.”

Matangkad, maganda at smart naman si Frencheska .

NO PLANS TO JOIN BEAUTY PAGEANTS. In the past, may ilang celebrities na rin na sumali sa mga beauty contest at tuluyang nagwagi, kasama na rito sina Ruffa Gutierrez at, kamakailan lang, si Megan Young.

Wala ba siyang planong sumali sa mga beauty pageants tulad ni Megan Young na nanalong Miss World Philippines 2013 noong nakaraang Linggo?

“Natutuwa nga ako na sumali si Megan,” pagmamalaki ng Are You The Next Big Star? Grand Champion.

“Wow, napaka-overwhelming noon.”

“Tinanong nga ako nila parati, ’Bakit di ka sumali? Ba’t di mo subukan?’

“Ayaw ko, e. Kasi, kumbaga, hindi ko siya passion.

“Ang passion ko talaga is singing and performing.

“Kumbaga, kung may gusto man akong tahakin na landas ay yung konektado pa rin sa singing or acting or yung performing sa stage.

“Pero, never talagang naisip ko na makita ang sarili ko na nasa stage tapos naka-bikini... parang hiyang-hiya ako sa tao.

“Noon parang gusto ko siyang i-try pero hindi talaga ako para roon.

“Hindi ako mag-e-excel, hindi ako magaling sa part na ’yan at hindi siya para sa akin.”

Nagbago na raw ngayon ang trend sa beauty contestants.

Dati ay beauty queen muna bago maging artista. Pero ngayon, mag-artista ka muna bago sumali sa mga kumpetisyon ng kagandahan.

Sang-ayon ng 20-year-old singer, “Oo nga ano? Parang baliktad na.

“Pero para sa akin, okay din lang naman.

“Like si Megan, nakita ko siya sa Instagram posts niya, actually, parang mas proud ka. Parang, wow, ang laki ng sinalihan niya at ang dami niyang ka-compete.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang laking pressure. Ako, hindi ko kaya yun.

“So, wow, nakaka-proud lang talaga at ang laking step for her to do that.

“Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip niya at ang lakas ng loob niya. Grabe, nakita ko, ang ganda niya talaga.

“Sobra. Siyempre, dati naman siyang nasa GMA kaya kami very proud talaga kami, We are all cheering for her,” dagdag pa niya.

MS. SAIGON AUDITION RESULTS. Kinumusta din namin kay Frencheska ang resulta ng audition niya sa Ms. Saigon.

Matatandaang noong November 2012 ay nagkaroon ng auditions dito sa Pilipinas ang Ms. Saigon team at isa si Frencheska sa mga pumila at nag-audition, hindi bilang si Kim kundi para sa papel ni Gigi Van Tranh.

“Actually, wala pa talaga,” sabi niya tungkol sa resulta. “Ang sabi kasi nila sa amin, next year [2014] pa mag-a-announce.

“Hindi naman talaga ako umaasa kasi ang dami talaga. At saka, hindi lang sila sa Manila nagpa-audition. Meron sa London, sa New York at ibang parts sa Asia.

“Hindi rin talaga ako umaasa. Kung ma-call back o matawag, sayang-saya na ako—kahit anumang part.”

Sabi pa niya, “Hindi talaga ako nag-audition for Kim and sinabi ko na ’yan sa interviews sa akin kasi ang mga tao ay nag-e-expect for me na parang sinasabi nila na for Kim ba talaga ako?

“No, candidate ako for Gigi. Yun talaga ang sinabi nila sa akin.

“Very challenging sa akin yung character ni Gigi kasi, di ba, hindi naman siya good girl dito.

“And ako, kahit anong role, basta makaakyat lang ako sa Broadway, haping-happy na ako. At saka, sinabi naman nila na kung sakaling hindi kami makuha sa Ms. Saigon, marami pang opportunities.”

BIRTHDAY WISH. Magti-twenty-one-years old na si Frencheska come September 9. Ano ang birthday wish niya?

“More work,” natatawang banggit niya. “No, siyempre, first of all, yung sana laging okay ang health ko at ng family ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lalo na ako na laging puyat at pagod. Yun naman talaga ang ultimate wish natin, di ba, to always have good health.

“Ano pa ba? Siyempre, yung career ko. Sana, always stable kasi yun naman ang reason kung ba’t lahat kami workaholics, di ba? Para ma-maintain ang career.

“Basta may work, happy na ako and yeah, sana stability din ng lovelife ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN