Meg Imperial adds sizzle to brewing love triangle in ABS-CBN fantaserye, Galema

Meg Imperial on her faith and trust in ABS-CBN: “Uhm, actually po madami pong competition kung tutuusin, pero alam ko naman po na alam nila kung ano ang maganda para sa akin. Ang gusto ko po sa ABS, nandoon po kasi yung quality of shows nila na nagustuhan ko po talaga, especially po sa drama. Kasi po, ang forte ko is drama, so doon ko po gusto ma-build-up. To think na lahat naman po ng artista na hinahawakan nila is nagiging maganda, kung ibi-build-up nila, talagang pinaghahan


Aminado si Meg Imperial na matindi ang kumpetisyon sa ABS-CBN lalo na’t marami ritong established female stars na ka-edad niya. Gayunman, naniniwala pa rin siyang tama ang kanyang desisyon na magbalik sa Kapamilya Network.

Originally ay galing si Meg sa Dos, subalit nabigyan siya ng magandang projects sa TV5, kaya doon muna siya namalagi. Kabilang sa naging shows niya roon ay Midnight DJ, PO5, My Driver Sweet Lover, Glamorosa at Enchanted Garden.

Isa siyang Viva artist ngunit muling pumirma ng exclusive contract sa ABS-CBN noong late February this year at kasalukuyan niyang ginagawa ang TV series na Galema na pagbibidahan ni Andi Eigenmann.

“I’m part of Galema po with Andi [Eigenmann] and Matteo [Guidicelli]. Bale kapatid po ako dito ni Andi, so may twist pong magaganap…

“I don’t know if puwede na pong sabihin pero yun po ang project ko sa ngayon,” panimulang saad ni Meg nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan sa isang restobar sa Timog Avenue, Quezon City.

“For now po, pagkalipat ko po sa ABS, ’eto po yung unang-unang serye na ibinigay po nila sa akin na malaki yung role na ginagampanan ko and very challenging po.

“So, eto pa lang po so far aside from MMK episodes ko po,” pahabol pa niya.

Ang Galema ay bahagi ng sikat na komiks serial na Zuma na sumikat nang husto noong dekada 70s.

Bilang ama ni Galema, lalabas din ba rito si Zuma?

“Mayrooon pong gaganap na Zuma rin dito, may back story pa rin po siya,” sabi ni Meg.

Sinong lalabas na Zuma sa serye ninyo?

“Si Derick Hubalde po, baguhan pa lang po, modelo po at malaking tao po siya,” sagot niya.

NOT AFRAID OF SNAKES. Maraming ahas sa taping nila ng Galema, pero imbes na matakot si Meg, sinabi niyang nae-excite raw siya sa mga ahas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yes po, madami pong ahas, lahat naman po kami may makakasama po kaming ahas dito, e.”

Pero ikaw, di ka ba matatakutin sa ahas?

“Hindi naman po. Actually, nae-excite po ako noong nalaman kong may ahas kasi parang ano po yun e, hindi naman po nakakatakot yung ahas as long as alam mo kung paano sila iha-handle.

“Na-orient na naman po kami e, nabigyan po kami ng lesson kung paano yung safety ng snakes… kung paano pakisamahan yung snakes,” banggit ni Meg.

Mayroon ka bang partner dito sa Galema?

“Wala akong partner, pero may triangle,” matipid niyang sagot.

“Bale sina Andi and Matteo, heto po yung ni-reunite sila after ng Agua [Bendita],” dagdag pa ng 20-year-old na aktres.

TIGHTER COMPETITION IN ABS-CBN? Sa tingin mo ba ay mas matindi yung competition sa mga artistang babae sa Channel 2, kumpara sa TV5?

“Opo, sobra!” nakatawang tugon niya. “Sa Channel 2 po kasi, halos nandoon po yung mga magagaling na artista at sobrang gaganda po nila. Kaya paglipat ko, nag-decide po ako na maging fit talaga.

“Sa palagay ko ay kailangan po, iba na ako from TV5, mas motivated ako rito sa ABS, kasi hindi madali yung competition. Puwede kang matanggal agad nang hindi pa nagsisimula yung show.

“Kumbaga, kailangan consistent ka sa ginagawa mo. Kaya para sa akin, challenging talaga.”

So, nararamdaman mo na ganoon katindi yung competition sa mga actress ng ABS-CBN?

“Uhm, actually po madami pong competition kung tutuusin, pero alam ko naman po na alam nila kung ano ang maganda para sa akin.

“Ang gusto ko po sa ABS, nandoon po kasi yung quality of shows nila na nagustuhan ko po talaga, especially po sa drama. Kasi po, ang forte ko is drama, so doon ko po gusto ma-build-up.

“To think na lahat naman po ng artista na hinahawakan nila is nagiging maganda, kung ibi-build-up nila, talagang pinaghahandaan nila, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And maganda po, yung takbo ng career and mas mabilis yung ano, kasi may TFC sila and all. At saka maganda po yung pag-aalaga nila sa talents nila,” nakangiting saad niya.

REMAINS THANKFUL TO TV5. “Pero hindi ko naman po minamaliit yung TV5,” biglang bawi ng aktres.

Paliwanag pa ni Meg, “Sobrang malaki po yung naitulong ng Five sa akin. Diyan po kasi ako nakilala as Meg Imperial.

“Before, nasa ABS na po ako before e, but Mary Grace Imperial pa ang ginagamit ko noon, my real name. So noong ginamit ko yung Meg Imperial, nakilala po ako noon at sa TV5 na yun.”

IDEAL LEADING MEN. Kung bibigyan ka ng chance na may makaparehang actor sa Dos, sino ang gusto mo?

“Iyong ka-age ko po?” sagot-tanong niya habang nag-iisip.“Sina Enrique [Gil] po at Matteo,” saad ni Meg.

“Gusto ko rin pong makatrabaho sina Coco Martin, Jericho Rosales, at saka si Gerald Anderson po.”

May crush ka ba sa isa sa mga actor na nabanggit mo?

“Lahat po sila hinahangaan ko, kasi iba-iba po ‘yan. Like si Coco, dahil bilib po ako sa pag-arte niya and even Gerald. Iba kasi yung maturity po nila sa pag-atake ng mga role na natotoka sa kanila, e.

“Artista po ako e, so I’m attracted to guys na magaling po umarte talaga, sobrang heartthrob po sila, di ba po?

“Yun pong crush, bilang paghanga po. Pero di po physically e, yung sa galing po nila bilang actor,” paglilinaw pa ni Meg.

WILLING TO DO TOMBOY ROLE. Sinabi rin ni Meg na game siyang gumanap na tomboy kung may darating na offer sa kanya at maituturing niyang challenge sa kanya ito bilang artista.

Kung sakaling bibigyan ng role na tomboy, sinong aktres kaya ang gusto niyang maging girlfriend o karelasyon?

“Siguro ang pipiliin ko pong aktres ay kung sino yung iniidolo ko, isa na po roon si Angel Locsin. Si Angel po kasi, ever since na nagda-Darna pa po siya, sobrang iniidolo ko na po iyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, ngayon na magkasama na kami sa ABS, looking forward ako na makakatrabaho ko na rin siya,” nakangiting wika niya.

Kaya mo bang makipag-kissing scene kay Angel?

“A… sakali pong may offer, pag-uusapan po namin iyan ng mommy ko,” bantulot na sagot niya.

“Ngayon po kasi, I’m 20-years-old pa lang po at gusto ko po kapag gagawin ko ang isang project ay yung hindi ako magdadalawang-isip at kailangan ay buo iyong loob ko.

“Maybe in the future, although ayaw ko naman pong magsalita ng tapos, kasi that’s what happened sa Menor de Edad [launching movie ni Meg].

“Kasi sabi ko ay hindi ako magpapa-sexy, pero na-realize ko na hindi pala ganoon. So, ayaw ko naman pong magsalita nang tapos.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN