Former senator Francis “Kiko” Pangilinan treated to a surprise birthday party-cum-fund raiser by wife Sharon Cuneta and family

Hindi lang isang surprise birthday party para kay dating senador Francis “Kiko” Pangilinan ang inihandog nina Sharon Cuneta at kanyang mga kapatid at pamilya, kundi isa ring fund-raising event para sa mga nasalanta ng katatapos lang na mga pagbaha sa ilang parte ng bansa.


Binigyan ng isang surprise birthday party nina Sharon Cuneta at ng magkakapatid na Pangilinan ang dating senador na si Atty. Francis “Kiko” Pangilinan kagabi, Agosto 24, sa Blue Leaf Pavilion, McKinley Hills Village, Taguig City.

Bukod kay Sharon at mga kapatid ni Atty. Kiko na sina Celle Arenas, Angeli Valenciano, Joseph, Felichi Buizon, John-John, at Donna Simpao, naroon din ang iba pang mga mahal sa buhay ng dating Senate Majority Leader, tulad ng mga magulang na sina Emma at Donny Pangilinan; biyenan na si Elaine Cuneta, mga anak na sina KC Concepcion, Frankie, Miel, at Miguel; bayaw na si Gary Valenciano; at mga pamangkin.

Naroon din ang kanyang mga dating kaklase’t kabarkada at mga dating staff at security nung nasa Senado pa siya.

Kabilang din sa mga kilalang taong dumating sa kanyang surprise birthday party ay sina TV5 president and CEO Noel Lorenzana, Regal Films producer Mother Lily Monteverde, Director Joel Lamangan, Mae “Juana Change” Paner, dating Party List representative Risa Hontiveros-Baraquel, Senator Bam Aquino, Camarines Sur 3rd District Representative Leni Robredo, Quezon City Mayor Herbert Bautista, talent manager Girlie Rodis, Director Rowell at Randy Santiago, Martin Nievera, at comedian Bayani Agbayani.

Hindi naman nakarating ang mga kapatid ni Kiko na si Nenette Zipperich na nasa Germany at ang newscaster na si Anthony na nag-aaral ngayon sa France.

SONGS AND GREETINGS FOR “BABY BOY.” Hinandugan ng mga pagtatanghal si Kiko sa kanyang ika-50 kaarawan.

Kinantahan siya nina Frankie, Miel, KC, Gary at mga anak nitong si Keana at Paolo, Martin, Sharon at mga pamangkin.

Kumanta rin si Kiko kasama ng kanyang mga pamangkin at mga kapatid na sina Joseph at John-John, at naki-duet sa asawang si Sharon nung bandang huling bahagi ng party.

Siyempre pa’y nagbigay ng kani-kanilang birthday greetings at wishes ang mga mahal sa buhay ni Kiko. Pero hindi malimutan at bentang-benta sa lahat nung gabing iyon ang mensahe ng kanyang ina na si Emma.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa mahaba ang mensahe nito ay tinawag niya ang anak na, “Baby Boy. You will always be my Baby Boy.”

Pagkatapos noon ay naging biru-biruan nang tawagin si Kiko ng “Baby Boy” ng isa sa host ng party na si Randy Santiago at ng mga dating staff ni Kiko sa Senado.

A REALLY HAPPY BIRTHDAY. Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media kina Kiko at Sharon pagkatapos ng pagdiriwang, sinabi ng dating two-term senator na hindi siya mahilig sa malalaki at mararangyang party, pero lubos daw siyang nasiyahan sa inihanda nina Sharon at ng kanyang pamilya.

“Hindi ako mahilig… Pero siyempre, paminsan-minsan, fiftieth, so special occasion, kaya nakakataba ng puso.

“Kanina, maluha-luha dahil sa mga messages, sa mga suporta, at pagmamahal… I’m very happy. This is a happy birthday.

“Malimit man nating sinasabi, ‘Happy Birthday,’ pero ngayon alam ko, today, iba ibig sabihin nung ‘Happy Birthday.’ Masayang-masaya ako. Thank you to Sharon and the family,” patuloy pa ni Kiko sabay halik sa katabing si Sharon.

Kinuha naman ni Sharon ang pagkakataon na banggitin ang isa pang taong gusto sanang makarating sa party ngunit wala nga roon dahil mayroon itong nauna nang commitment.

“Another person I need to mention who really wanted to be here, who was supposed to be here, pero may kinailangan lang siyang asikasuhin, was Ogie Alcasid.

“Thank you, Ogie. I know gusto mo [makarating], kung kaya mo,” sabi pa ni Sharon.

“Pero we all had a great time. The point was to really make this his [Kiko] night. I’m just happy na lahat ng nagmamahal sa kanya, halos lahat nagpunta, nagbigay ng panahon, ng awit, ng interview at narito kayo,” banggit pa ng Megastar sabay pag-acknowledge sa mga miyembro ng media na kaharap nila ng asawa.

BIRTHDAY PARTY-CUM-FUND RAISER. Naikuwento rin ni Sharon na pinag-isipan din niya noon kung itutuloy pa ang pinaplano nila na party para kay Kiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Inisip ko kasi, ika-cancel ko ba yung party because of the [victims of] bagyo, di ba? Naisip ko, di ba kailangan meron ding sine-celebrate o pagpapasalamat sa Panginoon, because it’s a milestone?

“So, it’s his 50 years, so, kaming mga nagmamahal sa kanya, we wanted him to be really happy and celebrate it, and at the same time, we wanted to open the floor to donations in cash and in kind that we’re giving to Aboitiz Foundation because sila talaga yung nag-aayos ng hygiene kits dun sa mga flood at victims at yung iba pang hindi pa nakaka-recover apart from other things.

“So, at least it’s going to people we trust and to people who really will take care of it in a right way, like other foundations.”

Nung pag-ihip nga ni Kiko ng mga kandila sa cake na inihanda para sa kanya at sa pag-toast ng mga baso bilang pagbati sa kanya ng mga bisita, in-announce ni Sharon na bukod sa birthday party ang nagaganap nang gabing iyon ay isa rin itong fund-raising drive para sa mga biktima ng bahang dulot ng katatapos lang na habagat.

Inihayag pa ni Sharon na bilang kontribusyon ng kanilang pamilya, magbibigay sila ng P1 milyon sa Aboitiz Foundation na pupuntahan nga ng malilikom na mga donasyon, at siya ring mamamahagi ng mga hygiene kits at iba pang makokolektang tulong.

UNEXPLAINED POVERTY. Nung kasagsagan din ng party buong-pagmamalaking inihayag ni Sharon na sa loob ng matagal na panahon ng paglilingkod ni Kiko bilang senador ay naging tapat at malinis talaga ito.

Kaya tuloy nung interview na ay hindi maiwasang ikabit ang mga pahayag na ito ni Sharon sa kasalukuyang mainit na kontrobersiya tungkol sa pork barrel.

Pahayag naman ni Sharon, “Wala tayong gustong paringgan, wala. Ito lang yung fact, na one thing I’m very proud of, ang joke namin is, sa lahat ng mga bumaba na mga senador, pag nagkasilipan, ang kailangan niyang i-explain, hindi unexplained wealth, kundi unexplained poverty.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumpiyansa si Sharon na walang makikitang bahid ng anomalya sa record ng kanyang asawa.

“Kasi ako, I know. I’m just very proud of Kiko. Kahit one peso, as God as our witness talaga.

“Kasi nakakatakot na this day, baka mawala ang blessings sa pamilya namin. Kahit na kalabaw na lang ang priority niya,” biro pa ni Sharon sa asawa na nahihilig ngayon sa pagbubukid.

HAPPY WITH TIME OFF FROM POLITICS. Tinanong naman si Kiko kung ano nga ba ang balak niya sa usaping pulitika.

Panay kasi ang biro sa kanya ni Sharon nung party, na kung sa Palasyo—isa pang bansag sa Malacañang na official residence ng Pangulo ng Pilipinas—o kung saan man ito pumunta ay naroon ang suporta ng Megastar at mga kapatid ni KIko.

“Ako… farming muna. Malayo pa ang 2016, 2013 pa lang, e,” sagot ng dating senador na bumaba sa Senado nung June 30 ng taong ito, matapos ang dalawang termino na nagsimula nung 2001 hanggang 2007 at 2007 hanggang 2013.

Sabat naman ni Sharon, “Saka since he stepped down, we always talk about it, he always tells us, ‘Wherever God takes us, Sweetheart.’

“Kasi hindi ka makaplano, e. Minsan kasi magpaplano ka, against ang universe sa iyo.”

May isa pang ibinigay na paliwanag si Kiko tungkol sa pamamahinga niya mula sa pulitika.

“Kami kasi ni Sharon… Last June 30, twelve years ako [sa Senado] nung bumaba… after twelve years.

“Kung iisipin mo, si Sharon kasi, mula nung ipinanganak, hanggang June 30, kung hindi yung tatay niya, yung asawa niya nasa pulitika. So, hindi biro yun.”

Napa-“Oo nga,” naman si Sharon sa sinabing ito ng asawa.

Anak kasi si Sharon ng alkalde ng Pasay noon na si Mayor Pablo Cuneta, isa sa mga pulitikong namuno nang mahabang panahon sa larangan ng pulitika sa Pilipinas.

Patuloy ni Kiko, “So, ngayon, mula nung ipinanganak hanggang nung June 30, this is a chance na magpahinga, this is a chance na wala munang pulitika. So, I’m very happy. Na pareho kaming pahinga, pareho kaming may oras sa pamilya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya nga there’s a right time for everything, when you’re together,” sabi naman ni Sharon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN