Jonalyn Viray admits My Husband’s Lover made her song the "official anthem" of the lovelorn and broken-hearted

Jonalyn Viray on the unexpected success of her single "Help Me Get Over You": “Oo nga po. Base sa mga nakukuha naming positive feedback. Sobrang overwhelming po talaga na naging gano’n po yung response ng mga tao. Na… nagkaroon din ako ng isang song na tumatak talaga. Lalo na sa mga nasawi sa pag-ibig. So masaya po ako na marami ang nagkagusto sa song ko na iyon.”


Nag-tie sina Kyla at Jonalyn Viray bilang Best Performer at gayundin ang kani-kanilang team na Tropang Trending at Ligang I Like sa Best Performance kaninang hapon, August 25, sa Sunday All Stars (SAS).

Kapuna-puna na ang laki ng ipinagbago ng personalidad ni Jonalyn. Noong unang salta niya sa showbiz ay medyo kimi at mahiyain pa siya. Ngayon, tila palaban na at daring ang kanyang dating kung pagiging performer ang pag-uusapan.

“Hindi ko nga ma-imagine na yung mga ginagawa kong performances ngayon, kaya ko pala,” sabi nga niya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng show.

“Mas naging matapang na ako.”

MISSING HER LA DIVA COLLEAGUES. Nami-miss daw niya ang nabuong singing trio nila dati nina Maricris Garcia at Aicelle Santos na La Diva sa Party Pilipinas.

“Siyempre po paminsan-minsan, parang mapapaisip ako na… may mapapakinggan akong songs sa radio na maganda yung harmony.

“So parang… maiisip ko po yung mga dating ginagawa naming performances.

“But then, sa ngayon po ito muna ang gusto kong career path... na ituloy ko po kung ano yung nasimulan ko na,” pagtukoy niya sa pagiging solo artist niya bago nga nabuo ang grupong La Diva.

Marami rin nanghihinayang sa paghihiwa-hiwalay nilang tatlo. Maganda kasi ang kumbinasyon ng kanilang mga boses bilang singing trio.

“Oo. Siyempre hindi rin maipagkakaila na marami rin ang nanghihinayang. Maraming naghahanap na supporters na sana magkaroon ulit kami ng project together.

“Pero for now, humihingi po kami sa kanila ng pang-unawa... ng support sa bawat isa sa amin.

“Na… kung ano po yung napili namin ngayon na career path, sana po suportahan pa rin po nila kami.”

“Pero kahit nagkahiwa-hiwalay kami, happy naman kami sa nangyayari sa mga career namin sa ngayon. Kasi each of us, meron kaming kanya-kanyang pinagkakaabalahan,” paliwanag niya.

WISE CAREER MOVE? Sa palagay niya, tamang career move din nga para sa kanilang tatlo na kumalas sa grupo nilang La Diva?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Jonalyn, “For now po. Kasi ako po… naka-focus ako ngayon sa album ko. And then sina Aicelle at Maricris, mas nasa musicals sila ngayon. At saka mga soap opera.”

Parang mas medyo bongga ang career niya ngayon kumpara kina Maricris at Aicelle. Dahil bukod sa lalabas niyang bagong album ay sumabak na rin siya sa acting. Nagsimula na siyang mag-shoot para sa indie film na Cattleya.

“I think ano lang po… kanya-kanyang panahon. Kasi like si Aicelle, she auditioned for Ms. Saigon... na I think next year yata po ang announcement ng mga pumasa sa audition.

“Actually, gusto ko rin po sanang i-try yung mga gano’ng audition for musical plays. Para may bago po akong masubukan.

“Pero that time po kasi, hindi kaya ng schedule ko. Hindi po ako nakarating sa audition dates. Kaya na-miss ko po siya.

“Kapag may dumating po ulit na mga opportunities to audition sa mga malalaking musicals, ita-try ko po,” dagdag pa niya.

FIRST-TIME ACTING JITTERS. Sa unang pagsabak naman niya sa pelikula, aminado si Jonalyn na kabado siya. Pero nahahaluan daw din ito ng saya at excitement.

“Napakasaya po ng pakiramdam ko. At napakasuwerte ko po dahil nabigyan po ako ng chance... nabigyan ako ng opportunity to join the cast of an indie film kasama si Glaiza de Castro.

“Na… napakaganda din po ng content no’ng pelikula. Napakaganda ng istorya.

“I’ll play the role of an OFW. Na… singer pa rin naman po,” masaya niyang kuwento.

First movie pa lang nga niya ito. Paano siya nag-prepare dahil dati nga ay more of singing ang direksiyon ng career niya?

“Oo nga, e!” sabay bungisngis ni Jonalyn.

“Actually during the first shooting day namin ni Glaiza, nagtatanong ako sa kanya at naging honest ako na kinakabahan talaga ako. Kasi nga, unang sabak ko sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Although no’ng previous years po, nagkaroon naman po kami ng acting workshop sa Artist’s Center. So kahit papaano, may konting background naman.”

Tuluy-tuloy na ba ang pagsabak niya sa acting at sa paggawa ng pelikula?

“Hopefully po. Basta po kapag may opportunity. Go po ako.”

DREAM ROLES. Meron ba siyang dream role na wish niyang magampanan someday?

Sabi niya, “Siguro… basta po yung heavy drama.”

Okey lang din kaya sa kanya na i-try ang kontrabida roles?

“Uhm… it depends po, e. Di ba sa atin dito sa Pilipinas, ang pagiging kontrabida is… yung nakikita din sa physical looks.

“E, parang… hindi pa po ako babagay do’n for now. Parang mas do’n sa… aapi-apihin muna ako! Ha-ha-ha!” natatawa niyang saad.

Kung mature roles kaya na medyo daring, katulad ng character ng isang wife na may kissing scene halimbawa with the husband, papayag kaya siya rito?

“Hindi pa po ako ready!” tawa ulit ni Jonalyn.

“Hindi ko pa po kaya! Ha-ha-ha!

“Kasi siguro po, ever since nag-join ako ng showbiz, yung image po na mini-maintain ko is… kahit papa’no yung makaka-relate ang mga bata at yung mga teenagers po.”

NEW ALBUM. Kung sabagay, importante pa rin sa isang gaya niya na ang pagiging recording artist pa rin ang priority na mai-maintain nga ang image na medyo wholesome pa rin. Especially now that she’s coming up with her new album under Creative Media Entertainment na pang-bagets ang mga songs.

Ayon kay Jonalyn, “Meron po itong five original songs. Ang carrier single po nito ay yung “Nakita Kang Muli” na naging theme song ng Koreanovela sa GMA-7 na Padam Padam.

“Tapos yung isa pong single pa do’n is “Help Me Get Over,” na isa sa theme songs naman ng My Husband’s Lover.”

Yung song niyang “Nakita Kang Muli,” may particular na tao ba siyang pinatutungkulan nito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala naman!” tawa ulit niya. “Wala naman po.

“Although hindi naman po maipagkakaila na nagkaroon po ako ng relationship before,” pagtukoy niya sa isang model ng softdrinks commercial na kanyang nakarelasyon.

“Ngayon po kasi, stable ako. Kumbaga, masaya po ako sa career at sa nangyayari po sa buhay ko.”

Ibig niyang sabihin, wala muna siyang ini-entertain na manliligaw sa ngayon?

“Ini-entertain?” napabungisngis ulit na tanong din ni Jonalyn.

“Uhm… para po sa akin, sa ngayon po… hindi po muna ako mag-i-entertain.

“Kasi talagang ang focus ko po ngayon ay nasa career—sa trabaho, sa pamilya and sa friends.

“Para po sa akin, kapag dumating naman yung bagay na ‘yon, kapag totoo [true love], hindi mo naman mapipigilan, e.”

Ililihim ba niya kagaya nung naging relationship nila dati ng commercial model ng isang softdrinks na ayaw na niyang tukuyin kung sino?

“Kasi kung wala naman pong masama do’n sa relasyon, bakit naman po ililihim?

“Yung dati po na naging relationship ko, hindi naman po sa talagang inilihim ko. Hindi lang po kami masyadong naging public,” paliwanag niya.

Malabo na ba silang magkabalikan nito?

“Naku… tapos na po, e!” tawa na naman niya.

UNEXPECTED HIT SONG. Yung kanta naman niyang “Help Me Get Over You” na naging isa sa theme song na nga ng top-rating primetime series ng GMA-7 na My Husband’s Lover, talagang every now and then ay naririnig na pinapatugtog din sa mga radio stations.

Anong feeling niya na parang nagiging theme song na rin ito ng bayan?

“Oo nga po. Base sa mga nakukuha naming positive feedback.

“Sobrang overwhelming po talaga na naging gano’n po yung response ng mga tao. Na… nagkaroon din ako ng isang song na tumatak talaga. Lalo na sa mga nasawi sa pag-ibig.

“So masaya po ako na marami ang nagkagusto sa song ko na iyon,” pag-amin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakaka-relate din ba siya sa lyrics nito?

“Ay, hindi na po!” natawa ulit si Jonalyn.

Pero before?

“Siguro po ano… habang nando’n pa sa isang relasyon, siyempre lahat naman po tayo kapag nasaktan or dumating sa point na medyo nagkakalabuan na, parang ’yon nga ang magiging theme song.

“Pero sa akin po… wala na po. Wala naman,” pagtatapos ni Jonalyn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN