Michael V. wins battle against dengue; thankful for overwhelming support from friends and well-wishers

Michael V. recounts his harrowing ordeal with dengue: “Hindi ko inaakalang ganun. Well, siguro, lahat ng lalaking tinatamaan ng ganyan, ganitong edad, ang feeling natin e, Superman tayo. Pero, hindi e, nakakatakot yung rapid na pagbaba [ng platelet count]. Kasi, there was a time na umabot na lang ng 10,000 ang platelet ko. Nagkaroon ako ng platelet transfusion, after i–check, 10,000 pa rin. That was a time in my life na yung tumatakbong platelet sa katawan ko, hindi


Noong isang Linggo lamang ay nabalita nga na dinapuan ng sakit na dengue si Michael V.

Marami sa mga kaibigang artista ni Bitoy, kasama na ang kanyang pamilya, ang nag-alala rito. Bumaba kasi ng husto ang kanyang blood platelet count.

Dahil dito, ilan ang nag-post sa kanilang mga social networking sites kung sino ang puwedeng mag-donate ng dugo para sa komedyante. B+ ang blood type ni Bitoy na isa sa mga masasabing “rare” types.

Si Rocco Nacino ang isa sa mga Kapuso actors na nanguna sa pag-donate ng kanyang dugo dahil tulad ni Bitoy ay B+ din ang blood type niya. Sa kasamaang palad, hindi ito pinayagan na makapagbigay ng kanyang dugo dahil nalaman na bago pa lamang pala ang kanyang tattoo.

Pero noong Lunes, August 19, ay nakalabas na rin si Bitoy sa hospital.

Noong Sabado naman, sa pamamagitan ng phone interview ay nakausap ng mga hosts ng Startalk si Bitoy.

NORMAL PLATELET COUNT. Kumusta na nga ba siya ngayon?

“Okay lang, kaninang umaga, nag-blood platelet count ulit ako. I’m glad to announce na nasa 319,000 na yung platelets ko. Actually, mataas na siya, nasa 150,000-250,000 raw ang normal,” masaya niyang balita.

Anong pakiramdam na ang daming tumulong sa kanya?

“Overwhelming. Kaya nga noong nag-post ako sa Instagram, sabi ko, okay na ang blood donation.

“Kasi, at that point, medyo dumagsa nga, e. Hindi lang ang mga kaibigan ko, hindi lang ang mga kasama natin sa industriya.

“Pati ang Red Cross, nagpunta mismo si Mr. Isla [Red Cross Governor Nesty Isla], Si Tita Rosa Rosal, tumawag din.

“Pati si Toni Rose [Gayda], nagpunta rin. Tumulong silang lahat at nag-offer sila ng dugo,” pagpapasalamat niya.

Simula nang ma-release raw siya sa hospital, isang linggo pa raw siyang pinagpahinga ng doktor sa bahay. At ayon dito, na-sanitize na raw ang bahay niya sa lamok. Hindi lamang para sa kanya kundi maging sa kanyang pamilya na rin at ibang mga kasama sa bahay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa kay Bitoy, “Yun din ang sina-suggest ko, lalo na sa mga binaha nitong nakaraang bagyo. Dapat mag-ingat tayo.

“Medyo ibang klase pala itong dengue. Ngayon ko lang nakilala at hindi ko siya nagustuhan.”

BONE-BREAKING DISEASE.” May takot ba siyang naramdaman?

“Meron,” pag-amin niya.

“Hindi ko inaakalang ganun. Well, siguro, lahat ng lalaking tinatamaan ng ganyan, ganitong edad, ang feeling natin e, Superman tayo.

“Pero, hindi e, nakakatakot yung rapid na pagbaba [ng platelet count]. Kasi, there was a time na umabot na lang ng 10,000 ang platelets ko.

“Nagkaroon ako ng platelet transfusion, after i–check, 10,000 pa rin.

“That was a time in my life na yung tumatakbong platelets sa katawan ko, hindi na akin. Sa ibang tao na, galing na sa donasyon.”

Dugtong pa ni Michael V, “Grabe, yung likod, mga kasu-kasuan, grabeng sakit. Talagang bone-breaking disease ang dengue.

“Hindi talaga biro at never kong na-experience ang ganoong klaseng sakit sa buong buhay ko.”

PREVENTIVE HEALTH TIPS. Bukod sa pag-sanitize ng bahay, ano pa ang puwedeng ipayo ni Michael V sa lahat para maiwasan ang dengue?

“Siguro yung environment, linisin natin. Wala talagang mga stagnant water.

“At saka, siguro, kung afford natin na bumilii ng mga anti-mosquitoes na lotion at saka mga patches, gawin na natin. Walang mawawala, kesa naman buhay ang mawawala,” dagdag pa niyang payo.

THANKFUL TO ALL WELL-WISHERS. Sa isang banda, nagpapasalamat naman si Bitoy sa mga well-wishers daw niya at mga doctors at nurses ng St. Luke’s Hospital sa Quezon City.

Sa buong buhay pala ni Bitoy, ngayon pa lang daw siya na-confine sa ospital.

Pero ayon dito, “Yung mga staff, nurses at doctors ng St. Luke’s, napaka-vigilant nila. Ako, natutuwa. Kasi, first time ko lang na-confine sa ospital.

“Hindi ko masasabing bad experience. Bad experience yung dengue, yes. Pero, yung treatment sa hospital, maraming-maraming salamat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung mga nag-offer ng prayers, especially people na hindi ko naman kilala. Pero, lahat sila nagpu-post ng prayers sa Twitter, Instagram ko. Tingin ko, isa yun sa dahilan na naka-survive ako rito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN