Alden Richards traumatized by devastating flood wrought by typhoon Maring

Alden Richards recounts his family’s ordeal with the floods wrought by typhoon Maring: “Natutulog pa ’ko noon, galing ako ng work the night before. Noong ginising ako, pagtapak ko out of my bed, andun na yung tubig. Sabi ko, basta i-save ang dapat i-save, important documents. Yung bahay namin, inabot. Yung mga gamit namin, talagang nagmamadali kaming i-angat kasi nga, umabot hanggang tuhod, sa sala ng bahay namin. Pinasok talaga siya.”

<


Kasalukuyan daw na mahimbing na natutulog si Alden Richards nang malaman nitong pumasok na sa bahay nila ang baha dala ng bagyong Maring at habagat.

Isa si Alden sa mga artistang naapektuhan nang husto ng katatapos na kalamidad sa bansa. Lubha nga raw naapektuhan ang lugar nila Alden sa Sta. Rosa, Laguna.

Ayon sa kuwento ni Alden sa Startalk noong Sabado, “Natutulog pa ’ko noon, galing ako ng work the night before. Noong ginising ako, pagtapak ko out of my bed, andun na yung tubig.

“Sabi ko, basta i-save ang dapat i-save, important documents.”

Kumpara nga raw sa mga nakaraang kalamidad, pinaka-matindi raw ang naging epekto sa kanila ng bagyong Maring at habagat.

“Yung bahay namin, inabot. Yung mga gamit namin, talagang nagmamadali kaming i-angat kasi nga, umabot hanggang tuhod, sa sala ng bahay namin. Pinasok talaga siya.”

Naging traumatic daw para kay Alden ang naranasang bagyo at ayaw na raw nitong maranasan pang muli ang ganoong pangyayari.

Sabi nga niya, “Ayoko nang maulit. So, the next day, nag-taping ako. Nagpahanap ako ng matutuluyan sa Dad ko.

“May nakita naman siya agad. Sa isang village, malapit sa Enchanted Kingdom. So, magre-rent muna kami, at least a year.

“Kasi, yun ang contract ng house. Then, magmu-move in kami, siguro, by tomorrow. “

At dahil daw sa naging karanasan ni Alden sa pagbaha, may natutunan daw siya.

Ayon sa Kapuso actor, “Huwag na tayong maghintay. Hihintayin niyo pa ba na may ma-disgrasya sa family member niyo? Act of God ‘yan, e, ‘yang natural calamities.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN