Sam Milby admits to courting Jessy Mendiola

Inamin ni Sam Milby na niligawan niya si Jessy Mendiola, sa naging panayam sa kanya ng The Buzz na ipinalabas kahapon, August 25.


Inamin ni Sam Milby na nililigawan niya ang kanyang kapwa Star Magic talent na si Jessy Mendiola.
"Actually, nililigawan ko si Jessy," sabi ni Sam sa taped interview sa kanya ng The Buzz na ipinalabas kahapon, August 25.
Unang nagkasama sina Sam at Jessy sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya bago lumipad patungong Amerika ang aktor upang subukan ang kanyang kapalaran sa Hollywood.
Nang bumalik si Sam ay naugnay siya kay Shaina Magdayao, habang si Jessy naman ay na-link kay Matteo Guidicelli.
Ngunit ngayon ay dalawang linggo na raw nanliligaw si Sam kay Jessy.
Aware ba si Jessy na nanliligaw siya rito?
“She’s aware, yes,” nakangiting sagot ni Sam. “I let her know my intention, yes.”
Dagdag pa niya, “She’s beautiful. I like her simplicity. Hindi siya maarte.
"I think, a lot of times, she’s misunderstood. People think na masyado siyang bata.
"But she’s actually for me, more mature for her age. She works hard.
“I can’t say that I know her that well but the times that I’ve hang out with her have been fun.”
Naging masakit ang huling karanasan ni Jessy sa pag-ibig dahil sa naging breakup nila ni JM de Guzman. Makakasigurado ba si Jessy na matutulungan siya ni Sam na mag-heal mula sa huling pinagdaanang pag-ibig nito?
Tugon ni Sam, “The right way to heal your own wound is to heal by yourself.”
Sa pamamagitan naman ng isang statement na ipinadala ni Jessy sa The Buzz ay kinumpirma niyang nanliligaw nga sa kanya si Sam.
Ayon kay Jessy, “Oo, nanliligaw siya. Single siya at single ako, so bakit naman hindi?
"Pero we go out lang naman and hang. Nothing super serious since alam niya, priority ko ang career ko.
"He’s a very sweet and nice guy.
"I don’t want to close any doors naman and why not let him get the chance na makilala ako and ganoon din ako sa kanya.
“Let’s see how it goes na lang.”
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN