Jaclyn Jose on Andi Eigenmann’s reconciliation with Jake Ejercito: "Kung magkakamali siya uli, learn from her own mistakes."

Jaclyn Jose on daughter Andi Eigenmann: “Si Andi can take care of herself. Very smart and strong person. She may be intense and impulsive, pero matalino, e. Kayang-kaya niyang i-handle ang buhay niya. Siya ang nagdedesisyon lahat sa buhay niya, career, and everything. Hindi ako nakikialam para pagka ano, walang sisihan.”


Kinumpirma ni Jaclyn Jose ang pag-usbong muli ng pagmamahal ng anak niyang si Andi Eigenmann kay Jake Ejercito, anak ni Manila Mayor Joseph Estrada sa dating aktres na si Laarni Enriquez.

Panay ang paglabas ng mga larawan nina Andi at Jake na magkasama sa iba’t ibang social networking sites, partikular na sa Instagram.

Hindi rin naman itinatatwa ni Andi ang pagiging malapit nilang muli ng mestisuhing kapatid sa ama nina Senators Jinggoy Estrada at JV Ejercito.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jaclyn pagkatapos ng live appearance nito sa Sunday All Stars (SAS) noong Linggo, August 25, sinabi ng veteran actress na lagi namang in love ang anak niyang si Andi.

Kuwento pa ng aktres, “E, nag-aaway pa rin paminsan. Nag-i-split pero nagkakabalikan din.

“Hinahayaan ko na lang siya. Tutal naman noong araw, nung time na ganyan din naman ako, hinayaan ko rin ang sarili ko.

“Saka alam ko na madali lang ang panahon, mabilis lang ang pagtanda.

“Hayaan mo ang bata. I let her fall in love. Sa akin, hayaan ko siya.

“Kung magkakamali siya uli, learn from her own mistakes.

“Sa akin kasi, greatest thing in life is love, e. Falling in love is the most wonderful feeling, e. So, let her.”

Ibig sabihin, sumuko na siya kay Andi kaya hinahayaan na lang niya ito?

Sagot ni Jaclyn, “Oo. Basta ako, meron akong love, yung aking apo.

“Ibang aspeto naman. Pero gano’n pa rin ang intensity ng love… basta love ka lang nang love.”

Ang tinutukoy na apo ni Jaclyn ay ang anak ni Andi na si Ellie.



REUNITED. Sa kabila ng nangyari kina Andi at Jake, heto’t tila nagkabalikan na naman ang dalawa.

Ano ang masasabi ni Jaclyn dito?

“Walang katapusan ‘yan… nandito daw?” nangingiting tanong niya kung nasa bansa ba si Jake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sakit ba ng ulo ang muling pakikipag-ugnayan ni Andi kay Jake?

Sagot ni Jaclyn, “Hindi naman. Basta kaya nilang dalhin ang isa’t isa.

“I think lang kay Andi, parang huwag na lang magsalita.

“I feel if it’s not period talaga, huwag na siyang magsalita.”

Ang ibig tukuyin ni Jaclyn ay ang naunang mga pahayag ng anak na hindi na ito muling mai-in love kay Jake.

Patuloy ng Mundo Mo’y Akin star, “Kasi, di ba, nagku-contradict na yung mga sinasabi niya, e?

“Pag galit, may sinasabi siya… impulsive kasi si Andi, e. Pag galit siya, ipapakita niya talaga, e.

“Pero pag nandiyan naman, iba naman. Suko na naman ang bataan!”



CONSENTING ADULTS. Nagkita na ba sila ni Jake? Humingi na ba ito ng patawad sa mga nasabi nito sa kanyang anak?

Sabi ni Jaclyn, “Wala namang kailangang ihingi ng patawad.

“Parehong adults na ‘yan, e. May anak na si Andi, adult na si Andi.

“Nirerespeto si Andi. Kung ano ang desisyon ni Andi, doon ako.

“So, respetuhan na lang ‘yan. So, I let her.

“Basta huwag lang magkakalat or magugunaw ang buhay.

“E, hindi naman, e. Ano naman siya sa work niya… she’s very professional.”

Hindi ba siya natatakot na parang hindi talaga puwedeng paglayuin ang dalawa? Na kung mangyayaring maghiwalay sila ay baka magkasakitan na ang isa’t isa o baka may mangyaring hindi maganda?

“Nakakatakot!” bulalas ni Jaclyn.

Naiisip niya ba yung posibilidad na puwedeng mangyari?

“Eigenmann ‘yan e,” sagot ni Jaclyn bilang pagtukoy sa pamilya ng ama ni Andi na si Mark Gil.

“Pero matalino si Andi. Matalino rin si Jake. Alam naman nilang alalayan ang isa’t isa.

“I let them. Consenting adults na silang dalawa, e.”

Okey ba sa kanyang magkaroon uli ng baby si Andi?

Ayon kay Jaclyn, “Huwag na muna ngayon siguro… alam naman niya yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pag sinasabihan ko siya, ‘O, Beb, ha?’… Beb pa rin ang tawag ko.

“’O, Beb, ha? You know what to do. You have to take care of yourself.’

“’Yeah, Ma. I’ve learned my mistake. I know what I’m doing.’

“Hindi ko siya palaging sinasabihan. Once, twice at least. Ayaw ko namang binuburyong siya.

“Matalino si Andi, alam niya kung ano ang gusto niya. May plano na siya kung ano ang gusto niyang buhay.

“Professional naman siya. She works very, very hard.

“She’s doing two movies and may soap naman siya, yung Galema [sa ABS CBN]. Wala naman akong problema.

“Hindi naman siya nale-late sa work. Magaling din naman siyang umarte, in fairness naman sa kanya.”



JEALOUSY ISSUE. Itinanggi ni Jaclyn na nag-uumpisa na namang tumindi ang pagiging selosa ng anak niya kay Jake.

“Hindi… she lets Jake go out with his friends.

“Nakikita ko na… hindi naman. Hindi naman si Andi.

“Mas possessive pa nga ako, e, noon nung dalaga ako.

“Si Andi, nakikita kong sinasarili lang niya. Hindi niya binabawalan si Jake.

“Si Jake, lumalabas with his female friends. Si Andi, ganun din.”



PARENTS. Naitanong din ng PEP kay Jaclyn kung maayos na rin ba ang relasyon nila ngayon ng mga magulang ni Jake, partikular na ang ina nitong si Laarni Enriquez.

Matatandaang nag-break sina Andi at Jake dahil sa rebelasyon ni Jaclyn na hindi diumano tanggap ng pamilya ng binata ang anak ng aktres.

Tugon ni Jaclyn, “Ay, hindi ko alam. Hindi ko masasagot ang tungkol diyan. Sila-sila na lang ‘yan.

“Ako, hinayaan ko si Andi. Hindi ko alam si Jake.

“May anak na, magtu-two years old na yung anak niya [Andi] sa November 23.

“Yun na lang ang aking inaasikaso. Doon na lang ako sa apo kong si Ellie at sa bunso kong lalaki.

“Si Andi can take care of herself. Very smart and strong person.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“She may be intense and impulsive, pero matalino, e. Kayang-kaya niyang i-handle ang buhay niya.

“Siya ang nagdedesisyon lahat sa buhay niya, career, and everything.

“Hindi ako nakikialam para pagka ano, walang sisihan.”



FASHION STYLE. Sa panayam na ng PEP kay Jaclyn, pinansin namin ang pagbabago sa fashion style niya. Naka-shorts at naka-stilleto ang aktres nang makausap namin.

Paliwanag niya, “’Yan ang tinatawag na reinvention. Nung lumipat ako dito sa GMA-7, I have to look different.

“Kasi phase na rin in life na kailangan kong gumawa ng another venture on how to… gusto ko kasi lagi akong nasa trabaho.

“So, I have to do something about it. Kaya nag-makeover ako tapos binali ko yung role—yung kontrabida.

“Parang feeling ano na rin na I have to maintain na rin yung pagtatak ng roles na ginagampanan.”

Ayon kay Jaclyn, ang Kapuso network stylist ang nagpu-provide sa kanya ng mga damit na isinusuot niya, lalo’t bahagi siya ng primetime series na Mundo Mo’y Akin.

Patuloy pa ng aktres, “I’m turning fifty. So, kailangan kong mag-reinvent.

“Kahit anong ginagawa ko, kahit saan, gusto ko tumatak, mataas.

“Timing lang, ngayon lang nagkontrabida ng ganito.”

Bukas din si Jaclyn sa posibilidad na muling magpa-sexy sa mga role na gagampanan.

“Kahit ano… kung merong ganun, e, di I’ll lose weight. I’m open to possibilities sa mga roles.

“Kasi eto sa akin ang magandang timing din sa mga adult women like me, di ba, na mag-ayos and look beautiful.”

Magtatapos na raw ang Mundo Mo’y Akin at naghihintay na lang si Jaclyn kung anong project ang unang iaalok sa kanya mula sa kahit na anong istasyon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN