Part 1. Dawn Jimenez admits Albie Casiño broke up with her because of love scene with Gerald Anderson

"Nung pumayag ako na gawin yung role, nakipag-break nga po siya sa akin—dahil pumayag akong gawin yung love scene. Actually, inaway niya ako. Pinapili niya ako kung… actually, sabi niya, kung gagawin ko raw yung scene, it’s over na raw talaga. A, okay. E, ako naman, career muna bago boyfriend, di ba? Ayun, pinili ko yung career at naghiwalay po kami," lahad ni Dawn Jimenez tungkol sa naging breakup nila ni Albie Casiño.


Itinuturing na "biggest break" ng baguhang aktres na si Dawn Jimenez ang pagkakasama niya sa action-drama-suspense movie na OTJ (On The Job), na pinagbibidahan nina Piolo Pascual, Gerald Anderson, at Joel Torre mula sa direksiyon ni Erik Matti.

Hindi nga raw alam ni Dawn na magkakaroon siya ng matinding love scene kay Gerald sa pelikula.

Kuwento niya, “Actually, nung nag-audition ako, sinabi lang sa akin na it’s a sexy role. Pero hindi ko inisip na may love scene na gano’n.

“So, pagdating ko sa audition, kinausap ako ni Direk Matti. Tinanong niya ako, ‘Alam mo ba yung role mo?’

“Oo, medyo daring daw. Akala ko naman makeout-makeout lang.

“Sabi niya sa akin, love scene daw at magpapakita ng ganyan-ganyan.

“Sabi ko, ‘Ganun ba?’

“Siyempre, pinag-isipan talaga namin ng mommy ko at ni Tita Becky [Aguila, her manager] at ng Star Magic.

“Naisip namin na worth it naman.

"Nakapasok nga ng Cannes [International Film Festival] at saka si Gerald din naman po ang kasama. At si Direk Erik naman, magaling.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dawn sa mini-presscon ng OTJ sa conference room ng Star Cinema office ng ELJ Building, ABS-CBN compound, noong Sabado, August 24.



ALBIE CASIÑO. Nang matanong naman si Dawn tungkol sa ex-boyfriend niyang si Albie Casiño, inamin ng aktres na kinalasan siya ng young actor dahil sa daring love scene nila ni Gerald.

Lahad ng young actress, “Opo, nung pumayag ako na gawin yung role, nakipag-break nga po siya sa akin—dahil pumayag akong gawin yung love scene.

“Actually, inaway niya ako. Pinapili niya ako kung… actually, sabi niya, kung gagawin ko raw yung scene, it’s over na raw talaga.

“A, okay. E, ako naman, career muna bago boyfriend, di ba?

"Ayun, pinili ko yung career at naghiwalay po kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nung nag-usap kami, bago ko pa gawin yung love scene.

“So, nung ginawa ko yung scene namin ni Geald, single na po ako nun.”

Kung hindi raw sila nag-break ni Albie, higit isang taon at dalawang buwan na raw ang kanilang relasyon ng dating Star Magic talent.

“Okey lang,” nakangiting komento ni Dawn.

Balewala raw sa kanya na kumalas sa kanya si Albie.

Nagkakilala sina Dawn at Albie nang gawin nila ang indie film na The Animals, na naging entry sa Cinemalaya noong isang taon. Ang gamit pang screen name noon ni Dawn ay Dawn Balagot.

Wala ba siyang naramdamang pagsisisi sa naging breakup nila?

Sagot ni Dawn, “Wala naman, kasi siguro mas okey sana kung mas supportive… nagalit nga siya sa akin. Tapos si Gerald pa raw kaya nagselos.”



JEALOUSY. Bakit pinagselosan ni Albie si Gerald?

“Actually, akala niya na nag-uusap kami ni Gerald. E, wala naman.

“Hindi nga kami masyadong nag-uusap sa set. Assuming lang siya na may something.”

Nagkasigawan ba sila bago sila nag-break?

“Siya… siya siguro. Ako naman, hindi naman ako gano’n,” sabi ni Dawn.

Hindi ba supportive si Albie sa career niya?

“Kasi sabi niya, para sa kanya, masyado pa siyang bata para tanggapin para sa akin yung ganong role. Hindi pa niya tanggap.

“Saka gusto niya kung sa kanya, sa kanya lang talaga.

“Siguro okey lang sa kanya normal na kiss o smack-smack lang…

“Katulad nga nung kay Xian [Lim], hindi siya pumayag nun sa Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo.

“May kissing scene po kami ni Xian dun. Pero hindi siya pumayag, ayaw rin niya ng ganun.

“Kaya mahirap yung nagka-boyfriend ka na hindi supportive.”

Iniyakan ba ni Dawn ang breakup nila ni Albie?

Tugon niya, “Hindi. Yung reason na nakipag-break siya sa akin noon, not really.

“Kasi mas focused ako sa career. Sinabi ko na lang sa sarili ko na marami pa naman diyan, bata pa naman ako, hindi siguro time yet.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba siya nanghinayang sa nangyari sa relasyon nila?

“Nanghinayang akong konti kasi sobrang naging close ko yung family niya. Pati siya, naging kakabit siya ng family ko.

“Yun lang naman din ang iniisip ko dahil close kaming lahat.

“Pero ayun, career na lang muna talaga.”



THE BREAKUP. Kailan ba sila nag-break ni Albie?

Ayon kay Dawn, “This year kami nag-break, pagkatapos ng Cannes actually.

“So, nung nakipag-break siya sa akin noon, eventually naman na-realize niya na hindi niya kayang mawala ako.

“So, after that, nag-break na naman kami itong taon.

“I mean, nakipagbati siya sa akin after nung breakup namin because of my love scene with Gerald.

“Then, nakipagbati siya, nakipagbalikan siya uli. Pinahirapan ko ng konti.

“Pero I guess, hindi rin nag-work out.”’

Ano naman ang naging problema sa pinakahuling breakup nila?

“Sabihin na lang natin na… siguro yung masi-share ko, hirap maging… it’s hard to be in a relationship with someone who’s like more in love with his muscles.

“I mean, hindi naman niya ia-admit yun. Pero para sa akin kasi, yun ang napi-feel ko.

“Saka siyempre, mas may malalim na reason kung bakit kami nag-break.”

Pero naramdaman naman niyang minahal din siya ni Albie?

“Oo, dumating naman sa punto na parang future talk na gusto niya, ako na talaga.

“Isa rin yun kung bakit nakakapanghinayang. E, naisip ko na bata pa naman kami.”

Itinanggi naman ni Dawn na nag-overlap silang dalawa ni Andi Eigenmann sa buhay ni Albie. Giit niya, nagkakilala sila ni Albie nang hiwalay na ang young actor kay Andi.

(Bukas ang PEP sa panig ni Albie kaugnay ng naging pahayag ni Dawn tungkol sa kanya.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN