Part 2. Dawn Jimenez admits crush on OTJ co-star Gerald Anderson

Ngayong inamin ni Dawn Jimenez na matagal na niyang crush si Gerald Anderson, hindi ba siya nangangambang baka magkaroon ng isyu sa pagitan nila ng girlfriend ng aktor na si Maja Salvador? Sagot ng baguhang aktres, “Huwag naman sana. It’s not like naman na... admiration lang naman. Hindi naman yung may something else. Hanggang doon lang naman.”


Ilang beses sinabi ni Dawn Jimenez sa mini-presscon ng OTJ na kung hindi dahil kay Gerald Anderson ay hindi niya gagawin ang kanilang love scene.

Namula na nga ang mukha ng Kapamilya actor sa papuri sa kanya ni Dawn.

Diretsong tanong: May paghanga ba si Dawn kay Gerald?

Sagot ng young actress, “Siyempre, oo naman!

“Dati pa, nung hindi pa ako nagsisimula, crush ko na siya dati pa.

“Pero ayun nga, sobrang nasiyahan ako nung ako ang napili.

“Actually, sobrang tagal kong nalaman na ako. Wala akong preparation.

“Kasi nung nag-audition ako, hindi in-assure sa akin na ako yung nakuha.

“Parang one night, pinapunta ako ni Direk Matti sa place.

“Pagdating ko dun, ‘A, si Gerald pupunta. Gusto niyang malaman kung meron kayong chemistry.’

“So, dun ko lang nalaman na, ‘Ako na pala? A, okay.’

“Tapos a week after that, doon na kami nagsimulang mag-shoot. Wala talagang preparation.”

NO SAFETY COVER. Ayon sa deskripsyon ni Direk Erik sa hiwalay na panayam sa kanya ng PEP, nang kunan ang love scene nina Dawn at Gerald ay walang safety cover si Dawn. May eskenang tinanggal ni Gerald ang bra at panty ni Dawn.

Paano ang ginawa nilang preparation bago kunan ang actual love scene?

Sabi ni Dawn, “Actually, tinulungan ako ni Gerald.

“Kasi nung first day, hindi talaga kami nag-uusap masyado, trabaho lang talaga.

“Tapos nung second day, doon napansin na nagsisimula na siyang mag-small talk, like, ‘How old are you? Where did you study?’ Mga ganyan.

“So, naisip ko na, ‘A, okay, siguro eto yung way na para hindi maging awkward mamaya.’

“So, sinabi ko na lang sa kanya bago kami mag-start ng love scene… Sabi ko sa kanya, ‘Sige, ikaw na lang magdala ng eksena at ako susunod na lang. Go with the flow lang ako.’

“Magaling, magaling na natapos namin yung scene.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakita niya ba ang reaksiyon ni Gerald nang makita siya nitong hubad?

“Oo, surprised siya, lumaki ang mata niya. Yun ang napansin ko, na-surprise siya.”



CRUSH ON GERALD. Very vocal si Dawn sa pagkakaroon niya ng crush kay Gerald. Hindi ba siya natatakot na magkaroon sila ng issue ng girlfriend ng aktor na si Maja Salvador?

Sabi ni Dawn, “I’m just being honest lang naman po.

“Huwag naman sana. It’s not like naman na... admiration lang naman.

“Hindi naman yung may something else. Hanggang doon lang naman.”

Kung nagkataong walang girlfriend si Gerald at magparamdam ito sa kanya?

“Why not, di ba?” natatawang sagot ni Dawn.

“Ako naman kasi, yung naririnig natin about him, hindi naman ako judgmental… yeah, siguro.

“Just to get to know the person muna and then we’ll see from there.”



JEANNE NAPOLES. Hindi naman itinanggi ni Dawn na kilala niya ang isa sa mga anak ni Janet Lim-Napoles na si Jeanne Napoles.

Si Janet ang sinassabing utak sa kontrobersiyal na pork barrel scam.

Kuwento ni Dawn, nakilala niya si Jeanne nung high school pa sila dahil maliit lang community na ginagalawan nila sa South.

Nagulat nga raw ang young actress nang maugnay ang mga Napoles sa pork barrel scam dahil simple lang daw si Jeanne nang makilala niya ito.

Isa raw sa mga kaibigan niya ang nagbalita sa kanya nito.

Sabi ni Dawn, “Hindi ko talaga inakala kasi nung bata pa siya, simple lang sila. Hindi ko inakala na ganun pala sila kayaman, kaya nagulat talaga ako.”

Nililinaw ni Dawn na hindi sila classmates ni Jeanne.

“Kasi nag-aral ako sa Alabang and siya naman sa Zobel. Magkalapit yung school namin.

“Siyempre pag nasa South ka… Actually, sa South, magkakakilala lahat ng tao, super small world lang kaya nagkakilala kami.

“Hindi naman kami naging close, acquainted lang, pero we know each other.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We hang out sa mga parties before nung bata pa kami. Pero hindi naman yung madalas, sakto lang.”

Diin ni Dawn, hindi sila close ni Jeanne.

“Nakakagulat lang talaga na from simple to glamorous, di ba? Ay, ang yaman pala niya!

“When my friend told about me na ganun sila kayaman, doon ko na-realize na mayaman pala talaga sila.

“Actually, recently ko lang nalaman nung pumutok ko nga yung pork barrel scam and involved ang mga Napoles."

Dagdag ni Dawn, “Nakakainis lang kasi galing yun sa suweldo natin tapos may kaltas yun sa atin para sa tax.

“So, instead na mapunta yun sa dapat puntahan, like sa mga schools, road… hindi, e, sa kanila napupunta.

“Nakakalungkot, nakakainis.”

Naging Instagram at Facebook friends ba sila ni Jeanne?

“Facebook lang, hanggang doon. Pero hindi na kami nagkakausap.

“Actually, wala na nga siya sa FB ko.

“Nung nalaman ko issue about her, tsinek ko agad. Ay, hindi ko na siya friend!

“Dinilete niya yung FB niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN