Mark Bautista expresses interest in indie films; "open and ready" for new relationship

“Gusto ko rin i-test ang sarili ko o i-challenge ang sarili ko bilang actor kasi uma-acting-acting ako dati,” says Mark Bautista about his intention to try acting in an indie film.


Matatagalan bago masundan ang pagganap ni Mark Bautista bilang aktor sa teatro.

Ito ang sinabi ng singer-actor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang makapanayam namin siya sa anniversary event ng nutrition campaign na Oh My Gulay kahapon, August 27, sa Aracama Restaurant sa The Fort, Taguig City.

Kamakailan lang ay gumanap bilang Jerry Lukowski ang 30-year-old singer sa local adaptation ng Broadway musical na The Full Monty.

Kung maaari, ani Mark, gusto niyang mapadalas ang pagiging bahagi niya sa stage plays.

“‘Yon ang gusto kong gawin. Parang iba yung experience kapag sa theater.

“Pero it’s time-consuming at kailangan ibuhos mo talaga lahat doon.

“Hindi ka puwedeng ma-distract.

“Kailangan wala kang ibang gagawin, ‘yon lang.”

Kaya kung muling bibigyan ng pagkakataon na makagawa ng stageplay, ayon kay Mark, “Next year siguro puwede, once a year pwede.

“Pero kung sunud-sunod, I don’t think magagampanan ko nang maayos.”



WISHES TO TRY INDIE. Ngayong nakagawa na siya ng stage play, umaasa naman si Mark na makagawa rin ng indie film.

Aniya, “Actually, nasabi ko nga sa handler ko na gusto kong mag-indie film.

“Kasi nga, medyo malakas ang indie film at grabe yung acceptance ng audience sa mga ganyang klaseng films.

“Di ba, ibang field naman, ibang challenge naman for me.”

Ayon kay Mark, itinuturing niyang hamon para sa sarili ang paggawa ng mga bagong uri ng proyekto para sa pag-arte.

“Actually, gusto ko rin i-test ang sarili ko o i-challenge ang sarili ko bilang actor kasi uma-acting-acting ako dati.

“Pero parang sabi ko, hanggang saan ko ba talaga kayang um-acting o nakatulong ba talaga ang acting sa akin o makakakuha ba ako ng award.”

Biro pa niya, “Kapag na-achieve ko ‘yang award, itotodo ko na rin ang acting!”

Nabanggit ni Mark sa PEP na may inu-offer sa kanya ngayon na tila sexy film, kung saan gaganap siya bilang preso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro isa ‘yan na gusto kong challenge, na parang prisoner ako. Gusto ko rin i-try ‘yon, talagang nasa prison ako.”

Pero hindi pa raw niya napagdedesisyunan kung tatanggapin niya ito o hindi.



DISTRACTIONS. Samantala, natutuwa naman si Mark na abala siya ngayon sa trabaho.

Bukod sa weekly musical-variety show na Sunday All Stars at ang natapos nang The Full Monty, sunud-sunod din ang schedule niya para i-promote ang kanyang bagong album na The Soundtrack of Love.

Dahil dito, hindi masyadong naiisip ngayon ni Mark ang pagiging single niya.

Nakangiting sabi ni Mark, “Katatapos lang ng isang relationship ko noong February.

“I’m just happy na maraming trabahong dumating after that.

“So, na-focus ako, lahat ng energy, ang heart ko nasa trabaho na.”

Ang huling naging girlfriend ni Mark ay si Miss World 2011 1st runner-up Gwendolyn Ruais.

Sa ngayon, hindi naman daw naghahanap si Mark ng bagong relasyon.

Pero aniya, “I’m open and I’m ready. Kung may ibibigay sa akin si Lord ng perfect.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN