Entertainment editor files charges against Bela Padilla’s boyfriend; Neil Arce denies accusations

Sinampahan ng mga kasong Physical Injuries at Grave Threat ang nobyo ni Bela Padilla na si Neil Arce (kaliwa) dahil sa pananakit at pananakot diumano nito sa tabloid editor na si Joey Sarmiento (kanan) sa shooting ng pelikula ni Robin Padilla noong Biyernes, August 23.


Nagsampa ang entertainment editor na si Joey Sarmiento ng kasong Physical Injuries at Grave Threat laban sa kasintahan ni Bela Padilla na si Neil Arce.

Bukod kay Neil ay kinasuhan din ni Joey ang pinsan ni Robin Padilla na si Junior Padilla at isang stuntman na nakilala raw niyang si “Maestro,” na tumulong daw kay Neil sa panananakit at panananakot umano sa kanya.

Bago isinampa ni Joey ang naturang kaso sa Quezon City Hall of Justice, humarap ito sa media kaninang umaga, August 27, sa National Press Club (NPC).

Kasama ni Joey kanina ang Vice President ng NPC na si Marlon Purificacion at isa sa mga directors nito na si Paul Gutierrez. Nagpahayag sila ng suporta sa inihaing reklamo ni Joey laban kay Neil at sa dalawa pang kasama.

Sa presscon ay ikinuwento na rin ni Joey, entertainment editor ng tabloid na Bagong Toro, na mayroon siyang isinulat laban kay Bela tatlong taon na ang nakararaan kaya maaaring iyon daw ang nagbunsod kung bakit sinaktan at tinakot daw siya ni Neil.



THE POLICE REPORT. Ayon kay Joey, noong Biyernes ng gabi, August 23, ay pumunta siya sa shooting ng pelikulang 10,000 Hours na pinagbibidahan ni Robin Padilla. Kasama sa cast si Bela.

Ang location ng shooting ay sa tahanan ni Neil sa 101 Selecta Drive, Quezon City.

Base sa police report na ginawa sa La Loma Police Station, kung saan nagpa-blotter si Joey, nang pumunta siya sa shooting para kapanayamin at i-pictorial si Robin, doon daw ipinakilala sa kanya si Neil na producer ng naturang pelikula.

Ayon sa salaysay ni Joey, “Nag-i-interview ako kay Robin nang bigla na lang lumapit sa akin ang isang nagngangalang Junior na pinsan ni Robin at sinabing may atraso raw ako kay Bela Padilla na kanyang pamangkin.

“Umalis si Junior at maya-maya pa ay lumapit sa akin si Neil Arce at inimbitahan akong pumunta sa isang madilim na garden kung saan nandoon si Junior at ang isa pang stuntman na tinatawag na Maestro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Bigla na lang akong sinigawan ni Neil at sinabing hindi pa pala kami ayos ni Bela Padilla. Hindi ko raw dapat isinusulat ng hindi maganda si Bela. Dapat daw ay humingi ako ng public apology kay Bela at sa kanya.

“Pagkatapos nun ay bigla na lang niya akong dinibdiban at saka sinampal at pagkatapos nun ay sinakal niya ako at idiniin ang kanyang daliri sa aking adam’s apple na sanhi ng hindi ko paghinga nang sandali.

“Ang isang nagngangalang Junior ay humawak sa aking kanang balikat para hindi ako makagalaw. Ang isang stuntman na tinatawag na Maestro naman ay humawak sa aking kaliwang braso nang madiin at saka pinilipit.

“Sa pagitan ng kanilang ginawang pananakit sa akin ay tinakot niya ako at sinabing, ‘Kapag isinulat mo itong pangyayaring ito, tatawa lang ako, ipahahanap kita at ipabubugbog kita!’

“Limang beses niya akong pinagbantaan. Binanggit din niya na, ‘Pasalamat ka dahil mabait pa ako dahil kung may topak ako, baka mapatay pa kita dito sa loob ng pamamahay ko!’”

Dagdag pa ni Joey sa naturang presscon na paulit-ulit daw ang pananakot na ginawa ni Neil sa kanya at may ginamit pa raw itong isang senador na malapit umano sa boyfriend ni Bela.



ROBIN IS NOT INVOLVED. Ayon pa kay Joey, takot na takot siyang umalis at hindi raw niya ito naiparating kay Robin na walang kaalam-alam sa nangyari.

Kinabukasan daw ay nag-text sa kanya ang misis ni Robin na si Mariel Rodriguez at ipinarating daw sa kanya na humihingi ng paumanhin ang aktor sa nangyari, pero hindi raw niya sinagot.

Pahayag ni Joey, “Kaya hindi naman ako nag-reply sa kanya dahil I was still in shock, busy ako, na-trauma ako.

“Ang gusto ko lang mangyari nung time na yun, ayusin ko ang lahat na mga dokumento para maayos at nang mai-file ko ang kaso.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nilinaw ni Joey na walang kinalaman si Robin sa gulong ito dahil wala naman daw itong ginawa sa kanya.

“Walang kinalaman si Robin sa isyung ito,” diin nito.

“Ang tanging koneksiyon niya sa isyung ito ay uncle siya ni Bela Padilla, at si Robin naman mismo ay walang ginawang masama sa akin, hindi nanakit, walang sinabing hindi maganda.

“Tanging si Neil Arce lang ang binulyawan ako, binantaan ako at nanakit sa akin.”

SETTLEMENT. Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joey kung bukas ba siyang makipag-ayos kay Neil kung sakali.

Tugon niya, “Kung halimbawang makipag-ayos, wala namang problema, e. Tao lang tayo, puwede naman magpatawad.

“Pero siyempre, let’s take it one step at a time sa ngayon.

“Ang kailangan gawin ay idemanda siya, si Neil Arce, para mabigyan ng leksiyon yung ginawa niyang pananakit sa akin.”

Una munang tinawagan ng PEP ang manager ni Robin na si Betchay Vidanes para mahingan sana ng reaksiyon ang aktor, pero hindi ito sumasagot sa aming tawag.

Tinawagan na rin ng PEP ang handler ni Bela Padilla para mahingan ng reaksiyon ang Kapuso actress, pero tumanggi itong magpa-interview dahil wala naman daw siya nung nangyari ang naturang gulo.

Pagkalipas ng ilang oras, nag-text sa amin ang handler ni Bela na magpapa-interview na ang young actress bukas.


NEIL ARCE’S SIDE. Nakausap din ng PEP si Neil at maingat ito sa mga sagot niya dahil payo raw ng kanyang abugado ay huwag na munang magsalita.

Pagkatapos daw ng meeting sa kanyang abugado, magpapadala sila ng statement bilang sagot sa mga ibinibintang ni Joey.

Pero itinanggi ni Neil ang isyung pananakit o pambubugbog kasama ang dalawa pang inakusahan ni Joey.

Ang tanging nagawa raw ni Neil ay itinulak niya ito dahil ayaw raw lumabas ni Joey nang pinapaalis niya ito sa kanyang pamamahay.

Hindi raw niya kilala si Joey at wala raw siyang kaalam-alam tungkol sa mga isinulat ni Joey tungkol kay Bela tatlong taon na ang nakararaan, dahil hindi pa naman daw niya girlfriend noon ang aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon ay hindi raw muna niya sasagutin ang iba pang mga sinabi ni Joey dahil sasagutin naman daw niya ito sa tamang panahon at tamang lugar.

Sa tulong ng kanyang legal counsel, gumawa si Neil ng statement at ipinadala ito sa PEP.

Narito ang pahayag ni Neil:

“Last Friday, August 23, an unidentified person entered our family compound where my production team was shooting a film by misrepresenting himself to be a relative of Sen. Ping Lacson in order to gain access. He even went to the extent of giving a false name.

“Once inside the compound, this person eventually approached me and attempted to coerce me into paying him money or else he would publish a story maligning my girlfriend and her reputation.

"Considering that I was being blackmailed and this person was no longer welcome in my compound, I told him to flat out leave. He threatened me and said, ‘Sigurado ka? Editor ako ng Remate.’

“I said yes since I never tolerated extortion attempts. This person refused to leave and had to be forcibly escorted out of the shooting area. This person was able to enter our compound under false and fraudulent pretenses.

“Once he was asked to leave and he refused to do so, he was no longer welcome in our compound and we had the legal right to remove him from our property especially since he was extorting money from me.

“I am reserving my right to add to this statement and to file the appropriate criminal cases against this person for coercion, trespass to dwelling and threatening to publish libel.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN