PEP EXCLUSIVE Jennylyn Mercado denies asking Patrick Garcia for financial support: "Baka ako pa ang magbigay!"

Mariing pinabulaanan ni Jennylyn Mercado ang balitang humihingi siya ng P50,000 kada buwan bilang sustento mula kay Patrick Garcia, ang ama ng kanyang anak. Sabi ng actress-TV host: “Kailan ba ako nanghingi? Di ba, ever since I gave birth, lahat sa akin? I guess kaya ko naman. Bakit naman ako hihingi?”


Nag-react muli si Jennylyn Mercado sa nakarating na balita sa kanya tungkol sa diumano’y pagdi-demand niya ng P50,000 sa dating kasintahang si Patrick Garcia, bilang sustento sa kanilang anak na si Alex Jazz.

Ayaw na sanang patulan pa ni Jennylyn ang nasabing isyu para tumigil na ang usaping-pera sa pagitan nila ng Kapamilya actor, pero nagtaka ang Kapuso actress-TV host sa muling pagsulpot ng intriga.

“What? Bumabalik? Bakit?” nagtatakang reaksiyon ni Jennylyn sa eksklusibong panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa dressing room ng Sunday All Stars noong Linggo, August 25.

Mariin niyang sabi: “Walang gano’n. That’s a lie! Wala!”

Pinabulaanan din ni Jennylyn ang balitang hindi niya ipinapakita si Alex Jazz kay Patrick dahil sa kawalan nito ng financial support sa bata.

“Oy, grabe, ha! Kasinungalingan ‘yan, guys.

“Hindi naman sa nagmamayabang ako dahil ayoko namang…

“Kailan ba ako nanghingi? Di ba, ever since I gave birth, lahat, sa akin?

“I guess kaya ko naman. Bakit naman ako hihingi?”

Kalmado lang si Jennylyn sa statements niya. Marahil ayaw niyang masilipan ng isyu sa usaping pera sa pagitan nila ni Patrick.

"I CAN MANAGE..." Nag-uusap pa ba sila ni Patrick?

Tugon niya, “Okey naman kami. Okey naman.

“Hindi ko lang alam kung saan nanggaling ang mga ganyang isyu.

“Never naman… as in never akong nanghingi ng kahit isang kusing.

“Kasi I can manage naman… I can provide naman for my son.

“Kaya ko namang papag-aralin ang anak ko without anyone.

“I mean, kaya kong suportahan lahat. Hindi ko alam kung bakit may ganyan,” naiiling pang sabi niya.

Hindi ba kaya ni Patrick na suportahan ang anak nila?

“Hindi ko alam, hindi ko talaga alam. Kasi puwede akong mag-provide kahit kanino!” sagot ni Jennylyn na sinundan niya ng malakas na tawa.

Patuloy niya, habang nakangiti, “Kasi hindi naman… bakit ako hihingi?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


“Wala namang… kaya ko naman. Kaya naman ng family ko.

“I don’t think kailangan ko ‘yan, di ba? Alam n’yo naman, reality check. Hello?!”

Sinasabi ng ilan na hindi raw kasi regular ang income ni Patrick dahil madalang ang acting projects nito sa ABS-CBN.

Ang sagot dito ni Jennylyn: “Hindi naman. Hindi naman siguro. Ayokong mag-ganyan ng tao."

Depensa niya sa sarili, “Pero, para lang sa akin, I have to protect myself.

“Kasi, para sa akin, parang pangit naman yung humihingi ka, di ba?

“E, kung kaya mo namang suportahan, di ba, bakit kailangan pang humingi?

“Saka hindi ko kailangan ‘yan. Hindi naman sa pagmamayabang.”

TO EACH HIS OWN. Ano ang ibig sabihin niyang “okey” sila ni Patrick?

Sagot ni Jennylyn, “Okey kami na may kanya-kanya kaming buhay. Masaya kami sa mga ginagawa namin.

“Happy ako sa career ko, sa lovelife ko, sa pamilya ko, especially with my son.”

Pero hindi na sila nag-uusap?

Alumpihit si Jennylyn na sagutin ang tanong noong una, pero nagsalita rin siya.

“Wala, e. Alangan ako pa yung tumawag di ba?” tawa niya.

“Alangan naman na ako pa yung, ‘Hey, guys! Please pansinin ninyo [ang anak] ko!’ Ang hirap namang pumilit, di ba?”

Sa pagkakaalam ni Jennylyn, wala siyang natatanggap na tawag mula kay Patrick para sa kanilang anak.

Gusto pa sanang protektahan ng Kapuso star ang isyu sa kanila ni Patrick, pero inamin na rin niyang hindi nakikipagkita ang aktor sa kanilang anak.

“Kasi, di ba? Sa akin isinisisi kung bakit hindi ko raw ipinapakita, di ba?

“Guys, ang hirap naman na, ‘Sunduin mo yung anak mo dito.’ Or, ‘Saan ka? Puntahan kita para makita mo yung anak mo.’

“Hindi naman puwedeng ipilit yung anak mo, di ba?”

Dugtong pa niya, “Maka-receive man lang ako ng text na, ‘Hoy, pakita naman yung…’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala, e. Wala akong nare-receive na text or call... Paano?

“Ako, willing anytime. Anytime they want.”

Kahit walang financial support?

“Never naman akong humingi, e. Gaya nga ng sinasabi ko, ever since, wala akong hiningi.”

NO PROBLEM WITH PATRICK’S FAMILY. Ang inaasahan ba niya’y magkaroon ng koneksiyon si Patrick sa kanilang anak bilang ama nito?

Sagot ni Jennylyn, “Wala akong problema about it. Sila, baka sila ang may problema.

“I’m so happy. Masaya talaga ako. Wala akong problema.”

Nang mabanggit ng PEP kay Jennylyn ang pamilya ni Patrick, lalo na sa tanong kung nagri-reach out ang mga ito sa kanya para lang makita si Alex Jazz, panay ang iling ng aktres.

Paulit-ulit niyang sinasabi na wala siyang alam at wala siyang problema.

“Baka sila may problema. Hindi ko talaga alam. Basta ako, wala akong problema.

“Madali lang naman akong kausap.”

Ramdam namin ang pagkainis ni Jennylyn sa issue, pero gusto na lang niya itong itrato nang magaan.

“Nakakatawa yung issue, nakakaloka sila! Kaya hayaan na lang natin sila.”

Nagbiro na si Jennylyn at umaktong may kukunin sa kanyang bag para ipangalandakang hindi niya kailangang mag-demand ng financial support.

Tumawa na naman ito nang malakas nang ma-realize niyang baka ma-misinterpret siya sa kanyang gestures.

“Hindi kasi, parang ano, e… ano ba ito, pera-pera? Ang cheap talaga!” bulalas niya, habang patuloy na nangingiti at umiiling.

Ipinarating ng PEP kay Jennylyn ang titulo sa isang kolum sa isang pahayagan, na humihingi nga raw siya ng P50k na sustento kay Patrick para kay AJ.

Agad namang nag-react ang single mom at sinabing, “Ka-cheap-an ‘yan, ha! Baka ako pa ang magbigay!”

Nabalitaan na ba niyang tatay uli si Patrick nang magsilang ang kasintahan ng aktor ilang buwan na ang nakararaan?

Tugon ni Jennylyn, “Wala akong alam. Ako, okey lang.

“Basta, masaya ang magkabilang panig, okey ako… ako pa, ‘no!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(Bukas ang PEP sa panig ni Patrick at ng kanyang kampo kaugnay ng mga pahayag ni Jennylyn.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN