Lani Mercado says controversial statement about pork barrel taken out of context

“I would like to invite you to my district office and see what happens in the ground,” imbitasyon ni Cavite Representative Lani Mercado sa mga tumutuligsa sa kanya tungkol sa naging pahayag niya tungkol sa pork barrel.


“Taken at [sic] the wrong context.”

Ito ang depensa ng actress-politician na si Lani Mercado tungkol sa kontrobersiyal na pahayag niya tungkol sa mungkahing tanggalin na ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o mas kilala sa tawag na “pork barrel.”

Isang follower kasi ni Lani sa Twitter ang nagtanong kung totoo ang naging pahayag niya tungkol sa pork barrel nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media na bumista sa set ng teleserye niya sa GMA-7 na Mga Basang Sisiw.

Dito, tinanong siya kung pabor siyang alisin ang pork barrel.

Ang naging tugon ng Bacoor Representative: “Basta huwag lang manghihingi sa amin ang mga tao!”

Katuwiran pa niya, “E, anong ibibigay namin?

“Hindi naman puwede yung sa pinaghihirapan namin dahil sa personal naman namin yun, sa mga anak, sa mga pang-araw-araw na panggastos namin.

“Basta importante lang, may transparency.

“Basta ako, meron akong ulat sa bayan. Isinusulat ko dun yung mga ipinapagawa ko.

“Siyempre, hindi ko na ina-accounting kung magkano ang ibinigay ko sa patay. Nilalagay ko lang, financial assistance, then yung amount.

“Kapag tsinek naman ang record sa City Hall, alam naman, nandoon naman. Hindi naman ‘yan nalalagay sa maling pamamaraan.

“Kailangan lang talaga may transparency.”

Nailathala dito sa PEP ang nasabing panayam noong August 14.

(Read: Actress-politician Lani Mercado on proposal to scrap pork barrel: “Basta huwag lang manghihingi sa amin ang mga tao!”

(Podcast: Lani Mercado’s interview)

Sa kanyang bagong pahayag sa micro-blogging site na Twitter, sinabi ni Lani na kung mawawala ang pork barrel ay hindi na niya matutulungan ang 7,000 scholars sa kanilang lugar.

Kaugnay nito, isang follower ang nagsabi kay Lani na ang pagpapaaral ng mga scholar ay trabaho ng ahensiya ng gobyerno.

Sinagot naman ito ng actress-politician na kasama sa kanilang gawain ang magbigay ng social assistance.

PDAF-RELATED ASSITANCE ON RECORD. Samantala, sa kanyang Facebook account (https://www.facebook.com/conglani.mercadorevilla), sinabi ni Lani na lahat ng kanyang PDAF-funded projects ay nakalista sa Department of Budget and Management.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa niya sa isang comment: “Pls go to dbm website and check our allocations.ty.there you would know where I place taxpayers money.”

Inimbitahan pa ni Lani ang kanyang Twitter followers para makita ang nangyayari sa kanyang probinsiya.

Sa huling Twitter post niya tungkol sa isyu, muling sinabi ni Lani na taken "at the wrong context” ang kanyang naunang pahayag tungkol sa pork barrel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN