Raymond Gutierrez mulls over filing case over article linking him to Napoles family

Ikinokonsulta na raw ng TV host na si Raymond Gutierrez sa abugado ang pagkakaugnay ng pangalan niya sa anak ng tinaguriang "pork barrel scam queen" na si Janet Lim-Napoles.


Ikinukonsulta na raw ni Raymond Gutierrez sa isang abugado ang tungkol sa pag-uugnay ng kanyang pangalan sa mga Napoles.

Si Janet Lim-Napoles ang sinasabing utak sa diumano’y multi-billion pork-barrel scam na kinasasangkutan ng ilang senador at kongresista.

Last August 26, Lunes, nag-post ang bagong Kapatid star sa kanyang IG account ng litrato niya kasama ang mga kaibigan papunta sa Million People March sa Luneta.

Caption ni Raymond dito: “En route. #millionPeopleMarch @ilovegeorgina @ilovemartine @isabelledaza.”

Komento naman ng kanyang follower na si @ugat1006: “U know what I read an article about you having business connections with one of the sons of Napoles, together with [Bryan] Revilla and Borgy Manotoc? It was posted by someone at FB. Is this true? I think you have to clear this issue. If its true or not? Its for your own good.”

Si Bryan Revilla ay anak nina Senator Bong Revilla at Bacoor Representative Lani Mercado; si Borgy Manotoc ay anak ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos at apo ni Ilocos Norte Representative Imelda Marcos at ng yumaong President Ferdinand Marcos.

Sagot ni Raymond: “@ugat1006 yes I’m already consulting with a lawyer about that article. We met only twice through mutual friends but that planned business never materialized so I have no affiliation with them at this time. Thanks for the concern.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN