Ruru Madrid on being Daniel Padilla’s counterpart in GMA-7: "Ayoko munang makipag-compete."

Madalas daw marinig ni Ruru Madrid na maaari siyang ipantapat ng GMA-7 kay Daniel Padilla, na siyang nagungunang teen actor ngayon sa ABS-CBN. Sabi ni Ruru tungkol dito, “Siyempre natutuwa ako kasi ano, e, Daniel Padilla na yun, sikat, marami na siyang napatunayan. Kaya natutuwa po ako. Bilib ako sa kanya.”


Aware daw ang Kapuso young actor at Protégé runner-up na si Ruru Madrid na madalas daw siyang ikumpara sa hottest teen actor ng ABS-CBN na si Daniel Padilla.

Sinasabing siya raw ang puwedeng ipantapat ng GMA-7 kay Daniel lalo na’t pareho ang landas na tinatahak ng kanilang career—sa telebisyon, sa pelikula at maging sa recording.

Pero ayon kay Ruru, hindi naman daw siya nakikipagkumpitensiya.

“Marami nga pong nagsasabi sa akin like yung mga boss [sa GMA].

"Pero siyempre, para sa akin po, ayoko pong makipag-compete kasi parang siyempre ano ang iisipin ng ibang tao, ganun.

"Ang iniisip ko lagi, parang gusto kong makipag-compete sa sarili ko.

"Kunwari eto ako ngayon, tapos pataas ako nang pataas.

"So, feeling ko, ayoko munang makipag-compete.

“Pero sa sinasabi nila na puwedeng itapat siyempre natutuwa ako kasi ano, e, Daniel Padilla na yun, sikat, marami na siyang napatunayan.

"Kaya natutuwa po ako. Bilib ako sa kanya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ruru sa presscon ng pelikulang Bamboo Flowers, kung saan isa siya sa mga lead actor, noong Agosto 24 sa Annabel’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.



FIRST LEAD ROLE IN A MOVIE. Natutuwa lang si Ruru na sunud-sunod ang blessings na dumarating sa kanya. Pagkatapos ng mga proyekto sa telebisyon at maging introducing sa pelikulang My Lady Boss, ngayon ay isa na siya sa mga bida ng Bamboo Flowers, ang film entry ni Direk Maryo J. de los Reyes sa Sineng Pambansa National Film Festival All-Masters Edition.

Sabi ni Ruru, “Actually, second movie ko na po ito. Nandoon po ako sa My Lady Boss, kapatid po ako ni Ate Yan [Marian Rivera].

"Introducing po ako doon pero dito sa Bamboo Flowers, isa po ako sa mga lead."

Ano ang feeling na naunahan pa niyang maging bida sa pelikula ang Protégé winners na sina Jeric Gonzales at Thea Tolentino?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ng 15-year-old actor, “Natutuwa po ako, unang-una nagtiwala si Direk Maryo.

"Pangalawa, nabigyan ako ng project na ganito, wala pa akong one year sa showbiz.

"Tapos yung tungkol naman po sa winners, hindi naman po sila papabayaan ng GMA kasi sila yung winners, e.

"Si Jeric at si Thea naman po, bida sila sa Pyra. So, siguro po susunod na yung pelikula.”

Gumanap bilang nanay ni Ruru sa Bamboo Flowers si Irma Adlawan. Puring-puri nga niya ang award-winning actress.

“Sobrang galing kasi iba siya, e. Bilib talaga ako kasi may isang eksena siya na parang comedy pero naiiyak siya, ang galing kasi first time kong makakita ng ganun.

"Tapos tinutulungan niya ako. Kapag kaeksena ko siya, titig niya pa lang sa mata ko, nakakatulong na.

"Tinitingnan ko siya para ma-build up [ang emotion ko]. Natutunan ko rin po sa kanya yung pagiging natural po.”

Kasama rin sa cast ng Bamboo Flowers sina Max Collins, Orlando Sol, Yogo Singh, Mylene Dizon, Spanky Manikan, Gino Antonio, Leandro Baldemor, Diva Montelaba, Miggs Cuaderno, Barbara Miguel, Nafa Hilario-Cruz, Ashley Strom, Paul Holme, at Xyruz Cruz.

Co-produced ito ng Productions 56 Inc. at ng Film Development Council of the Philippines.

Magkakaroon ng premiere night ang Bamboo Flowers sa Setyembre 8 sa SM Megamall at mapapanood naman ito sa SM Cinemas nationwide sa Setyembre 11-17.

WILL ENTER RECORDING. Nakatakda rin daw pasukin ni Ruru ang pagre-record ng sarili niyang album. Nasimulan na nga raw niya ito sa pagkakaroon ng isang kanta na kabilang sa soundtrack ng Bamboo Flowers.

“Yung ’Maging Akin’ po. Original po yun kinompose po ni Sir RJ Jimenez.

"Si Direk Maryo po yung nagsabi na kumanta raw po ako ng isang kanta sa movie.

"Feeling ko po, aanuhin po ng GMA Records yun. Kinakausap po ni Direk Maryo sila Sir Joey Abacan at yung sa GMA Records. Sana po matuloy.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama ba talaga sa pangarap niya ang maging recording artist?

Ayon kay Ruru, “Hindi ko po ini-expect.

"Dati po hindi ko talaga hilig ang kumanta. Pero noong nag-Protégé po ako, doon ko na-discover na gusto kong kumanta pala.”



NEW TV SHOWS. Matapos ang Paroa: Ang Kuwento ni Mariposa at guestings sa Maynila, magiging parte naman siya ng cast ng upcoming drama series na Dormitoryo.

Sabi ni Ruru, “Ang role ko daw doon yung mabait. Mag-storycon pa lang po kami e.”

Sino naman ang magiging love interest niya rito?

“Baka si Joyce Ching po. Actually, nagkasama na kami ni Joyce, ka-loveteam ko siya sa indie film na Above The Clouds.”

May isa pa raw siyang teleserye, ang Akin Pa Rin Ang Bukas, kasama sina Lovi Poe, Rocco Nacino, Charee Pineda, Solenn Heussaff, at Cesar Montano.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN