Janet Napoles surrenders to PNoy

Ang anunsiyo ni PNoy tungkol sa P10-million reward ang isa raw sa nag-udyok kay Janet Napoles para sumuko, ayon kay Atty. Lorna Kapunan, legal counsel ng fugitive.


Sumuko kagabi, August 28, kay President Benigno "Noynoy" Aquino si Janet Lim-Napoles, ilang oras matapos ipahayag ng Pangulo ang P10 million na pabuya sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan ng businesswoman.

Pinaghahanap ng batas si Napoles dahil sa charge na serious illegal detention at sa pagkakasangkot niya sa P10-billion pork barrel scam.

Ang Malacañang Palace ang nagkumpirma ng pagsuko ni Napoles kay PNoy sa pamamagitan ng official statement na inilabas ng palasyo:

“ At 9:37 pm on August 28, Janet Napoles surrendered to President Aquino. Napoles is wanted on charges of serious illegal detention arising from the alleged kidnapping of Benhur Luy.

“The President turned her over to the custody of Interior and Local Government Secretary Mar Roxas and Philippine National Police Director-General Allan Purisima for processing and booking."

Hindi sinabi ng Malacañang ang lugar na pinagdalhan kay Napoles pagkatapos ng pagsuko nito kay PNoy, pero nakabantay ngayon sa Camp Crame ang mga reporter ng TV networks dahil sa balitang naroroon ang kontrobersiyal na businesswoman.

Sa report ng dZMM, kumpirmadong nasa loob ng Camp Crame si Napoles, kasama ang kanyang pamilya, kaya hinigpitan ang seguridad sa kampo.

Ayon sa legal counsel ni Napoles na si Atty. Lorna Kapunan, hiningi ng pamilya ng kanyang kliyente ang opinyon nito bago sumuko.

At ang payo ng abugado ay sumuko ito sa isang taong mapagkakatiwalaan nila, at sinabi rin nitong walang ibang tao iyon kundi si PNoy.

Idinagdag ni Kapunan na nagpasya si Napoles na sumuko dahil natakot ito para sa kanyang buhay nang sabihin ni PNoy na magbibigay ang pamahalaan ng P10-million reward para sa makakapagturo sa kinaroroonan niya.

REACTION OF CELEBS. Samantala, mabilis na nag-react ang mga showbiz personalities tungkol sa pagsuko ni Napoles ngayong gabi.

“How did she surrender to PNoy? Anybody know details?” ang tanong ni Jim Paredes.

Ang reaction ni DJ Mo Twister, na updated sa mga nangyayari sa Pilipinas kahit nasa ibang bansa ito: “Surrendered to the President. I guess the need to grab the spotlight & take credit runs in the family. Predicting big Kris showbiz issue soon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagtanong naman si Luis Manzano kay Ces Drilon ng update tungkol kay Napoles.

At ang magkaparehong tanong nina Bela Padilla at Angelu de Leon: “Sino ang makakakuha ng P10-million reward, si Napoles rin ba?”

Ang mga reaksiyon ng mga showbiz personality tungkol sa pagsuko ni Napoles ay pagpapatunay na interesado ang mga ito sa mga kaganapan sa pamahalaan at sa bansa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN