Heart Evangelista on reconciliation with her dad: "At peace na ako ngayon."

Hangga’t maaari raw sana ay ayaw nang pag-usapan pa ni Heart Evangelista ang pagbabati nila ng kanyang ama na si Rey Ongpauco. Pero aminado ang aktres na kakaibang kaligayahan ang naramdaman niya ngayong maayos na muli ang kanilang relasyon.


Kung si Heart Evangelista ang masusunod, mas gusto sana niyang tahimik na lang at hindi na kailangang pag-usapan pa o gawing isyu ang pag-aayos nila ng kanyang ama na si Reynaldo Ongpauco.

Hindi lang maiwasan dahil sa ipinost ng Kapuso actress sa kanyang Instagram account ang pagkikita nila ng kanyang ama nung kaarawan nito.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Heart sa story conference ng bagong afternoon drama series niya sa GMA-7, ang Magkano Ba Ang Pag-ibig, kahapon, August 28.

Naikuwento niya na masayang-masaya ang kanyang ama nang magkita silang dalawa.

“Birthday niya yun, e,” simula ng aktres.

“Yung saya niya, hindi mo mabibili yun talaga.

"Hindi mo mabibili ang pagmamahal ng isang tatay… yung feeling na…

"Daddy’s girl ako, e.”

Sa ngayon ay masasabi ni Heart na okay na sila ng kanyang ama, at wala na raw silang problema.

“We’re good, we’re very okay.

"It’s just the reason why that’s something that I tried to… parang hindi ko masyadong pinag-uusapan kasi ayaw kong ma-question yung sincerity ko tungkol sa isyu.

“Kung dati napaka-public niya, na lumabas ako sa TV, ganito-ganyan, na marami akong sinabi...

"I wanna do the opposite about it and brag na okay na or something.

"Ayoko na kasing lagyan ng malisya ng ibang tao.

"Basta para sa akin, at peace na ako ngayon at okay na okay ako ngayon.”

Dagdag pa ng Kapuso actress, “Ibibigay ko sa daddy ko yung privacy na yun. To begin with, he is a private person.

“Ang dami lang talagang naganap nung mga times na yun kaya nakaka-heartbreak din yung mga nangyari, that’s why ito ang gusto kong ibalik.”

WHAT ABOUT HER MOM? Malinaw ang sagot ni Heart tungkol sa kanyang ama na nagkaayos na sila, ngunit taliwas ito pagdating sa kanyang ina na si Cecile Ongpauco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Heart, “I guess ano, there’s something that you have to give more time. It’s better that way.

"Ang daddy ko naman kasi super-duper close naman kami, on a different level kami nun, e.

“But everything naman falls into place,” saad nito.

Tinanong uli ng PEP kung okay na rin ba sila ng kanyang ina.

“Oo,” nakangiting tugon niya.

Kasama ba ni Heart ang kasintahan niyang si Senator Chiz Escudero nang nagkita sila ng kanyang ama?

Aniya, “I don’t want to involve kasi anymore my lovelife.

"Ayoko na talaga. Hiwalay na talaga yun.

“Ayoko nang ipagsama, basta kung ano man, sino man, hiwalay na yun.

“Yun na lang siguro the best way of maneuvering around it.”

Dagdag pa ni Heart, nagkakaintindihan na sila ng kanyang ama.

DOGS AND SLIPPERS. Natatawa na halatang naiinis din si Heart sa ilang malisyosong intrigang ikinakabit sa kanya, dahil lang sa mga ipinu-post nito sa kanyang Instagram account.

Ginawan ng intriga ng isang blogger ang pag-post ni Heart ng litrato ng kanyang aso na may dalawang pares ng tsinelas.

Inintrigang tsinelas nila iyon ni Chiz na parang pinapalabas na nagli-live in na sila.

Sabi ni Heart tungkol dito, “Oo nga, e, narinig ko yun, e.

“Actually, ang pinipiktyuran ko dun, yung aso ko, and then parang magandang tingnan lang sa frame yung mga tsinelas.

"But I think it’s ridiculous that, you know, that these people could come up with these things.

“Again, I’m very open about my private life.

"I may not be so open, like, na nilalantad ko siya because you know again the reason why I admit or I don’t lie about things, but I also respect the privacy of Chiz.

"Kasi siyempre isa siyang respectable person and nada-drag in siya sa pagiging artista ko.

"So, parang we’re starting to have our own thing when it comes to our careers tapos may mga ganyan na lumalabas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I don’t feel anything about it because ganun talaga, e. Pag nasa showbiz ka, every little thing iniintriga.

“May suot ka lang na singsing, wedding ring na. Nagpa-autograph ka lang sa Sonya’s Garden, nagpakasal.

"So, it doesn’t really mean anything to me. I’m not bothered at all.”

PAINTING. Sa ngayon ay masasabing masayang-masaya na si Heart sa magandang takbo ng kanyang buhay pati na ang career niya.

Wala siyang manager at siya ang nagdedesisyon para sa kanyang career pero. Kung magkamali man daw siya, wala siyang ibang sisisihin.

Ang isa pang nagpapasaya kay Heart ngayon ay ang pagkahilig niya sa pagpinta.

Pati nga raw si Chiz ay nakahiligan na rin ito at minsan ay sinasabayan daw siya sa pagpinta.

Kuwento ng aktres, “Habang naghihintay siya… before nagbabasa siya ng kung anu-ano sa office.

"Pag kunwari tapos na siya sa trabaho niya, kukuha na siya ng canvass at magpi-paint na rin siya.

"Meron siyang sariling style.”

Panay rin ang post ni Heart sa kanyang Instagram account ng mga naipinta niya, at nakikita naman daw sa mga huli niyang gawa na masayang-masaya siya sa kanyang buhay.

“That’s also a side of me that nobody has seen.

“Usually, I’m very private about my paintings kasi, kumbaga, parang you say everything in your painting, e. Everything that you feel inside…even without explaining.

"So, for me, it’s a huge thing to show that.”

Kaya raw ipinu-post na ni Heart ang kanyang mga painting ngayon dahil pinag-iisipan na niyang magkaroon ng sariling exhibit kapag tingin niya ay puwede na at marami na siyang nakolekta.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN