Secretary Lacierda on wild rumors about Janet Napoles’s cosmetic surgery: "Hindi pa naman siya kamukha ni Atty. Kapunan!"

Sa press conference na ginanap sa Malacañang Palace ay inilahad ni Secretary Edwin Lacierda ang mga kaganapan sa likod ng pagsuko ni Janet Lim Napoles kagabi, August 28.


Ngayong umaga, August 29, ang umpisa ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committe tungkol sa pork-barrel scam na kinasasangkutan diumano ng ilang mambabatas.

Dumalo sa hearing si Senator Jinggoy Estrada, isa sa mga senador na isinasangkot sa kontrobersiya.

Hindi naman nagpakita si Senator Bong Revilla Jr., na naglabas kahapon ng statement na hindi dadalo sa pagdinig sa pork-barrel scandal dahil hindi siya miyembro ng Senate Blue Ribbon Committee.

Nadadamay rin ang pangalan ni Senator Bong sa pork-barrel scandal at, ayon sa kanya, buo ang suporta niya sa magaganap na inquiry.

“Naniniwala ako na sa isang patas at objective na pagsusuri sa kontrobersiya ay lalabas ang katotohanan. Those truly responsible should be held accountable and punished,” sabi ng actor-politician.

NAPOLES SURRENDERS TO PNOY. Kasabay ng Senate Blue Ribbon Committee inquiry ang press conference sa Malacañang Palace ni Secretary Edwin Lacierda, ang spokesperson ni President Noynoy Aquino.

Ikinuwento ni Secretary Lacierda ang involvement niya sa pagsuko kagabi, August 28, ni Janet Lim-Napoles—ang sinasabing utak sa multibillion pork-barrel scam.

Ayon kay Lacierda, siya ang unang nagkaroon ng komunikasyon kay Atty. Lorna Kapunan, ang legal counsel ni Napoles.

Tinawagan daw niya si Atty. Kapunan dahil nakarating sa kanya ang balita tungkol sa plano ni Napoles na sumuko.

Nilinaw ni Lacierda na matagal na silang magkakilala ni Kapunan dahil nagkasama sila sa isang law firm noong 1989.

Kasama ni Lacierda ang asawa ni Janet na si Jimmy Napoles nang pumunta sila kagabi (8:08 p.m.) sa Heritage Park dahil dito nakipagkita ang businesswoman na ilang araw nang tinutugis ng batas.

Malapit sa puso ni Janet at ang kanyang pamilya ang Heritage Park dahil dito nakahimlay ang kanyang mga magulang. Taun-taon, may pagtitipon, misa, at salu-salo na nagaganap sa libingan ng mga magulang ni Janet tuwing birthday at death anniversary nila.

Mula sa Heritage Park, tumuloy si Lacierda at ang Napoles couple sa Malacañang Palace para sa boluntaryong pagsuko ni Janet kay PNoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi ni Lacierda na ipinarating sa kanya ni Kapunan na may pagbabanta sa buhay ni Janet, kaya pinili nito na sumuko kay PNoy dahil ito lamang ang kanyang pinagkakatiwalaan.

Mula sa Malacañang Palace, nagpunta sa Camp Crame ang grupo ni Napoles, kasama sina PNoy at Lacierda dahil, sa katuwiran ng Pangulo, damay-damay na sila sa pagpupuyat.

Iginiit ni Lacierda na hindi binigyan ng VIP treatment si Napoles nang sumuko ito kay PNoy.

NO COSMETIC SURGERY. “Hindi pa naman siya kamukha ni Atty. Kapunan!" ang natatawang sagot ni Lacierda nang tanungin ito tungkol sa isyung nagpabago raw ng mukha si Napoles para hindi ito makilala ng mga tumutugis sa kanya.

May koneksiyon ang reaksiyon ni Lacierda sa wild rumors na nagpabago ng mukha si Napoles at kamukha na ito ng kanyang legal counsel.

Pareho pa rin ang hitsura ni Napoles sa mga litrato na lumabas sa mga pahayagan at telebisyon.

Idinagdag ni Lacierda na dahil sa voluntary surrender ni Napoles, walang makikinabang sa sampung milyong piso (P10,000,000.00) na pabuya ni PNoy sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan ng kontrobersiyal na businesswoman.

Ginawa kahapon ni PNoy ang announcement tungkol sa P10- million bounty, na isa sa mga dahilan ng kusang pagsuko ni Napoles.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN