Rayver Cruz on Cristine-Derek relationship: "Wala namang masama dun, basta wala ka lang tinatapakan at sinasagasaan."

Wala raw kaso kay Rayver Cruz kung sakali ngang sina Cristine Reyes at Derek Ramsay na. Saad ni Rayver, "Alam ko na magkaibigan sila, pero if ever na mag-end up sila together, bakit naman hindi? Derek is a decent guy, mabait siyang tao, alam kong maaalagaan niya si AA [palayaw ni Cristine]. Mahirap ikontrol, mahirap pigilan sa mundo natin kasi napakaliit ng mundo natin."


Ngayong kumpirmado na ang relasyon nina Cristine Reyes at Derek Ramsay, nabuksan muli ang isyung ang aktor daw ang dahilan ng breakup ng aktres sa dati nitong boyfriend na si Rayver Cruz.

Ngunit mariin itong pinabulaanan ni Rayver nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng primetime series ng ABS-CBN na Bukas Na Lang Kita Mamahalin kagabi, August 28, sa Dolphy Theater.

Giit ng young actor, “Wala, walang third party.

"Kung may third party, I’m sure hindi kami ganito. Hindi kami magpapansinan, magde-deadmahan kami.”

Magkasama sina Rayver at Cristine sa Bukas Na Lang Kita Mamahalin at nananatili rin silang magkaibigan.

NO PROBLEM. Wala rin daw problema kay Rayver kung totoo ngang sina Cristine at Derek na ngayon.

Sabi niya, “Hindi naman, wala.

"Yun ang one thing na okay sa akin, hindi ako seloso.

"And si Derek, kahit ako... kaibigan ko si Derek.

"Kami pa ni Cristine, talagang tumatambay kami... sila pa ni Angelica [Panganiban] nun.

"Kasama ko nga si Derek sa Hero’s Balll sa event ni Gerald [Anderson]... walang kaso sa akin.

“Oo, nakikita ko sa Instagram.

"Alam ko na magkaibigan sila, pero if ever na mag-end up sila together, bakit naman hindi?

"Derek is a decent guy, mabait siyang tao, alam kong maaalagaan niya si AA [palayaw ni Cristine].

"Mahirap ikontrol, mahirap pigilan sa mundo natin kasi napakaliit ng mundo natin.

"Kahit naman ako, hindi ko mapipigilan na magkagusto sa isang kaibigan.

"Wala namang masama dun, basta wala ka lang tinatapakan at sinasagasaan."



STILL FRIENDS. Sinabi ni Rayver na hindi sila nagkaroon ng ilangan ni Cristine, kahit minsan, nang mag-break na sila.

Saad niya, “Never, never... yun ang okay sa aming dalawa ni AA.

"Kaibigan ko siya, alam niya ang lahat-lahat sa akin, alam ko ang lahat sa kanya.

"Hindi lang kami, pero ganun pa rin kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi na love, pero yung friendship, yung pagiging magkaibigan, nandun, comfortable ako sa kanya.

"Natutuwa nga ako, yung iba nga nagtatanong, ’Paano ninyo ginawa yun? Hiwalay na kayo, pero kaya ninyong magkita on- and off-cam nang maayos?’

"Wala, siguro maayos yung breakup and nag-start kami as friends and we stay as friends."

IMEE HART. Kinmusta rin ng PEP kay Rayver ang lovelife niya.

Sagot niya, “Right now, I’m going out, pero with friends.

"Hindi ko masasabing I’m dating kasi hindi pa rin ako nasa stage na gusto kong manligaw.

"Nag-e-enjoy ako na single ako, na tuluy-tuloy ang blessings, nakaka-focus ako sa trabaho ko. Happy muna ako na ganito.”

Muli ring nilinaw ni Rayver ang pagkaka-link niya sa TV host at former Binibining Pilipinas candidate na si Imee Hart.

Saad niya, “Matagal ko na siyang hindi nakakausap.

"Naging magkaibigan kami through Diane [Medina, Rodjun Cruz’s girlfriend]... TV5 sila, di ba?

"Dalawang beses kaming lumabas with friends, kasama sila Diane, pero matagal ko na siyang hindi nakakasama.

"Wala talaga, walang something or anything, hindi ko siya girlfriend.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN