Cristine Reyes neither confirms nor denies relationship with Derek Ramsay

Iwas magbigay ng kumpirmasyon si Cristine Reyes sa tanong kung sila na nga ba ni Derek Ramsay. Paliwanag ng sexy actress, “Puwedeng bigyan n’yo muna ako ng time dahil hindi ko pa alam kung paano ko sasagutin iyan sa ngayon? Dahil ang gusto ko, pag magsasalita ako, yung sigurado na. Sasabihin n’yo friends tapos malaman n’yo ano na pala.”


Hindi naman nag-walkout pero mas pinili ni Cristine Reyes na magpaalam na lang sa mga nag-i-interview sa kanyang miyembro ng press kasama na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) para iwasan na lang ang sunud-sunod na tanong sa kanya tungkol sa kanila ni Derek Ramsay.

Naganap ang interview pagkatapos ng grand presscon ng bagong primetime teleserye ng ABS-CBN, ang Bukas Na Lang Kita Mamahalin, kagabi, Agosto 28, sa Dolphy Theater.

Nagsimula kasi ang pagtatanong kay Cristine tungkol sa lovelife niya nang kumustahin ito ng press.

“Ganun pa rin. Single pa rin ako. I don’t know… ano ba ang isasagot?” natatawa pero tila nalilitong sabi ni Cristine.

Pero pagkatapos ay binawi niya ito at sinabing, “Nagsisinungaling lang ako.” At muli lang siyang natawa.

Noong mga nakaraang linggo ay naisyu si Cristine sa isang gym instructor, pero mariin niya itong pinabulaanan.

“Oh, my God, kilala ko yung sinasabi mo! Hindi ko siya ka-chenes… hindi talaga,” giit ng Kapamilya actress.

IN A RELATIONSHIP WITH DEREK? Kumusta naman sila ni Derek na ilang beses nang nabalitang namataan silang magkasama at lumalabas?

“Yeah, lumalabas kami,” pagkumpirma ni Cristine.

Bakit pagkatapos mabalita iyon ay bigla ring nawala?

Sagot ni Cristine, “Hindi naman nawala, e. Parang consistent pa rin talaga ever since, hindi nawala.”

Hindi pa rin ba nagle-level up ang relasyon nila ni Derek mula sa pagiging magkaibigan?

“Puwede huwag na lang magsalita?” iwas niya.

Sila na ba talaga?

“Puwedeng bigyan n’yo muna ako ng time dahil hindi ko pa alam kung paano ko sasagutin iyan sa ngayon?” sabi niya.

Bakit?

“Dahil ang gusto ko, pag magsasalita ako, yung sigurado na. Sasabihin n’yo friends tapos malaman n’yo ano na pala.”

Pero nanliligaw ba si Derek sa kanya?

“Hindi ko talaga alam kung paano iyan sasagutin sa ngayon. I swear hindi ko pa talaga alam,” sabi ni Cristine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit hindi niya maamin kung sila na kung totoo namang sila na?

Paliwanag ng aktres, “Gusto ko kasi if ever man na may sasabihin ako, alam n’yo yun, lalo na on cam, ano yung sigurado na.”

TOGETHER IN HELPING TYPHOON VICTIMS. Hindi naman ipinagkaila ni Cristine na sinamahan niya si Derek nang yayain siya nito na tumulong sa mga taga-Pateros na nasalanta ng nakaraang Bagyong Maring at habagat.

“Yes, oo, niyaya niya ako. Kinontak niya ako, tapos sabi niya, ‘Gusto mo ba na tumulong sa mga taga-Pateros dahil marami ang nabaha, marami ang nasa evacuation?’

"Talagang go, sama ako sa iyo. Namili kami sa isang supermarket sa Alabang.”

Naghati na lang daw sila sa gastos, ani Cristine.

WHAT DOES SHE LIKE ABOUT DEREK. Ano ang mga katangian na nagustuhan niya kay Derek?

Sabi ni Cristine, “Pareho kaming baliw. Pareho kaming outgoing. Yung pagiging family man, yun ang pinakagusto ko sa kanya.”

Nakilala na ba niya ang parents ni Derek?

“Oo, nakilala ko na, matagal na.

"Nung time na in-award-an kami ng Box-Office King and Queen, kasama niya yung parents niya. Yun, na-meet ko na.

"And na-meet ko rin sila noong birthday niya last year. So, ilang beses ko nang na-meet.”

Alam din daw ni Cristine ang isyu na nali-link si Derek sa iba’t ibang babae.

“Oo, alam ko lahat iyon. Kasi hindi naman kami nagtatago sa isa’t isa, e.”

Diumano’y mas madalas pa raw silang lumabas ni Derek kaysa sa frisbee player na si Alexa Amos, na nabalitang idine-date noon ni Derek.

“Talaga?” patanong na sabi ng aktres.

Lagi nga silang nagdi-dinner ni Derek, di ba?

“Ilang beses naman talaga kaming nagdi-dinner ni Derek. Hindi lang dinner, lunch.

"Minsan niyayaya niya pa ako pag naggu-golf siya. Matagal na yun.”

Gaano katagal na ba silang magkaibigan ni Derek?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Super tagal na. Since No Other Woman, naging magkaibigan na kami.”

Ang No Other Woman ang blockbuster hit movie nila ni Derek with Anne Curtis noong 2011. Dahil sa tagumpay nito sa takilya ay pinarangalan silang tatlo bilang Box-Office King and Queens.

RAYVER CRUZ. Naungkat din kung totoo bang pinagselosan si Derek ng dating boyfriend ni Cristine na si Rayver Cruz noong sila pa ng huli.

Magkasama sina Cristine at Rayver ngayon sa Bukas Na Lang Kita Mamahalin.

Pero tila nailang si Cristine na sagutin ang isyung ito dahil halos magkatalikuran lang silang ini-interview ng press.

“Oy, grabe kayo, nandiyan lang siya [Rayver]!” bulalas ng StarStruck alumna.

Awkward ba?

“Awkward kasi, di ba?”

Pagkatapos nito ay bigla nang nagpaalam si Cristine.

“Sige na po, bye. Okay na, bye. Magagalit ba kayo pag umalis ako?” tanong pa niya.

Dahil nga rito ay hinayaan na siya ng mga press na umalis. Pero masaya naman ang pagpapaalam niya at natawa na lang ang press.

WHAT DEREK SAYS. Sa interview kay Cristine ay biniro siya ng press na tatawagan na lang nila si Derek para kumpirmahin kung sila na ba talaga. Tipong phone-patch interview ang mangyayari.

“Woooh!” ang tanging reaksiyon ni Cristine.

Wala namang tumawag kay Derek ng oras na iyon. Pero isang staff ng PEP ang nag-text kay Derek ng: “Is it true, you and Cristine are already an item?”

Ang sagot ni Derek, “Yes, it is!”

Abangan dito sa PEP ang kabuuang interview kay Derek.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN