Claudine Barretto files violation of R.A. 9262 against husband Raymart Santiago

Sinamahan si Claudine Barretto ng kanyang mga magulang na sina Miguel at Inday Barretto nang magsampa ang aktres ng kaso laban sa kanyang asawa na si Raymart Santiago dahil sa paglabag diumano nito sa R.A. 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act.


Nagsampa ng kasong paglabag sa R.A. 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act si Claudine Barretto laban sa asawang Raymart Santiago.

Isinampa ng aktres ang kaso kaninang umaga, August 29, sa tanggapan ni Deputy City Prosecutor Linda Adame-Conos ng Marikina Regional Trial Court.

Sinamahan si Claudine ng kanyang magulang na sina Miguel at Estrella "Inday" Barretto, ng kapatid na si Mitchie, at ng legal counsel niyang si Atty. Ferdie Topacio.

Suportado rin si Claudine ng women’s group na Gabriela na ni-represent ng secretary general na si Jovita Montes.

May ilang fans din ang aktres na naghintay sa labas ng Marikina Hall of Justice.

Ang legal counsel ng Gabriela na si Atty. Junelet Mataro ang abugado ni Claudine sa kasong ito na isinampa niya laban sa kanyang asawa.

CLAUDINE’S PARENTS. Bago isinumite at sinumpaan ng aktres ang kanyang affidavit, sandaling nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Claudine at ang mga magulang nito.

Sabi ni Claudine patungkol sa kanyang mga magulang, “Hindi na dapat nila napapagdaanan ang ganito.

"Nahihiya ako na kailangan pa nila pagdaanan yung mapasok sa ganitong sitwasyon.”

Paulit-ulit na humingi ng paumanhin si Claudine sa kanyang magulang dahil nadadamay raw ang mga ito sa gulo nilang mag-asawa.

Pero sinasagot naman ito ni Inday ng: “It’s okay. Ako pa!”

Yumakap si Claudine sa kanyang ama at paulit-ulit itong sinasabihan ni Mr. Barretto ng: “Be strong.”

Pahayag pa ng ama ni Claudine, “We’re just here to support her.

“We’re trying to be strong, but we’re here for Claudine all the way against everyone.

“After what’s happening to my daughter, my God, any husband that battered the wife, I’m against it."

Sabi pa ni Mr. Barretto, in God’s time daw ay maaayos itong lahat at malalagpasan ito ng kanyang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Halatang galit naman si Inday base sa mga pahayag nito laban kay Raymart at pati na rin sa isa pa niyang anak na si Gretchen Barretto, na nagpu-post ng mensahe sa Twitter patungkol kay Claudine.

Hindi raw nagsusumbong sa kanila noon si Claudine, pero nakikita naman daw niya ito sa kanyang bunsong anak.

Sabi ni Inday, “Witness ako ng maraming pinagdaanan niya. I just kept quiet for her to learn how to defend herself and to fight for herself.

“I’m all for this. I’m all for everything that she’s doing.

“I want her to come out of this whole and clean and for other women na never again should be intimidated by anyone, especially by the people who are supposed to protect them, not to attack them.”

Sinubukan ng PEP kunan ng mensahe si Inday na gusto niyang iparating kay Raymart, pero wala raw siyang masasabi.

Naniniwala raw siyang kung walang magandang sasabihin ay mabuting manahimik na lamang.

"THE DEVIL." Doon na rin namin isiningit ang tanong kay Inday kung ano ang reaksiyon niya sa nai-post ni Gretchen sa kanyang Twitter account na mas nararapat daw kay Raymart ang custody ng mga anak nila ni Claudine.

Malaman ang sagot ni Inday tungkol dito.

Aniya, “I don’t think she’s a good judge of that, because she’s malicious, e, and evil.

“I take offense because there’s gag order and we don’t talk, and may pasaring-saring sila, that camp, including my… whoever she is—the devil.

"She says na we have history of making up stories, that’s not true.

“Everyone has a time when they have to lie to protect, and they have to make up stories to protect. But it doesn’t mean that everything that you say is a lie including the truth.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi the truth coming from a foul mouth becomes a bad breath.”

Binalikan uli namin ng tanong si Mr. Barretto kung ano ang nararamdaman nito na bukod sa mga pinagdadaanan ni Claudine, mayroon pa silang hinaharap na sigalot kay Gretchen at iba pa niyang mga anak.

Sagot ng Barretto patriarch, “Masakit talaga, masakit. Because out of seven, we had some several bad apples, you know.

“I don’t want to destroy them further but… very hard to talk.”

Bukod kay Gretchen, may iringan din sa pagitan ni Claudine at ng iba pang mga kapatid nito na sina Jayjay at Marjorie Barretto.

Umaasa ba si Mr. Barretto na magkakaayos pa ang kanilang pamilya at ang ending ay magkakasundo rin silang lahat?

“Palagay ko mahirap na, e,” alanganing sagot nito.

Pagkatapos nito ay nakiusap na si Claudine na huwag nang ituloy ang ano pang susunod naming tanong sa kanyang mga magulang.

“Can you please spare my parents na lang, if that’s okay,” umiiyak niyang pakiusap.

CLAUDINE’S STATEMENT. Pagkatapos sinumpaan ni Claudine ang kanyang affidavit, tumuloy sila kasama ang grupo ng Gabriela sa Café Lidia’s, doon pa rin sa Marikina, para sa maikling press conference.

Doon binasa ni Claudine ang kanyang statement kaugnay sa kasong isinampa niya laban kay Raymart.

Narito ang kabuuan ng statement ng aktres:

“My life with Rozelle Raymond Martin Santiago [Raymart’s real name] was a vicious cycle of violence, abuse, battery, and exploitation.

"During the years that I have been with him, I have been in a constant fearful state of mind because I was cyclically abused and controlled over a period of time.

“Notwithstanding all my horrendous experiences in the hands of my husband, today, I am breaking my silence.

"I have decided to stop and end the abuse and violence and make my husband criminally and civilly liable for all his actions.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Fortunately, we have Republic Act 9262 or the Anti-VAWC law under which I took refuge.

“Abuse transcends all economic, educational, and social borders. Even I, a celebrity who almost have everything, was still physically, sexually, psychologically, and economically abused by my husband.

"I took the big step of stopping and ending the abuses of my husband by filing a criminal complaint against him.

“To all the women out there who suffered my plight, or are still suffering the said plight, I encourage you to break your silence and stop the abuse.

"End the violence. Our children need us.”

RAYMART’S ALLEGED ABUSES. Hindi pumayag ni Claudine na magbigay ng kopya ng affidavit na isinumite niya sa piskalya, kaya ipinaliwanag ni Atty. Junelet Mataro ang sinasabi nilang abuses na ginawa diumano ni Raymart sa kanyang asawa.

Ayon kay Atty. Mataro, “The physical abuses, we have pictures, medical certificates to prove the physical violence inflicted upon her by Raymart.

“We also have pictures of the wounds of Claudine.

“We also have bank statements regarding the economic abuse that Raymart has inflicted upon her.

“We also have affidavits from the members of her family for the psychological abuse, because Claudine has said that she has been socially alienated by Raymart.

“He socially crippled Claudine of the support of her family and friends, but as you can see, the members of her family are here.

"They are supporting Claudine, and they have now realized that they were fooled by Raymart into believing some of the things that he has been mentioning against Claudine.

“The sexual abuse, of course, she cannot divulge some of the information about it."

Lahat na mga litratong binanggit ni Atty. Mataro ay ipinakita nito sa media.

Ayon kay Claudine, mula pa raw nung taong 2002 ay nakakatanggap na siya ng mga pang-aabuso mula sa kanyang asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag na paliwanag ni Atty. Mataro, “We have complaint acts from 2005 until 2013. She has been experiencing so many abuses from Raymart since they were married.”

Ayon kay Claudine, hindi madali sa kanya na pagsampa ng kaso laban sa asawa.

Saad ng aktres, “Hindi madali ang mga pinagdadaanan ko bilang alam naman ng tao na kilala po ako sa pagiging medyo matapang at palaban.

"Meron din ho akong mga kahinaan and meron din ho akong mga taong pinuprotektahan at unang-una siyempre ang asawa ko at ang pamilya ko, ang dalawang anak ko.

“Nung una TPO [Temporary Protection Order], and then na-habeas corpus niya kami.

"Nung una kasi denial pa, e, iniisip ko baka ako naman ang may kasalanan, baka ako ang may problema."

Umiyak na si Claudine nang magpatuloy siyang magsalita.

“Kinakailangan kong magpa-process sa mga psychologist, sa Gabriela, kung meron ho ba akong ‘battered woman syndrome.’

“Iniisip ko rin na balang araw, makikita ‘to ang mga anak ko, and ayokong sirain ang pangalan ng asawa ko nun. Yun ang unang-unang pinuprotektahan ko.

"Kaya lang, nakikita ko rin na ang pagkatao ko na ang sinisira. Nawalan na ako ng self-esteem, ng self-worth.

"Hindi na ako napuprotektahan, hanggang sa dumating yung panahon na hindi lang ako kundi ang mga anak ko, hindi na napuprotektahan."

Umiiyak pa ring sabi niya, “Hindi lang naman ito ang napagdaanan ko, e, kundi ang mental torture din.

"Ayoko lang mapagdaanan ng mga anak ko yun.

“Kung natagalan man, it’s because gusto ko yung buung-buo ang salaysay ko.

"Gusto kong siguraduhin na pumasok ako sa laban, papanalunin ko ‘to."

CREDIBILITY. Sinagot din ni Claudine ang pagdududa ng ilan sa mga sinasabi niya dahil mayroong naniniwala at kumakampi kay Raymart, at kinuwestiyon din ang kredibilidad ng aktres dahil na rin sa pagkasangkot niya sa iba’t ibang gulo at isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Claudine, “It’s not really about kung paniniwalaan ako ng mga tao o hindi, e.

"It’s about my fight for standing up on my own right and for my children.

“It’s not about my career move, it’s not about who’s gonna win here, or who’s gonna lose here.

"What’s important is buo uli ang pagkatao ko, yung mamahalin ko rin yung sarili ko.

“Yung nararamdaman ko naman sa ngayon ay marami akong kakampi.

"Kagaya ng sinasabi ko, hindi na papayag ang Diyos this time... hindi Siya papayag na masyado nang maraming masasamang tao na pinapayagan akong tapak-tapakan. Hindi na Siya papayag dun.

"This time, He’s not gonna allow. He will vindicate me and He will redeem me in full.”

Masama ang loob at galit si Inday na muling nagsalita laban kay Raymart.

Ayon sa kanya, nung panahong madalas ang pag-aaway ng mag-asawa, lagi raw sinasabi ni Raymart na ayaw na raw nito.

Nasasaktan daw siya bilang ina ngunit maayos pa rin daw ang pakikitungo niya sa kanyang manugang.

Sabi ni Inday, “Mabait kasi siya mag-ano, e… they say nga ’do not judge the book by it’s cover.’

“So, at one time along sa mga sagut-sagutan nila, I told him, ’When you came to ask for my daughter’s hand, you said that you’re gonna protect her with your life, and gonna take care of her.

“’Obviously, you don’t take care of her and you’re not just protecting her life, you’re becoming a danger to her life.’

“At one point, I told Claudine to stop. I don’t want to witness all of these, because sinasabi ni Raymart…

“One time, sinabi ko sa kanya, ’Sinasaktan mo yung anak ko?’

"Kasi when we arrived then, parang ano, parang ano… parang he’s mabait.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Then he bows down and said, ‘Hindi ako pinalaki ng parents ko para manakit ng tao.’

“Sabi ko, ’And you think I brought up my daughter para saktan mo?’

"I told Claudine to stop it. I said the turning point to stop it.

“You know why, what he did to [Mon] Tulfo is very dangerous.

"In a few minutes, he could have killed him, and I don’t want my daughter dead because he’s dangerous... that’s all."

Ang tinutukoy ni Inday ay ang airport incident sa pagitan ng broadcaster na si Mon Tulfo at nina Raymart, Claudine, at iba pa nilang mga kasama noong May 2012.

Galit na pahayag pa ni Inday tungkol kay Raymart, “He failed to being a good husband, a good father, and he’s a bad man.”

Sinubukan ng PEP na kunan ng pahayag si Raymart kaugnay ng pagsasampa ng kaso laban sa kanya ni Claudine ngunit hindi ito sumasagot sa tawag at text namin.

Pati ang mga abugado ni Raymart ay tikom din ang bibig at hindi rin kami sinasagot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN