Anne Curtis says Erwan Heussaff will not get jealous of Sam Milby

Isang dahilan kung bakit tumatagal ang relasyon nina Anne Curtis at Erwan Heussaff ay dahil hindi raw nila pinaghihigpitan ang isa’t isa. "You know, it’s only natural to be awkward, when he [Erwan] sees us [Sam and me] on screen. But he’s not the type to be, ‘Oh, he’s your ex-boyfriend, you can’t work with him," sabi ng aktres.


Mula sa pagiging "Pambansang Sweetheart" ay pang-Hollywood na rin ang dating ni Anne Curtis ngayon.

Panibagong achievement para kay Anne ang mapili bilang unang Pinay celebrity na mabigyan ng sariling TV special sa E! News Asia, isang international entertainment news program kung saan madalas ma-feature ang iba’t ibang Hollywood stars tulad nina Nicki Minaj at Christina Aguilera.

Pagkatapos ng kanyang press conference sa Buddha Bar noong Huwebes ng gabi, August 29, ibinahagi ng actress-host sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang piling entertainment reporters ang tungkol sa pagkakaroon niya ng oportunidad na mas makilala sa international scene.

Napasigaw pa nga raw siya sa tuwa noong una niyang nalaman na lalabas siya sa isang foreign talk show.

“I was super thrilled. I told the group earlier that I really jumped around. I mean, it’s not every day that you get an offer like that.”

Sa loob ng apat na araw noong nakaraang linggo ay kinunan ng naturang show ang kanyang usual work engagements.

Dahil kakatapos lang ng pananalanta ng habagat noon, naabutan daw ng team ng E! News Asia ang ginawa niyang fundraising activity para sa mga binahang residente sa Metro Manila.

"They were fortunate enough that they were able to catch the biglaang garage sale that Vice [Ganda] and I announced the day before, which actually kind of ruined the schedule, but I had to do it.

"But it turned out for the best actually because it raised awareness of how things work here."

Isinama din ni Anne ang crew ng show sa live airing ng Showtime at iba pang commercial shoots niya.

Saad ng Kapamilya star, "Not too much of the leisure time, not too much days off when they were here."

Mapapanood din sa nasabing TV special ang eksklusibong panayam sa kanya ng talk show host na si Jason Godfrey, na eere sa ilang cable channels tulad ng Skycable Channel 57, Cignal Channel 25, at Cablelink Channel 33 simula September 29.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bagamat aminadong medyo ninerbiyos siya, hindi na raw bago para kay Anne ang malagay sa hot seat lalo na’t mula’t sapul ay bukas naman siya sa publiko tungkol sa kanyang personal na buhay.

Aniya, “My life has been very public. There’s nothing really much to hide.

"I mean, yeah, there are some personal things. But in terms of whatever they need to research, I think everything is out there.

"It is more of them digging more into certain issues, certain things that happened in my life and how it affected me.

“It’s actually a breath of fresh air, because you get the same questions over and over again in your career.

"And out of nowhere, here comes questions that are flooring me. Oh, my god! It was good.”

Ang pagpili sa kanya ng E! News Asia ay nangangahulugan lamang na nananatiling matunog ang pangalan niya mula nang maging box-office hit ang kanyang pelikulang No Other Woman noong 2011.

Isa pang indikasyon ng kanyang mas lumalawak na fanbase ay ang mahigit five million followers niya sa Twitter.

Ayon sa naunang report ng PEP, tinalo pa ni Anne ang ilang Hollywood celebrities tulad nina Channing Tatum, Adam Levine, at Ian Somerhalder.

Sabi niya tungkol dito, “I just feel thankful.

"I really treasure each day that I’m given this opportunity.

"At any moment, I can just disappear. It can be taken away from me.

"Although it was a very slow climb, but that’s why I treasure it all the more.”

After 16 years in showbiz, worth it daw ang desisyon ni Anne noon na manatili sa Pilipinas kaysa sa Australia, kung saan naka-based ang kanyang pamilya noon.

“It gives you that sense of achievement, throughout the sixteen years that you’re striving to reach [for your dreams and] make a name for yourself.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It starts with a little thing, like having your own show. ‘Sana I have one show, sana I have one billboard, sana I have one trophy...’

"And then, it just starts happening [all at the same time]. I feel blessed.”



SKELETONS IN THE CLOSET? Patuloy na kuwento ni Anne, nakausap din ng E! News Asia ang ilan sa mga taong malalapit sa kanya upang mas kilalanin siyang mabuti.

Nangangamba nga raw siya na baka kung anu-ano na lang ang ibinuking sa kanya ng best friend niyang si Luis Manzano, na kilalang mapagbiro on- and off-cam.

Ang actor-host daw kasi ang pinakamaraming alam tungkol sa mga kalokohan niya noong teenager siya.

“Because Manzano I knew even before he was in the industry, before he was a MYX VJ, I knew him already,” balik-tanaw ni Anne.

“I think he will definitely add color to the whole interview because he knows all my secrets that should not be told.

"So that’s why I was so nervous, because I don’t know what he shared.

“He knows the good and bad side of me. He’s my best friend and he’s someone who knows me well.”

Samantala, nakiusap daw siya sa kanyang ama, na kasama ring nagpaabot ng video message sa kanya, na huwag siyang masyadong ilaglag.

“Before I left the house, when they were gonna interview him, I said, ‘Dad, please be kind.’ Because I don’t know what childhood stories of mine he’s gonna share."



LOW-KEY LOVELIFE. Nakunan din ba ng interview ang kanyang boyfriend na si Erwan Heussaff?

Sagot ni Anne, “No, they didn’t interview him. I believe he doesn’t like being in that industry.

"If it’s about cooking, he’s there. If it’s about food, he’s there.

"But in terms of the entertainment industry? For his sister [Solenn Heussaff], he will.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero pagdating sa kanilang relasyon ay madalas tahimik lang daw ang binata. Hindi kasi sanay sa showbiz si Erwan, 26, na mas kilala bilang isang food blogger.

“But in terms of our relationship," ayon kay Anne, "it’s best we keep it private and that totally came from him. I didn’t have to say anything.”

Kung titingnan si Erwan ay mukhang good boy ang image nito. Pero lately ay mas lumalabas ang naughty side nito sa weekly podcast na The Cave, isang live stream show na boys’ talk type ang format.

Co-hosts ni Erwan sa programa sina Marc Nelson, Rovilson Fernandez, at Stephen Ku.

“Yeah, the older boys. I think it’s very funny. It’s hilarious how they always cast him as being the ’safest one.’

"But, yeah, I’m happy that they’re doing the whole podcast thing,” sabi ni Anne, na halatang very proud sa bagong pinagkakaabalahan ng kanyang boyfriend.

Madalas na topic sa nasabing podcast ang tips sa pakikipagrelasyon. Sinabi ba niya kay Erwan na huwag itong mag-“overshare” ng impormasyon tungkol sa lovelife nila?

Natatawang sagot ni Anne, “Oh, he knows. Because if he does, he’s in trouble! So he knows to what extent.”

Tatlong taon nang magkasintahan sina Anne at Erwan. So far, ito na ang pinakamatagal na relasyon ni Anne.

Ayon kay Anne, malaking bagay na malawak ang pang-unawa nila ni Erwan sa kani-kanilang trabaho. Binibigyan din daw nila ng space ang isa’t isa kaya mas naggu-grow sila bilang indibidwal.

“I think that plays a big factor. I think it’s publicly known that most of my relationships are people that I am paired up with or people that I work with.

“And to have someone who’s outside of the industry but respects what you’re doing—and that doesn’t have to be always by your side 24/7—it’s really quite refreshing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“All the more that I respect him for that. Just the same as I wouldn’t interfere with his food and blogger kind of life thing if that’s his world.”

Payag ba siya kung sakaling pasukin ni Erwan ang showbiz?

“I asked him. I even asked him to guest on my cooking show [for an endorsement]. But he’s confident when it’s his thing.

"But in terms of our thing, he gets awkward.”



REUNION MOVIE WITH SAM. Balik-tambalan si Anne at ang ex-boyfriend na si Sam Milby sa nalalapit nilang pelikula ngayong taon.

Hindi pa raw sila nakakapag-usap ni Sam, pero confident ang aktres na walang magiging problema sa kanilang trabaho.

“Yes, we’re currently shooting na. I haven’t shot with him yet.

"But I’m sure it’s gonna be fine. We’re friends anyway.”

Pagselosan kaya ni Erwan si Sam?

“You know, it will only be natural to be awkward, when he sees us on screen. But he’s not the type to be, ‘Oh, he’s your ex-boyfriend, you can’t work with him,” sabi ni Anne.

Hindi naman daw kasi talaga seloso si Erwan.

Dagdag pa ni Anne, “He just gets awkward like when he saw Derek [Ramsay] and I on No Other Woman. He was like, ‘This is so awkward.’”

Ang pelikulang Babe I Love You (2010) ang huling pinagsamahang pelikula nina Anne at Sam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN