Dawn Zulueta gives back to ABS-CBN by accepting Bukas Na Lang Kita Mamahalin

Dawn Zulueta does not mind being the second choice for her character in Bukas Na Lang Kita Mamahalin, which was originally offered to Maricel Soriano. Dawn says, “Paminsan-minsan lang naman yung network na humingi ng pabor sa ’yo so I said I’ll do it. I’m happy, tinanggap ko.”


Naging maingay noon ang pagiging bahagi ni Dawn Zulueta sa bagong teleserye ng ABS-CBN na Bukas Na Lang Kita Mamahalin.

Ito ay dahil pinalitan niya sa proyekto si Maricel Soriano, na siyang gaganap sana bilang Zenaida, ang ina ng karakter na gagampanan ni Gerald Anderson.

Ngunit dahil nagkaroon ng “unfortunate incident” sa pagitan nina Maricel at Gerald sa unang araw pa lamang ng kanilang taping, minabuti ng Kapamilya network na palitan na lamang ang Diamond Star.

At ang napili ngang pumalit sa kanya ay si Dawn.

(Read: ABS-CBN confirms Maricel Soriano is out of Gerald Anderson teleserye)

Hindi naman ito naging problema para sa dating aktres ng Walang Hanggan.

Ayon kay Dawn, pagkakataon ito para makabawi sa ABS-CBN dahil minsan lamang daw itong humiling sa kanya.

“Paminsan-minsan lang naman yung network na humingi ng pabor sa ’yo so I said I’ll do it. I’m happy tinanggap ko,” ani Dawn sa press conference ng Bukas Na Lang Kita Mamahalin noong Miyerkules, August 28.

Nang matapos ang Walang Hanggan, nabanggit ni Dawn na gusto muna sana niyang magpahinga sandali sa paggawa ng drama series.

Nang ipaalala ito ng entertainment press sa kanya, sabi ni Dawn, “Hindi ko ini-expect na ganito ka-soon, na I’ll start working again.

“Pero noong nangailangan na ang network ng kapalit na ni Maricel, parang nahiya naman ako na magsabi na hindi puwede.

“To think na this came when I was busy campaigning na.

“Buti na lang nakakaintindi yung husband ko [Davao del Norte Rep. Anton Lagdameo].

“Naiintindihan naman niya na this is an opportunity naman to give back sa network naman, so tinanggap ko.”



ON MOTHER ROLES. Sa kanyang mga nakaraang TV projects, Mula Sa Puso at Walang Hanggan, gumanap si Dawn bilang ina ng young actors.

Ngayon, sa Bukas Na Lang Kita Mamahalin, gaganap muli si Dawn bilang ina, bagay na itinuturing niyang hamon sa kanyang pagiging aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Gaya niyang typecast naman ako palagi with mother roles, paano mo ‘yon iibahin, di ba?

"Lalo na kung halos lahat ng mga teleserye mo, magiging nanay na naman ang role mo, so kailangan kong ibahin—‘yon ang challenge.”

Mabuti na lamang daw at iba ang pagiging ina niya sa bagong teleserye.

“Now, I’m portraying quite different from what I’ve done in the past, Mula Sa Puso and Walang Hanggan.

“This time naman, I’m fighting for the karapatan or right ng kalayaan ng anak ko. This is heavy drama.”

Aminado si Dawn na ang paulit-ulit na pagganap sa isang uri ng role ay nakakapagod minsan.

Sabi ng aktres, “Sometimes it gets very tiring that’s why I’m very choosy because there’s only so many facets of a mother’s role that you can accept.

“Siyempre, as an artist, parang nagiging halos pare-pareho na sila.

“Lalo na sa pag-atake ng character, I have to figure out new nuances.

“Trabaho talaga namin ‘yon bilang actor.

“Mabuti na lang I have mga respite in between, you know, I get to do other work naman.”



ON GERALD ANDERSON. Samantala, kung noon ay giliw na giliw si Dawn kay Coco Martin sa Walang Hanggan, nalipat naman ito ngayon sa lead actor ng Bukas Na Lang Kita Mamahalin na si Gerald Anderson.

Sabi ni Dawn, “Siya na ang bago kong anak. Love ko na siya.

“Siya talaga, puwedeng maging anak ko kasi yung edad talaga niya, e, puwedeng maging anak ko.”

Si Gerald ay 24 years old, habang si Dawn naman ay 44.

Sabi pa ni Dawn tungkol sa young actor, “I love Gerald, mabait na bata, he’s very focused, he always shows on time.

“Wala akong problema sa kanya and I think the rest of the cast, walang masasabing masama kay Gerald.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN