Cesar Montano "totally devastated" by legal battle with wife Sunshine Cruz

"I thank God for what I have right now—problema man ‘yan o magandang blessing man ‘yan. Because, mas sa tingin ko, God is preparing me for a bigger task, bigger issue in life. Pero hindi naman porke’t may problema ka, you’re not blessed. You’re just being tested for bigger blessing in the future," pahayag ni Cesar Montano tungkol sa kinahaharap niyang problema ngayon.


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Cesar Montano sa grand launch ng Akin Pa Rin Ang Bukas kagabi, August 29, sa Studo 7 ng GMA Network.

Ang Akin Pa Rin Ang Bukas ang comeback project ni Cesar sa Kapuso network pagkalipas ng dalawang taon.

Naging maingat si Cesar sa pagbibigay ng pahayag tungkol sa hiwalayan nila ng asawang si Sunshine Cruz, at sa mga kasong isinampa laban sa kanya ng aktres.



NO TO DIVORCE. Tinanong si Cesar kung single ba siya ngayon?

Tugon ng aktor, “Well, I do not know.

“Sa mata ng batas, hindi. Sa mata ng Diyos, hindi pa rin.

“According to… well, if you’re going to read the Bible, anti-divorce ang Panginoon, e.”

Nakikita ba ni Cesar ang kanyang sarili na umibig muli?

“Ay hindi, wala pa sa isip natin ‘yan.

“Kahit na sabihin nating walang imposible sa pagmamahal, I don’t think it’s proper for me to go into situation like that.”

Gusto ba niyang magkaayos sila ni Sunshine, magkabalikan?

Nakangiting sagot ni Cesar, “Sa ngayon, as much as I want to talk about that, kasi nga dahil sa gag order, na-limit yung… kami na magsalita about anything that involves the case, the issue.”

Nabanggit niya na sa mata ng Diyos ay walang divorce. Ibig bang sabihin nito ay ayaw niyang maghiwalay sila nang tuluyan ni Sunshine?

Sabi ng 51-year-old actor, “Sobrang pagmamahal ko sa mga anak ko, talagang yun ang aking intensiyon. Yun ang aking prayer.

“Ayoko kasi… ang mga bata kasi, ako, gusto kong matapos na ‘to kasi yung mga bata, kawawa.

“Ako, sino ako? Batang kalsada ako, Sta. Ana boy ako.

“Tsinelas ko, nag-iisa lang, naglalakad ako, masaya ako.

“I’m not saying na hindi muna ako masasaktan.

“Tao ako, nasasaktan ako. Nalulungkot ako.

“Pero ako si Buboy, batang Sta. Ana. E, ito, mga bata ito, walang kinalaman sa away.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“That’s why I hate this kasi I know the children do not deserve this.”



CESAR’S DAUGHTERS. Mahal na mahal din naman daw si Cesar ng kanyang tatlong anak na babae kay Sunshine.

Saad ng aktor, “Sobra, e, sobra ang pagmamahalan namin. Ako ang nakakalaro ng mga bata.

“Ako, ayoko nang anuhin. Kasi, kung ang intensiyon ko lang saktan, masasaktan ko lang yung ano... maapektuhan ko rin ang mga bata.

“This is not the issue between me and my wife. Kahit saan anggulo, maaapektuhan, masasaktan ang mga bata.

“So, pinakamabuti, the best is tumahimik and to pray.”

Hindi rin daw gusto ni Cesar na inihaharap o isinasama sa korte ang mga anak nila ni Sunshine.

“Ako, I hate it. I hate it.”

Nabanggit din ni Cesar na nagdesisyon na ang korte na bigyan sila ni Sunshine ng kani-kanilang mga araw upang makapiling ang mga anak nila.

“Meron kami na. Three [days] sa kanya, four sa akin. Then four sa kanya, three naman sa akin para make it equal.”

Ayon kay Cesar, labis siyang naaapektuhan sa nangyayari sa kanila ni Sunshine.

“Totally devastated” nga ang sagot ng aktor nang tanungin namin kung gaano siya kaapektado.



INSTAGRAM ACCOUNT. Tinanong din ng PEP si Cesar kung may Instagram account ba siya.

Naging isyu kasi kamakailan ang pagpu-post daw ng mensahe si Cesar sa Instagram kung saan sinabi niya na may boyfriend na diumano si Sunshine.

Sabi ni Cesar tungkol dito, “Ang daming gumagamit ng pangalan ko kahit sa Facebook.”

May account ba siya sa Instagram?

“Meron, sa anak ko. They are using my name.”

Pero pakiusap ni Cesar, “I don’t want to talk about it. Ayokong pag-usapan, pasensiya na po.

“Kasi anything I say, they might use it against me.”

Kung mabibigyan siya ng pagkakataon na iayos lahat at mabuo silang muli bilang pamilya, gagawin ba niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Cesar, “Sa buhay naman ng tao, there’s so many regrets. Marami kang gusto, hindi lang yun.

“Kung ibabalik mong lahat, marami kang ibabalik.

“But I thank God for what I have right now—problema man ‘yan o magandang blessing man ‘yan.

“Because, mas sa tingin ko, God is preparing me for a bigger task, bigger issue in life.

“Pero hindi naman porke’t may problema ka, you’re not blessed.

“You’re just being tested for bigger blessing in the future.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN