(UPDATED) Celebrities post get-well fan signs for Regine Velasquez’s dad on Instagram; Mang Gerry survives major operation

“1 million para mawala ang pork barrel…… kami naman kailangan namin ng 1m prayers para kay papa,” Regine Velasquez posted this message along with a photo of his son Nate on Instagram last Monday, August 26. The Asia’s Songbird is requesting prayers for her father and mentor, Mang Gerry.


Kasabay ng isinagawang Million People March para sa panawagang alisin ang pork barrel ng mga mambabatas noong Lunes, August 26, humiling naman ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez ng one million prayers para sa kanyang ama.

Kahapon, August 29, hiniling naman ni Regine sa kanyang followers sa Instagram na mag-post ng fan sign para sa amang si Mang Gerry.

Aniya, “Hi guys, can i please ask for a fan sign from everybody for mang Gerry? ‘get well soon papa Gerry we love you’ i will gather every pix and make a video out of it. And show it to him. I’ll make the video tonight so if its not too much to ask….. Thank you guys.”

Bilang tugon, ilan sa mga kilala at malalapit na artista kay Regine ang nag-post ng kanilang mensahe para sa pagbuti ng kalusugan ng ama ng Asia’s Songbird, na kauna-unahang mentor niya bilang isang mahusay na singer.

Kasama rin sa birthday wish ng asawa ni Regine na si Ogie Alcasid ang paggaling ng kanyang biyenan.

Nagdiwang ng kanyang 46th birthday si Ogie noong August 27.

Nang tanungin ang singer-songwriter kung ano ang birthday wish niya, sinabi niya, "Siyempre for the family, lalo na kay Papa Gerry, yun lang."

Hindi siya nagbigay ng anumang detalye tungkol sa kalagayan ni Mang Gerry, pero sabi ni Ogie, “Uhm, he’s being observed at the moment, so maghihintay tayo ng dalawang araw, malalaman natin yung procedure na nangyari sa kanya, e, nag-work.

"That’s why we’ve been asking for prayers, well, the family has been asking for prayers. So the more people that will pray for him...”

Nauna na rin siyang nagpasalamat sa mga nagbigay at magbibigay ng kanilang dasal para sa ikabubuti ng kalusugan ng ama ni Regine.

Sabi ni Ogie, “[N]agpapasalamat kami. On behalf of the entire family of my wife, thank you, thank you very much.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa mga artista, ilang followers din ni Regine ang tumugon sa kanyang panawagan sa pamamagitan ng pag-post ng mensahe kasama ang hashtag na #getwellsoonmanggerry sa photo-sharing site na Instagram.

MANG GERRY’S OPERATION. Ngayong gabi ay nagbigay ng update si Regine tungkol sa kalagayan ng kanyang ama.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram post ay ibinalita niyang sumailalim sa isang operasyon si Mang Gerry, at sa awa naman ng Diyos ay nalagpasan ito ng ama.

Itinuturing ding milagro ni Regine ang matagumpay na operasyon ni Mang Gerry, lalo na sa edad nito na mahigit sa 70 anyos.

Bagamat hindi pa lubusang magaling ang kanyang ama, nananalig ang Asia’s Songbird na malalagpasan ito ni Mang Gerry sa tulong ng "Holy Spirit" at ng mga doktor at lahat ng mga nagdarasal para rito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN