Jake Cuenca says he’s not in a rush to court Jessy Mendiola; asserts: “Hindi ako yung nanliligaw na ’best foot forward.’”

Jake Cuenca on his admiration for Jessy Mendiola: “Napakagandang babae ni Jessy, pero, ako naman, like I’ve said, I’m not in a rush. At saka, ilang beses na akong nalagay sa isang showbiz relationship, pero, masasabi ko na, hindi ako yung nanliligaw na ‘best foot forward.’ I just like—gusto ko natural na nangyayari.”


Base sa dami ng You Tube hits ng trailer ng pelikulang Lihis, masasabing marami na ang na-intriga dito, lalo pa’t patuloy itong pinag-uusapan sa mga social networking sites bago pa man ito tuluyang i-promote.

Ang Lihis ay isa mga entries sa Sineng Pambansa ni Direk Joel Lamangan na pinagbibidahan nina Jake Cuenca at Joem Bascon at tumatalakay sa pag-iibigan ng dalawang lalaki sa gitna ng kanilang pakikipaglaban bilang miyembro ng N.P.A. o New People’s Army.

Ang mga mapangahas na love scenes nina Jake at Joem ang paulit-ulit na pinapanood sa trailer at pinag-uusapan.

Sa ginanap na pocket presscon ng Star Magic sa 9501 Restaurant para nga sa dalawa nilang artists na sina Jake at Joem noong August 28, naitanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jake kung ano ang pakiramdam niya na trailer pa lamang sa You Tube ng pelikula nila, pinag-uusapan na.

Ayon kay Jake, “Nagpapasalamat lang talaga ko sa lahat ng tao kasi naging maingay yung movie virally. Without publicity whatsoever.

“It all started in You Tube and after a while, it became a big deal. You know, it’s all with the people, lahat ng taong nag-comment, nag-tweet, nag-Instagram, thank you so much.

“Kasi, with every like, with every comment, with every tweet, it made us even more confident and excited to see the movie.”

CONTROVERSIAL LOVE SCENES. Kontrobersyal ang tema ng pelikula nila, pero mas naging kontrobersiyal dahil nga sa mga love scenes nila ni Joem.

Naging mahirap bang i-shoot para sa kanila yung mga love scenes nila?

“It was hard but I’m thankful na si Joem ang naging partner ko. It became easier because he’s my friend.

“I mean, matagal na kaming magkaibigan ni Joem and more than anything, I think, yeah, the striking love scene and everything but I think, when they see the movie, when they finally watch the movie, makikita nila na it’s so much more bigger than that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s a movie that the third sex, homosexuals, gay people will all be so proud of. That’s something na you know, we’re so used to seeing.

“Kasi, di ba, we’re used to seeing a lot of comedy, but this one’s very serious material. Not just for them [gays] but for people who want to know a lot of relevant things that happened in the past,” paliwanag ni Jake.

Ayon kay Jake, nang malaman daw niya ang materyal at mga kailangan niyang gawing eksena sa pelikula, pumayag naman daw siya agad na gawin ito.

“I said yes, kasi, tulad nga ng sinabi ko, with Direk Joel Lamangan as the director and Sir Ricky Lee as the writer, that’s just a dream project for me.

“Di ba, I always say that I don’t have exactly dream role that I want to portray, I have a vision of a dream project and that was that—Ricky Lee, Joel Lamangan, one project together. A material like this.”

BREAKING AWAY FROM GAY STEREOTYPE ROLES. Kung pagkatapos ng Lihis, ma-typecast siya sa ganitong klase ng karakter at isang gay film muli ang i-offer sa kanya, papayag ba siya?

“Well, actually, meron pa akong isa, matagal ko ng ginagawa yun, yung sa Viva, yung Nagalit Ang Buwan Sa Haba ng Gabi.

“Ang role ko ro’n, yung role ni Tito Eddie Garcia, he’s a—well, hindi ko na ide-detalye.

“But definitely, hindi naman katulad nito na may physical demands. Basta iba yun, excited din ako na mapanood yun ng mga tao,” dagdag pa niya.

Kumportable na ba siyang gumanap ng mga gay roles?

Sabi niya, “I’m comfortable portraying challenging roles. Like I said, mag-offer sila ng role na babae ako, I won’t portray it as gay but you know, to the best of my capabilities, ibibigay ko ang demand na kailangan ng role.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano kung ma-stereotype siya sa gay role?

“Gagawin ko ang lahat to break it.”

“Gagawin ko ang lahat to... you know, again, ang maganda lang din kasi sa kinalalagyan ko and again, I’m thankful to ABS for this... yung luxury of choosing I want to do now.

“If ever I’ll get stereotyped, I’ll do everything to break it because wala akong plano na makahon sa isang role.

“Like I’ve said, ayoko ng paulit-ulit na role and for me, as an actor, you want to do different things. Kung paulit-ulit lang ang ginagawa mo, it’s boring.

“At kapag nagpu-portray ka ng role, nag-e-enjoy ka. How can you enjoy eating adobo every day, di ba?” makabuluhan niyang pahayag.

INSPIRED BY LOVI. Sa Lihis, kasama rin sa pelikula si Lovi Poe. Pero, si Lovi ay nauugnay sa karakter ni Joem. Matagal din na pinag-uusapan ang diumano’y relasyon nila ni Lovi hanggang sa ngayon nga na may mga balitang nag-break na sila.

Pero, noong ginagawa nila ang Lihis, sila pa rin ba ni Lovi noon?

“We were seeing each other a lot when we were doing the movie. Mas naging challenging pa siya lalo.

“But Lovi is very professional. I guess, one of the reasons why I pushed through with this movie, one big inspiration for me was her, while doing the movie,” pag-amin ni Jake.

Bakit niya nasabing inspirasyon niya si Lovi nang ginagawa ang Lihis?

“And the next is Joem,” natatawang biro pa niya.

“Hindi, yun na nga, noong time na yun, we were still seeing each other a lot. We’re still very, very close.”

Kung noon nga, kahit hindi sila umamin ng diretso na may “something special” sa kanilang dalawa ni Lovi, kabaligtaran naman ngayon at tila mas open naman din sila na may nabago na nga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya ang sumunod na tanong namin kay Jake, ano nga ba ang nangyari?

“Sa amin na lang yun,” diin niya.

“Ang maganda rin kasi do’n, it was quiet when it was going on. Not because hindi na nag-work-out, ide-detalye nang lahat.”

Hindi na sila nag-uusap?

“Kung magkita kami, nag-uusap kami. But we don’t see each other as often anymore.”

Sino ang dini-date niya ngayon?

“Ngayon, wala pa. Si Joem,” biro niyang muli ng natatawa.

JESSY MENDIOLA. Sa telebisyon, ang Maria Mercedes ang isa sa puwedeng abangan sa kanya bilang leading man ni Jessy Mendiola.

Pero, ang leading lady niya na si Jessy ay nililigawan na ngayon ni Sam Milby.

May reaksyon ba siya rito?

“Well, hindi naman ako nagulat kasi, marami talaga ang nanliligaw kay Jessy. Kasi, nakita niyo naman si Jessy, napakagandang babae,” bukas niyang paghanga sa co-star.

Pero, siya ba, hindi ba siya nagkaroon ng interes kay Jessy?

“Of course, may interes,” pag-amin niya.

“I mean, napakagandang babae ni Jessy, pero, ako naman, like I’ve said, I’m not in a rush. At saka, ilang beses na akong nalagay sa isang showbiz relationship, pero, masasabi ko na, hindi ako yung nanliligaw na best foot forward.

“I just like—gusto ko natural na nangyayari.”

Sa pag-amin ni Sam na nanliligaw siya kay Jessy, naramdaman ba niya na parang naunahan siya nito?

“Marami namang nanliligaw kay Jessy at dapat lang naman, I mean, that’s good for her.

“After the relationship that she’s been through, and Sam is my friend. Hindi naman yan darating sa punto na mag-aaway kami ni Sam.”

Sinasabi niya na marami namang nanliligaw kay Jessy, kasama ba siya ron?

Natawa ito at saka sinabing, “Kaparte ako ng mga taong tumatangkilik at nag-a-admire at humahanga kay Jessy.”

Hindi ba siya nakaramdam ng panghihinayang kay Jessy?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala pa namang nasasayang,” nangiti nitong tugon.

“Basta ako, like I’ve said, hindi ako ang tipo ng lalaking nanliligaw. Gusto ko, natural na nangyayari ang mga bagay-bagay. Naa-appreciate naman ng babae yung ganun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN