Charee Pineda on playing kontrabida for the first time in Akin Pa Rin Ang Bukas: “Nasanay na nga kasi ako doon sa puro ’pa-awa’ na role kaya parang naghahanap ako ng iba naman.”

Charee Pineda on playing kontrabida for the first time: “Hindi ako natatakot. Tinatanong nga nila ako na baka matakot ako na hindi na ako mabigyan ng bida roles in the future. Pero para sa akin hindi naman. Mahirap lang yung kontrabida role pero mas natsa-challenge ako. Konti lang ang mga kontrabida dito sa atin, kaya okay lang ako.”


“Yes, sobrang happy.”

Ito ang naging reaksyon ng dating Kapamilya star na si Charee Pineda tungkol sa bagong teleserye niya sa GMA-7, ang Akin Pa Rin Ang Bukas na pinagbibidahan nina Lovi Poe, Rocco Nacino, Cesar Montano, Gary Estrada at marami pang iba.

Ito ang kauna-unahang proyekto niya mula nang lumipat siya sa GMA-7 at pumirma ng three-year exclusive contract

“Dagdag pressure ito sa akin kasi ang makakasama ko ay sina Ms. Gloria Romero, Ms. Liza Lorena, sina Lovi,” sabi pa niya nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa grand press launch nito noong August 29 sa Studio 7 ng GMA Annex Building.

“Matinding preparation ang ginawa ko kasi nakakahiya na mapahiya... ipinagkatiwala nila sa akin ang isang malaking role, kontrabida pa.

“Nagkontrabida na ako before pero sobrang tagal na tapos mga sumunod na roles ko ay puro mga inaapi o kawawa kaya noong binigay sa akin itong role na ’to, sobrang pressured ako.

“Nasanay kasi ako sa mga dating role ko na kahit papaano ay may similarity sa personality ko ang dating.

“Dito, masama talaga siya.

“Tapos yung sa preparation naman, bago pa nag-start ang show ay nanood na ako ng iba’t ibang shows dito sa GMA... yung mga kontrabida dito para kahit paano ay makakuha ako ng style at technique kung papaano.”

KONTRABIDA PEG. Sa mga napanood niya, sinong aktres ang gusto niyang gayahin o sundan ang yapak?

Aniya, “Wala naman talaga akong pini-peg kasi ayaw kong ma-limit yung gagawin ko.

“Ayaw kong may pina-pattern kasi magugulo ang isip ko, e.

“Kasi kapag ano... halimbawa may ginagaya ako na isang artista sa isang eksena, baka maguluhan lang ako. Pinanood ko lang ang mga yun para may idea lang ako kung paano sila mag-atake sa role.”

Hindi pa siya nangangamba na baka ma-typecast na siya sa mga ganitong roles?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman,” pagtanggi ni Charee. “Kasi, kung ma-typecast man ako, ibig sabihin ay effective ako sa mga ganitong papel.

“Hindi ako natatakot.

“Tinatanong nga nila ako na baka matakot ako na hindi na ako mabigyan ng bida roles in the future. Pero para sa akin hindi naman.

“Mahirap lang yung kontrabida role pero mas natsa-challenge ako. Konti lang ang mga kontrabida dito sa atin, kaya okay lang ako.”

GLAIZA DE CASTRO. Hindi raw maiwasan na posibleng maihambing siya kay Glaiza de Castro na talagang pinuri dahil sa galing nito sa pagiging kontrabida bilang si Heidi sa nakaraang teleserye ng GMA, ang Temptation of Wife.

“Yun pinanood ko yung kay Glaiza,” nangingiting sabi niya. “Hindi naman siguro.

“Magkaiba naman kaming artista at magkaiba ang style namin sa pag-arte. Hindi naman ako natatakot na mai-compare.

“Hindi naman kasi maiwasan yun.

“Magaling dun si Glaiza, in fairness. Talagang dama mo ang pagiging kontrabida niya. Maiinis ka talaga sa kanya.

“Nagpapakita lang yun kung gaano siya kagaling na artista.”

Pinangarap ba niya na sana yung pagiging bida niya noon sa Angelito: Batang Ama at Angelito: Ang Bagong Yugto ay itinuloy na lang sana ng Kapuso network?

“Hindi naman,” saad niya. “Kasi noong lumipat ako dito sa GMA, ang gusto ko ay mabigyan ako ng mas challenging na role.

“Nasanay na nga kasi ako doon sa puro ’pa-awa’ na role kaya parang naghahanap ako ng iba naman.

“Yeah, siyempre, one of these days, gusto ko rin namang magbida rin. I think darating naman yung right time para sa akin.”

SIZZLING LOVE SCENES. Sa trailer ng Akin Pa Rin Ang Bukas na ipinakita sa press people ay takaw-pansin ang sizzling love scenes nila ni Rocco Nacino na nagpapakita rin ng kanyang kaseksihan.

Bilang konsehala ng 2nd district ng Valenzuela City, hindi ba siya nangangamba na magkaroon ito ng negative reaction mula sa kanyang constituents?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Parang nahihiyang komento ng 22-year-old Kapuso actress, “Oo nga, e.

“Noong ginagawa yung scene na yun, pinipilit ko talagang i-detach ang sarili ko sa pagiging isang konsehala kasi magkaiba naman siyang mundo.

“Yun nga, kapag medyo OA [overacting] naman na ano... hindi lang dahil sa pagka-konsehala ko kundi dahil sa personal ko nang desisyon yun.

“Pero, siyempre, may limitations din.

“Sa tingin ko naman ay maiintindihan naman ’yan ng mga taga-Valenzuela City kasi trabaho ko naman ito bago ako naging City Councilor.

“Binabasa ko nga ang script kasi kapag sa tingin ko ay hindi ako kumportable ay sasabihin ko agad [sa direktor] na hindi okay sa akin.

“Pero, hindi pa naman kami ganung ka-ano sa mga eksena tulad sa mga napanood kanina,” dagdag pa niya.

Tinanong din namin ang kanyang saloobin tungkol sa abolisyon ng pork barrel bilang isang politiko at bilang isang City Councilor.

Sabi ni Charee, “Para kasi sa akin, kapag tinanggal ’yan... meron naman kasing ibang congressman na meron talagang naitutulong dahil sa budget na yun.

“Sa amin sa Valenzuela, maraming pondo para sa mga hospitals yung congressman namin doon.

“So, kung matatanggal yun, meron din siyang effect doon sa mga kababayan natin.

“Kami naman kasing mga City Councilors, wala naman kaming sariling budget... lahat ’yan ay budget ng City Mayor.

“Kaya kung may gusto kang project na gustong gawin ay makikiusap ka sa City Mayor para ponduhan.

“Kaming legislators, wala kaming nahahawakang pera talaga at kung may project ka, depende talaga sa mayor.”

LOVE LIFE. Napag-usapan din ang tungkol sa paghihiwalay nila ng kanyang fiancee na ayaw na niyang banggitin ang pangalan.

Diretsahang sagot niya, “Wala, e. Hndi nag-work out.

“Siguro, personal differences pero ’wag na lang natin sigurong alamin yung bawat detalye kasi hindi naman siya taga-showbiz at ayaw ko namang sabihin yung side ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Para maging fair din naman kasi hindi naman niya madi-defend yung sarili niya. Ayaw ko namang umabot sa point na magsasalita ako... ’wag na lang.”

Nali-link siya ngayon sa lst District Representative ng Valenzuela City na si Sherwin Gatchalian.

Ano ang masasabi niya tungkol dito?

Natatawang sagot niya, “Ang tagal na nang tsismis na ’yan.

“Kahit nga noong magkasama kami sa SONA, akala talaga ng lahat ay kaming dalawa.

“No, never naman siyang nanligaw... never na lumabas kami together. Kung lumabas man, lahat yun ay tungkol sa politics.

“’Wag na muna. Pahinga na muna [ang puso niya].

“At saka, dahil sa nangyari... hindi naman ordinaryong boyfriend-girlfriend yung nangyari sa akin, pahinga muna talaga.

“Hindi naman sa na-trauma ako dahil napakabigat namang word na ’yan, siguro ay ’wag muna ako magmadali... it’s a process.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN