Gerald Anderson on being smitten by Cristine Reyes: “Grabeng sex appeal.”

Gerald Anderson on the possibility of falling for Cristine Reyes: “Hindi malabo. She’s a very beautiful girl and magaling siya... hindi, I mean, di ba? It’s hard to say no or yes, wala naman kaming mahabang pinagsamahan pero, of course, physically, yes... yes. She’s very beautiful.”


Excited na si Gerald Anderson sa pagsisimula ng kanyang bagong primetime teleserye sa ABS-CBN, ang Bukas Na Lang Kita Mamahalin, kung saan makakasaman niya ang mga batikang artista tulad nina Dawn Zulueta, Dina Bonnevie, Diana Zubiri at Tonton Gutierrez.

Bukod sa kanila ay makakasama rin niya ang dating magkasintahan na sina Cristine Reyes at Rayver Cruz.

“September 2... September 2 na. I’ m excited pero I’m more excited for the people ’coz I know they’ll be watching a quality soap [opera],” bungad ng Kapamilya actor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa grand presscon ng teleserye sa Dolphy Theater noong August 28.

“Napakaganda ng story, napakagaling na mga artista... of course with Ms. Dawn and Ms. Dina at sa buong cast... pinaghirapan ng lahat.

“We had a lot of time para isang quality [teleserye] ang ipapalabas namin sa mga tao.

“So, I’m so excited at sana ay suportahan din ng mga tao.”

GETTING BETTER AS AN ACTOR. Mula sa award-winning teleserye na Budoy (2011) hanggang sa pelikulang OTJ na nasa mga sinehan pa hanggang ngayon ay kapansin-pansin ang progress ng kanyang acting ability.

Kaya marami ang nagsasabing sobra siyang ka-seryoso ngayon sa kanyang craft bilang isang actor.

Reaksiyon ng award-winning actor, “It’s a dream come true... it’s a dream come true.

“Ang dami ko pang gustong ipakita sa mga tao.

“Tulad sa mga sinabi niyo na mas nakikilala ako bilang isang actor pero ang dami ko pang dapat matutunan.

“Dito sa soap na ’to, ang dami kong natutunan from the other members of the cast, from the director at sa sitwasyon ko bilang si Miguel [Dizon, ang karakter niya sa Bukas Na Lang...].

“Yung sacrifices... yung hirap ng buhay. Life is difficult but you have to fight for that, make right decisions and work hard para gumanda ang buhay natin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PRESSURE. May pressure pa rin ba sa kanya ang mga ganitong positive feedback?

Aniya, “Pressure? Yes, there is pero it’s also a challenge. Napaka-blessed ko talaga dahil sa lahat ng shows na ibinigay sa akin ng ABS-CBN, iba’t ibang characters talaga.

“So, lahat ng opportunities para maipakita yung galing ko ay ibinigay nila pero yung pressure ay hindi talaga mawawala.

“Kahit even before pa ng Budoy at kahit sa mga pelikula pa, there’s always pressure.”

Halatang inspired nga si Gerald kasi maging ang personal niyang buhay ay maganda ang takbo.

“Oo naman... oo naman,” nakangiting saad ng dating PBB teen housemate, “I am very inspired kasi for one, yung OTJ nakapasok sa Cannes [Film Festival] and I learned so much from there.

“Sabi ko nga sa kanila nung nandoon kami, ’tara, balik na tayo and start na tayo ng taping’ [for Bukas Na Lang....].

“And, I just remembered that and I remember everything na natutunan ko dun at ibinuhos ko dito.

“Like kung ano ang mapapanood niyo dito [sa soap] at hindi ko puwedeng sabihin kung ano para ano... basta, lalabas siya... hopefully lalabas siya.”

LIFE BEYOND BUDOY. Sa tingin ba niya ay worth it ang matagal niyang paghihintay na masundan kaagad ang huling teleseryeng ginawa niya (Budoy)?

“Worth it,” mariing saad ni Ge (palayaw ni Gerald). “Worth it is an understatement para sa mga pinaghirapan namin dito.

“Yeah, life is not easy... may mga rocky roads but you just have to stay focused and work hard... maging masipag ka lang and it pays off.

“I’m also aware na pagkatapos ng Budoy, ang nasa isip ng management na ilayo ako dun sa character ko and I think it’s a challenge for them to do it.

“Marami ang nagmahal ng husto kay Budoy kaya siguro they have to think of something else... kung ano ba ang susunod kong gawin na hindi na sila [audience] naghahanap sa character ni Budoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And, yeah, I believe na this one [Bukas Na Lang...] ay yung answer sa gusto nilang mangyari,” dagdag pa niyang kuwento.

NO MORE INTRIGUES? Halata sa kanya na wala na siyang pinagdadaanan na anumang problema at malayo na siya ngayon sa mga intriga.

Kaya nga ba napaka-cool at maaliwalas siyang tingnan ngayon?

Nakangiting paliwanag niya, “I’m happy. Masaya ang personal life ko.

“Ipinapalabas pa ang OTJ which will inspire so many people sa kung ano’ng nangyayari sa atin dito sa Pilipinas at heto nga na ipapalabas na next week which will inspire more people.

“So, what more can I ask for, di ba?

“Selfish na ako kung ano ang hihingin ko kay God.

“Sa roles ko naman, yeah, ang dami pang gusto kong gawin... hindi pa ’yan nauubos and stories and stories na hindi ko pa nagagawa.”

Speaking of his personal life, nag-post sa Instagram ang kanyang current girlfriend na si Maja Salvador ng picture na may mensahe na naglalahad kung gaano siya kasaya ngayon.

Ano ang masasabi niya tungkol dito?

Muling nangingiti ang 24-year-old actor, “That’s good. Hindi naman namin pinag-uusapan na maging open kami but pareho kasi kaming artista.

“I’m happy to know that she’s happy,” sabay sabi na lovelife niya na hiniling niyang huwag nang pag-usapan pa.

CHOOSY WITH ROLES? Mas mapili na ba siya sa mga papel na tinatanggap niya matapos niyang makakuha ng acting awards para sa teleseryeng Budoy at sa mga papuring natatanggap niya mula sa pelikulang OTJ?

“Ayaw ko namang sabihin na mapili,” pahayag niya, “Pero, you have to... as an actor, hindi naman puwedeng paulit-ulit lang.

“Kasi kapag mata-trap ka [sa iisang role], anong thrill dun? Anong challenge, di ba?

“Siyempre, gusto ko rin na ma-try ang variety of roles kasi yun naman ang dapat. Kapag nagkaka-award ka, the more na tsina-challenge mo ang sarili mo na makaarte ng iba’t ibang characters.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi lamang dahil nanalo ka ng acting award, siguro bilang isang actor, it goes with it, di ba? Di ka talaga makukuntento.”

RAYVER CRUZ. Sa movie na OTJ at dito sa Bukas Na Lang Kita Mamahalin ay kasama niya ang best friend niyang si Rayver Cruz. Biniro namin siya kung package deal na ba silang dalawa.

“Ewan ko, sinusundan niya [ni Rayver] ako,” natatawang sagot ni Gerald. “Package deal? Puwede ba yun? Sige, gagawa kami ng kontrata na ganoon. Ha-ha-ha!

“Wala naman. Nagkataon lang... galing... galing!"

CRISTINE REYES. Kasunod nito ay tinanong namin siya kung kumusta ang working relationship nila ni Cristine Reyes na leading lady niya dito.

Si Cristine ay dating girlfriend ni Rayver Cruz.

“Heto, it’s more mature,” saad niya. “It’s a more mature partnership.

“Sabi nga mas ano... grabeng sex appeal.”

Kung wala ba siyang girlfriend ngayon at kung nagkataong single din si Cristine, may possibility ba na magustuhan niya ito?

Aniya, “Hindi malabo. She’s a very beautiful girl and magaling siya... hindi, I mean, di ba?

“It’s hard to say no or yes, wala naman kaming mahabang pinagsamahan pero, of course, physically, yes... yes.

“She’s very beautiful.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN