Direk Laurice Guillen lauds Liza Lorena’s performance in Akin Pa Rin Ang Bukas

Direk Laurice Guillen on Liza Lorena’s effective portrayal as Helen Gamboa’s replacement in Akin Pa Rin Ang Bukas: “It was due to health reasons why Helen had to leave the show. Kaya we had to reshoot all her scenes na nakunan na. Siguro may mga two weeks na rin kaming nakakapag-tape that time. We got a good replacement naman in Liza Lorena, who was originally cast sa role ni Tita Glo. At nagulat nga ako na this is the first time na magkaka


Matagal din bago napapayag ng GMA-7 ang award-winning actress and director na si Laurice Guillen para hawakan nito ang pagdirek ng bagong primetime series na Akin Pa Rin Ang Bukas.

Inamin ni Direk Laurice na takot siyang mag-commit na magdirek sa isang drama series dahil alam niyang inaabot ng madaling-araw ang taping at three times a week pa ang trabaho rito.

“Alam ko naman ang demands ng isang drama series. Kailangan ay committed ka and that was what I was afraid of giving them.

“Nakakahiya naman kung tatanggapin ko tapos hindi ko mapanindigan.

“But everything turned out okay and nakapagsimula rin kami ng maayos,” pahayag ni Direk Laurice sa press launch ng Akin Pa Rin Ang Bukas last August 29 sa Studio 7 ng GMA Annex Building.

Sa naging pag-uusap ni Direk Laurice with the production staff of Akin Pa Rin Ang Bukas, nabigyan siya ng maayos na schedule at maayos na communication with the writers and creative heads ng project.

Ang isa pang concern ni Direk Laurice ay baka i-pressure siya pag dating sa ratings ng show.

“Alam naman natin na iyon ang pinaka-main concern ng bawat TV network ngayon.

“But GMA told me that they wanted a quality teleserye. Hindi lang ratings ang importante kundi ang ganda ng istorya at ang maipakita ang husay ng mga artista sa project.

“With that kind of condition naman, wala tayong magiging problema. Most especially with the stars of the series.

“Most of them ay nakatrabaho ko na like si Cesar [Montano], Gary [Estrada] and Tito Glo [Gloria Romero].

“Si Lovi [Poe] naman, I’ve worked with her sa isang episode ng Magpakailanman,” kuwento pa ni Direk Laurice.

Naging maayos nga raw ang simula ng kanilang taping, pero kailangan nilang mag-reshoot ng maraming eksena dahil sa pag-resign ni Helen Gamboa from the series.

“It was due to health reasons why Helen had to leave the show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya we had to reshoot all her scenes na nakunan na. Siguro may mga two weeks na rin kaming nakakapag-tape that time.

“We got a good replacement naman in Liza Lorena, who was originally cast sa role ni Tita Glo.

“At nagulat nga ako na this is the first time na magkakatrabaho kami. We never did a movie nor have I directed her in any of my films in the past.

“Liza gave me more than what I expected. Bagay sa kanya yung role na iniwan ni Helen.

“Kaya mabilis kaming nakapag-shoot agad kasi madaling nakuha ni Liza ang character and she gave me more,” pagpuri niya sa beteranang aktres.

Nakilala bilang “actor’s director” si Direk Laurice dahil sa mga artistang nanalo ng awards dahil sa pagdirek niya sa kanila. Kabilang na nga rito sila Cesar Montano and Cherie Gil (Ang Bukas Ay Akin); Vilma Santos (Ipagpatawad Mo, Dahil Mahal Kita: The Dolzura Cortez Story); Gloria Romero and Johnny Delgado (Tanging Yaman), Cherry Pie Picache (American Adobo) and Gina Alajar (Salome).

Nagwagi na rin ng ilang Best Director awards si Direk Laurice mula sa FAMAS (Tanging Yaman), Gawad Urian (Salome, Kapag Langit Ang Humatol, Tanging Yaman), Film Academy of the Philippines (Tanging Yaman), Metro Manila Film Festival (Magkano Ang Iyong Dangal?) and Young Critics Circle (Tanging Yaman).

Likewise, naparangalan na rin si Direk Laurice bilang Urian Best Supporting Actress sa pelikulang Sister Stella L.

Nakakuha rin siya ng acting nominations mula sa mga pelikulang Tinimbang Ka Ngunit Kulang; Nagalit Ang Buwan Sa Haba Ng Gabi; Gumising Ka Maruja; Init; Ina, Kapatid, Anak and Lunes, Martes, Miyerkules, Huwebes, Biyernes, Sabado, Linggo.

Naging box-office hit director din si Direk Laurice dahil sa kanyang mga hit melodramas na Kung Mahawi Man Ang Ulap, Una Kang Naging Akin, Tayong Dalawa, Lumayo Ka Man Sa Akin, Sana Dalawa Ang Puso Ko, Bakit Ngayon Ka Lang, Kapag Puso’y Sinugatan and Beautiful Girl.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil nga sa teleserye na kanyang dinidirek, pahinga muna si Direk Laurice sa pag-arte.

Huli nga raw siyang lumabas sa mga teleserye ng ABS-CBN 2 na Aryana, Reputasyon and Nagsimula Sa Puso.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN