Liza Lorena proudly admits: “Bagets na lola nga ako dahil sa mga apo ko.”

Veteran actress Liza Lorena on feeling young because of her grandchildren: “Dahil sa mga apo ko ay up-to-date ako sa mga hilig ng mga bagets. Naging paborito ko na rin ‘yang sila Justin Timberlake, Taylor Swift, Rihanna, One Direction, Channing Tatum at Brad Pitt. Bagets na lola nga ako dahil sa mga apo ko. I feel young when I am around them. Kaya kapag wala akong taping, kikidnapin ko ang mga apo ko at lalabas kami. Malalaman na lang nila Tonton at Glydel na kasama


Blessing in disguise nga raw para sa award-winning actress na si Liza Lorena na maipalit siya sa role na iniwan ni Helen Gamboa sa primetime series ng GMA-7 na Akin Pa Rin Ang Bukas na magsisimula na sa September 9.

Ang original role pala ni Ms. Liza sa naturang teleserye ay ang role ni Ms. Gloria Romero.

“Mabait ang original role ko sa series. Then biglang nag-backout nga si Helen, ako ang pinalit nila.

“Kaya naging salbahe at mataray ang role. Sabi nga ni Direk Laurice [Guillen] sa akin, ‘Mas bagay pala sa ‘yo ang kontrabida!’

“Kaya they got Tita Glo para palitan ako sa original role ko. In fairness, mas bagay nga kay Tita Glo. Siguro nga raw, meant for me ang mataray na role,” panimulang kuwento ni Ms. Liza sa aming panayam sa kanya sa press launch ng Akin Pa Rin Ang Bukas last August 29 sa GMA Annex Building.

FIRST TIME TO WORK WITH DIREK LAURICE. Ngayon nga lang daw nalaman ni Ms. Liza na first time niyang makakatrabaho si Direk Laurice.

Never pa raw niya itong nakatrabaho as an actress or as a director.

“I was looking back nga sa mga nagawa kong mga pelikula and TV shows. Never ko palang nakatrabaho pa si Laurice.

“I mean, I know her and we see one another sa mga showbiz events. Pero ilang taon na kami pero ngayon lang pala kami magkakatrabaho.

“Kaya I was so happy to really work with her kasi ang alam ko she has worked with the likes of Vilma Santos, Nora Aunor, Hilda Koronel, Lorna Tolentino and Gina Alajar.

“Ngayon makakahilera ko na sila because I had this chance to work with such a wonderful director.”

FLATTERED BY POSITIVE REMARKS. Inamin nga ni Ms. Liza na sobra siyang nangarag sa pag-take over sa role na iniwan ni Helen Gamboa. Dahil naka-two weeks na raw silang nagte-taping at more than 22 sequences na raw ang natapos ni Helen bago ito nag-resign.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We had to reshoot all her scenes kaya ako ay talagang napagod. Tapos iba’t ibang locations pa kami kaya nakadagdag iyon sa pagod natin.

“But never naman akong nagku-complain. This is work and I was given this even bigger role sa show. Kaya I am thankful.

“After each take nga, I always consulted Direk Laurice.

“Baka may kulang sa binibigay kong performance. Si Direk na ang nagsasabi na walang kulang dahil sobra-sobra raw ang naibibigay ko.

“With that kind of compliment, lalo tayong nagaganahan magtrabaho kahit madaling-araw na!” tawa pa niya.

Suki na rin ng Kapuso network si Ms. Liza at ang mga huling nagawa niyang teleserye sa bakuran ng GMA-7 ay ang Legacy at Hindi Ka Na Mag-iisa.

“Palipat-lipat naman ako. My last show was Apoy Sa Dagat sa ABS-CBN. Kunsaan may trabaho, doon tayo napupunta.

“Kapag may magandang role naman, tinatanong ako agad ng GMA if I am available because they want me for this role. Nataon na libre ako and nagawa ko itong Akin Pa Rin Ang Bukas,” dagdag pa niya.

Hindi naman kakuwestiyon-kuwestiyon ang husay ni Liza Lorena bilang aktres dahil na naparangalan na siya bilang Best Actress (Metro Manila Film Festival for Halimaw Sa Banga) at Best Supporting Actress (Gawad Urian for Miguelito: Batang Rebelde and Film Academy of the Philippines for Oro, Plata, Mata).

Nagkaroon din si Ms. Liza ng numerous acting nominations mula sa kanyang mga pelikulang Gabun, Don’t Cry For Me Papa, Presa, Pahiram Ng Ligaya, Santa Claus Is Coming To Town, Walang Katapusang Tag-Araw, Sister Stella L, La Vida Rosa, Katas Ng Saudi, Barang at Inang Yaya.

BONDING WITH HER GRANDCHILDREN. Kapag wala nga raw trabaho masyado si Ms. Liza ay abala siya sa kanyang mga apo.

May dalawang apo siya mula sa anak niyang si Tonton Gutierrez at asawa nitong si Glydel Mercado, at isa pa ring apo sa anak naman niyang babae na si Wednesday Palanca.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mas lagi kong nakakasama ang mga apo ko kay Ton at Glydel. Yung apo ko kay Wednesday ay nasa US.

“Nakakasama ko naman iyon kapag nagbabakasyon ako sa States or kapag sila naman ang nagbabakasyon dito sa Pilipinas.

“Dahil sa mga apo ko ay up-to-date ako sa mga hilig ng mga bagets. Naging paborito ko na rin ‘yang sila Justin Timberlake, Taylor Swift, Rihanna, One Direction, Channing Tatum at Brad Pitt.

“Bagets na lola nga ako dahil sa mga apo ko.

“I feel young when I am around them. Kaya kapag wala akong taping, kikidnapin ko ang mga apo ko at lalabas kami.

“Malalaman na lang nila Tonton at Glydel na kasama ko sila sa mall at nagba-bonding kaming mag-lola,” masaya niyang pagtatapos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN