Sam Concepcion slowly sheds teenybopper image; launches Infinite album

Sam Concepcion on slowly shedding his teenybopper image: “Oo naman, kasi ako rin naman e, as a person hindi naman ako magti-teeny bopper na… kasi hindi na ako yun e, hindi na ako kumportable siguro sa mga ganoon, na pa-cute. So, hayun, kaya heto na yun, part din siguro ito ng growth ko.”


Tuluy-tuloy na ang pagpapalit ng image ni Sam Concepcion patungo sa isang mas mature na performer at aktor. Sa ngayon ay obvious na nagpapalaki siya ng katawan para mas ipakita na hindi na siya ang 13-year-old na totoy na naging grand winner sa reality show na Little Big Star ng ABS-CBN seven years ago.

Kung pagbabasehan ang latest album niyang Infinite mula sa Universal Records, goodbye na nga siya sa boy-next-door clean image. Makikita rin dito ang mga bagay na gustong gawin ni Sam, bilang isang artist.

Sinadya raw talaga ito ayon kay Sam para ipakitang hindi na siya isang pa-cute lang na teenager. Pati na rin ang kanyang pagbabagong-bihis as a performer ay mapapansin dito.

“Oo naman, kasi ako rin naman e, as a person hindi naman ako magti-teeny bopper na… kasi hindi na ako yun e, hindi na ako kumportable siguro sa mga ganoon, na pa-cute.

“So, hayun, kaya heto na yun, part din siguro ito ng growth ko. So, iyan na po iyong kinalabasan,” pahayag ni Sam sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong August 29 sa launching ng kanyang album sa Insomnia Bar, Centris, Quezon City.

“Astig nga,” pagsang-ayon pa niya sa aming obserbasyon.

“Malayo, malayo sa kung paano ako kilala ng mga tao. It’s very far from the previous music that I used to do.

“’Tsaka yung image din, ’tsaka… iba lang… Mas may edge, mas may attitude yung pinaka-character ng album... iba, iba na siya,” dagdag pa ni Sam.

As an entertainer naman, sinabi rin niyang mas nalilinya siya ngayon bilang isang singer-dancer. Ayon pa sa kanya, after two previous albums, may input na rin siya sa nilalaman ng kanyang latest album na ang carrier single na “No Limitation” ay isang collaboration between Sam himself at ng mga matitinik na musicians at songwriters na sina Billy Crawford, Kris Lawrence, at Marcus Davis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May ibang nagsasabi na parang mas identified siya sa music kaysa as an actor. Kung bibigyan ng chance na mag-focus sa isa lang, puwede ka bang mamili kung singing lang o acting?

“Oo naman, tulad ng sinabi ko kanina may season for everything.

“Ngayon, feeling ko ay season ng music ito, my music career. Kasi I barely got into that din naman.

“’Tsaka ano e, itong genre ko parang mayroon siyang edge ngayon from pop music.

“Hindi ba lumabas yung “Dati,” tapos yung “No Limitations” is doing well. So, parang yung dance, yung pop, R&B, parang mayroon siyang chance ngayon sa OPM na mag-prevail.

“Kasi minsan, seasonal din kasi sa music, e. Minsan puro rock music, puro mga banda yung sikat.

“Tapos nagiging puro balladeer, hindi ba? Parang ngayon ay iba, e. Naa-accept na rin ng mga tao, ng masa ang ganitong klase ng sound,” wika niya.

Paliwanag pa ni Sam, “Kasi di ba even yung kanta ni Sarah G. na bago, hindi siya ballad, di ba? Yung “Ikot-Ikot”… yung mga ganoon.

“Parang unti-unting nagbabago rin yung scene, nagkakaroon tayo ng pop, R&B, current sound, parang mga ganyan, parang chance na rin to share what we have.”

Kung tipong wala kang limitation sa music, bilang aktor ba ay ganoon na rin ang attitude mo?

“Sa movies? Oo naman.

“Kung ginawa ko sa music ko na wala akong limitations, di ba? E di ganoon din [sa movies],” saad niya.

So, kaya mong maging daring, mag-all out na rin sa movie?

Pahabol niya, “Depende, kung ano ang ibig sabihin ng all-out.

“Pero, nasa material naman iyan e, it’s all about the materials, yung content, the context…”

Gaano yung magiging limitation mo? Kaya mo na bang makipag-love scene o lumabas na naka-underwear lang?

“Huwag naman tayong sumobra, dahan-dahan lang,” nakatawang sagot niya. “Pakonti-konti lang muna tayo,” nakatawang hirit pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Idinagdag pa ni Sam na hindi naman niya gagawing biglaan ang kanyang transformation sa movies na magiging OA na siya na tulad ng ginawa ni Miley Cyrus na controversial performance sa nakaraang MTV Video Music Awards.

“Siyempre pagdating naman sa pushing your limitations, hindi naman iyan isang malaking push, e.

“Siyempre tinutulak mo lang iyan nang pakonti-konti hanggang malaman mo iyong edge, yung dulo mo talaga.

“So, hindi naman kayo magugulat na bigla na lang sumobra, na mag-o-OA na… magma-Miley Cyrus ako na magwawala… Hindi naman ganoon, hindi naman.

“Unti-unti, hindi naman ganoon, kasi medyo binigla niya yung mga tao talaga e, sumobra… sumobra…” patungkol niya kay Miley Cyrus.

A HUNKIER SAM. Hinggil naman sa kanyang pumuputok na muscles sa braso at gumagandang katawan, paano ba niya inaalagaan ang kanyang katawan ngayon?

“Kasama na rin bale iyan, in preparation na rin iyan sa pagbabago ng image...

“At saka natural lang naman na magbago iyong katawan ko e, plus siyempre, alaga rin talaga dapat sa work-out,” pag-amin ni Sam.

ON JASMINE CURTIS SMITH. Pagdating naman sa usapang personal, tikom pa rin ang bibig ng actor/singer hinggil sa real score sa kanila ng nakababatang kapatid ni Anne Curtis na si Jasmine Curtis Smith.

“What do you think?” Nakatawang buwelta ni Sam nang usisain kung may namamagitan na sa kanila ni Jasmine.

“We want our personal lives more private and you know, mas a little bit… we just wanna keep it from the limelight. So, you know, we can focus and people can focus on our careers,” saad pa niya.

Maraming nagsasabi, bagay daw kayo?

“Talaga?” Mabilis na tugon niya.

“Gusto ko naman iyon, gusto ko naman iyon,” nakangiting pahabol pa ni Sam.

Masasabi mo bang pinaka-special na babae si Jasmine sa iyo right now?

“Oo naman,” matipid na tugon ng 20-year-old na singer/actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Anong napi-feel mo kapag kasama mo siya?

“Masaya, basta po masaya. Iyon lang naman talaga po ang importante para sa akin, e.”

Nang nanalong Best Supporting Actress si Jasmine sa Cinemalaya, nag-celebrate ba kayo, may regalo ka sa kanya?

“Oo naman. I did, I congratulated her and ayun we did celebrate naman,” pag-amin niya.

Gusto mo bang makasama rin siya sa movie sa hinaharap?

“Oo naman, Best Supporting Actress siya e, bakit naman ako hihindi, ‘di ba? Lalo na siyempre gusto kong makatrabaho ang isang Best Supporting Actress ng Cinemalaya,” nakatawang pagtatapos ni Sam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN