Lovi Poe on “special friendship” with Rocco Nacino: “Gano’n nga kami ka-close na nakakatakot ito na mawala.”

Lovi Poe on Rocco Nacino: “Basta for me, now I’m enjoying what we have as friends. Hindi ko naman isinasara. Pero… gano’n nga kami ka-close na nakakatakot ito na mawala. Honestly, that’s how I feel. Nakakatakot kapag napunta sa ibang level yung friendship naming dalawa.”


Si Lovi Poe na nga yata ang pinaka-busy sa hanay ng mga namamayagpag na new breed of actresses sa ngayon. Sunud-sunod ang kanyang TV projects at in-demand din siya sa pelikula.

“I’m very inspired now,” nakangiting sabi ng Kapuso actress nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng Sunday All Stars (SAS) kaninang hapon, Linggo, September 1.

“Excited ako na ninenerbiyos at the same time. Kasi malapit na pong ipalabas ang Sa Akin Pa Rin Ang Bukas. Sa September 9 na po,” pagtukoy pa niya sa bagong pinagbibidahan niyang primetime series sa GMA-7 kung saan leading men niya sina Rocco Nacino at Cesar Montano.

Sa bawat project na gawin ni Lovi, mapa-pelikula man o TV, talagang marami ang nakakapansin sa mas mahusay pa niyang portrayal sa bawat character na binibigyang-buhay niya.

“Naks! Hindi naman!” sabay tawang reaksiyon niya.

“I’m just giving my heart sa lahat ng proyektong ginagawa ko. And… ginagawa nga namin ang best namin dito sa Akin Pa Rin Ang Bukas. Dahil nga importante para sa amin itong soap na ito.”

Bukod sa nasabing primetime series, kasalukuyang napapanood din tuwing Linggo ng gabi ang docu-dramang Titser kung saan siya rin ang bida. Napakahusay din ng ipinamamalas niyang pagganap dito bilang isang babaeng galing sa mahirap na pamilya na nagsumikap maging isang guro.

FAP SHORTLIST FOR OSCARS. Ang Film Academy of the Philippines, o FAP, ay naglabas kamakailan ng shortlist ng pelikulang posibleng mapagpilian sa Foreign Language category ng prestihiyosong award-giving body na Oscars. Pasok sa listahan na ito ang Tiktik at Thy Womb kung saan parehong kasama sa cast si Lovi.

“First time kong nalaman ‘yan sa inyo today!” muling nangiting sambit ng aktres.

“And… I’m speechless!

“I’m so proud of the movies we’ve done. And I’m so happy na kasama ako sa mga pelikulang ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Do’n pa lang, I feel so blessed. Lalo na ngayon na nabanggit n’yo nga yung short list ng mga Filipino movies para sa Oscars.”

Sa maikling panahon pa lang na lumipas since she started her showbiz career, madaling nagkaroon ng tatak si Lovi bilang isang bagong sibol na dekalibreng dramatic actress. Ilang acting awards na rin ang nasungkit niya.

CAREER BEFORE LOVELIFE? Sa kanyang ganitong estado ngayon, masasabi bang rewarding na isina-isantabi muna niya ang lovelife at nag-focus na lang muna sa trabaho?

“Uhm… okay lang siguro. There are some things or aspects in your life that you have to focus on.

“Siguro… kung gaano man kaganda yung nangyayari ngayon sa career ko na blangko naman sa lovelife, okay lang yun. Masaya naman ako, e!” sabay ngiti niya ulit.

Takot ba siya na baka masira lang ng lovelife ang magandang takbo ng career niya ngayon?

“Hindi naman. It’s just that ano… kumbaga hindi ko na napapansin yung pagiging loveless ko.”

Kahit may mga guys na umaaligid at nagbabakasakaling mapansin at bigyan niya ng chance na maligawan siya?

“Wala. Hindi talaga ako ligawin,” pagklaro niya.

Parang wala namang maniniwala na hindi siya ligawin. Dahil sa ngayon, kabilang din siya sa itinuturing na bagong henerasyon ng mga pinakamagagandang aktres ng Philipine cinema.

“Wala talaga. Wala akong manliligaw sa ngayon,” muli niyang diin.

Hindi kaya dahil may nakabakod sa kanya kaya walang magtangkang manligaw? Na… nandiyan lang din lagi ang ex-boyfriend niyang si Ronald Singson?

Nagpaparamdam pa nga ba ito ng interes na makipagbalikan sa kanya?

“No!” nangiting sambit ni Lovi.

“Ano lang ako ngayon… I’m focused with work. Yun na yung gusto kong unahin.

“And actually I’m very busy. Monday hanggang Saturday ang tapings ko,” para sa dalawang shows niyang Titser at Sa Akin Pa Rin Ang Bukas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And I have Sunday All Stars pa. Hindi ko na talaga maisisingit pa yung lovelife.

“So… yung natitira kong oras, para sa sarili ko na lang, sa pamilya ko. At saka sa mga kaibigan ko.”

Saan siya kumukuha ng energy sa buong linggong halos wala nang pahingang pagtatrabaho?

“Honestly, mahirap talaga. Minsan bumibigay na rin yung katawan ko.

“But… siguro yung energy ko, nakukuha ko sa suporta ng mga tao. At sa lahat ng ipinagkakatiwala sa akin na magagandang proyekto.

“Parang the fact na lang na pinagkakatiwalaan nila ako sa ganito kabibigat na projects nga like Sa Akin Pa Rin Ang Bukas at saka Titser, e do’n pa lang nakukuha ko na yung inspirasyon at saka yung energy ko,” banggit niya.

LIHIS. Meron din siyang pelikulang entry sa nalalapit na Sineng Pambansa film festival. Ito ay ang Lihis kung saan sina Jake Cuenca at Joem Bascon naman ang mga co-stars niya.

Maingay na pinag-uusapan sa ngayon ang nasabing pelikula. Pero mas nakasentro ang publicity nito sa love scenes nina Jake at Joem at sa love angle ng mga characters ng mga ito bilang dalawang discreet gays na NPA na may tagong relasyon.

How does Lovi feel na mas napag-uusapan nga sina Jake at Joem?

“It’s no big deal for me. I actually believe that it’s their movie.

“Ano ‘yan, e… it’s very different. And… basta, I’m so excited na makita n’yo because they really gave their heart into this.

“More than their hearts, I guess!” tawa na naman niya.

“And then… a lot yung nangyari sa story nito. Talagang masu-surprise ang lahat ng tao.”

ROCCO NACINO. Napapadalas ang pagiging magkapareha nila ni Rocco. Bukod kasi sa pagsasama nila sa Sa Akin Pa Rin Ang Bukas, sa Titser ay pagtatagpuin ang character ni Rocco as mayor sa naunang docu-drama ng GMA News TV 11 na Bayan Ko at si Lovi nga na isang guro, at may mabubuong love angle sa kanilang dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba siya nauumay na laging si Rocco ang nagiging leading man niya sa kanyang mga proyekto sa Kapuso network?

“No naman. I enjoy his company. More than anything else.

“Kaya I’m thankful na katrabaho ko siya. And of course, ang importante naman sa aming dalawa ay yung pagkakaibigan namin,” saad niya.

Puna ng iba sa kanilang dalawa ni Rocco, para umanong may kakaibang closeness sila.

“I guess dahil we’re both comfortable with each other. Na… we’re like best friends...

“Na we can share everything… or anything sa isa’t isa. And hindi naman imposible na maging mag-best friend or maging close ang isang babae at lalake.

“Especially with me. Na… para sa akin, masaya rin namang kasama ang mga lalaki, e.”

Hindi kaya nagpapakiramdaman lang sila ni Rocco?

“I don’t know, e,” nangiting reaksiyon ni Lovi. “Basta for me, now I’m enjoying what we have as friends.”

Pero possible bang magkaroon sila ng romantic involvement kalaunan?

“I don’t know. Hindi ko naman isinasara. Pero… gano’n nga kami ka-close na nakakatakot ito na mawala.”

Feeling ba niya, maaapektuhan o mawawala ang kanilang closeness kung liligawan siya ni Rocco?

“I don’t know. Maybe.

“I don’t know, e. Honestly, that’s how I feel.

“Nakakatakot kapag napunta sa ibang level yung friendship naming dalawa.”

BEAUTY SECRET? Yung ibang artista, kapag tambak ang trabaho, nangangarag ang hitsura. Pero si Lovi, talagang laging fresh at blooming pa rin kahit wala na halos pahinga.

Ano ba ang beauty secret niya?

“Too much make-up! Hindi, joke lang!” napahalakhak na biro ni Lovi.

“Beauty secret… oh, my God! I try my best to sleep and be happy.

“Happy lang. Kailangan happy ka sa ginagawa mo.”

Baka naman meron din nga sa ngayon na nagpapasaya sa kanya?

“Yeah… my work!” tawa na naman niya. “And yung mga taong sumusuporta sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DREAM ROLE. Sa dami na rin ng mga characters na kanyang nagampanan, may dream role pa ba siyang pinapangarap na mai-portray?

“Gusto kong mag-portray ng role ng isang psycho. Iyon yung dream role ko.

“Or someone na may split personality.”

Bakit dream role niya ang gano’ng papel?

“Kasi mahirap siya, e. Gusto kong i-test ang sarili ko kung hanggang saan ko kaya gumawa ng two or more characters in one scene,” pangwakas niyang saad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN