Isabel Oli reacts to Instagram post of Jackie Forster against her

Nagpaliwanag si Isabel Oli tungkol sa pagba-block sa ilang followers niya sa Instagram kaugnay ng ipinost niyang Instavideo ng magkapatid na Andre at Kobe Paras. Dahil sa ginawa kasi ito ni Isabel ay nag-react ang ina ng magkapatid na si Jackie Forster.


Nagpaliwanag si Isabel Oli sa nai-post ni Jackie Forster sa kanyang Instagram account kamakailan lang na tumutukoy sa kanya.

Ito ay may kaugnayan sa video na ipinost ni Isabel sa kanyang Instagram account ng dalawang anak ni Jackie sa dati nitong asawa na si Benjie Paras—sina Andre at Kobe.

Narito ang bahagi ng mensahe ni Jackie para kay Isabel:

“Please do not play ignorant or stupid by blocking people who tag me on your video OF MY CHILDREN on your open public profile just because you are kissing someone’s ass to get that clip. It’s one thing do some desperate things and play ignorant its another to go out of your way to delete my name and block those who care like @nestiewu and @itsanneray

"I hope you remember me from class with ate @beverlyvergel and @abbycluz because from now on I will never forget you. So a disappointed to hear this kind of news from followers…specially because you are a Christian. Maybe you’ll understand the pain your smile action has caused once you too have children of your own.”

Paliwanag naman ni Isabel sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nag-post lang siya sa kanyang Instagram account ng Instavideo nina Andre at Kobe para sa nakababatang kapatid ni John Prats. Si John ang boyfriend ni Isabel.

Sa video post na iyon ay may ilang followers na nag-post ng komento laban sa magkapatid, at nahiya raw si Isabel dahil para lang naman daw sana ang video na iyon sa kapatid ni John.

Ayon kay Isabel. “Yung video para kay Kobe at Andre, para yun sa kapatid ni John kasi sobrang ina-idolize niya yung dalawa talaga.

“Sobrang crush niya, fan siya, so vinideo ko kasi guest namin sa Sports Pilipinas [GMA News TV show].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre nagpaalam ako sa dalawang bata, saka kay Ate Lyxen [Diomampo, stepmother of Andre and Kobe] kung puwede kunan ng video, pumayag naman din sila.

“Hindi ko lang in-expect na may ganung nangyari. Hindi ko din alam kung san nanggaling yun… for the sister of John, yun lang talaga.”

Nahihiya lang daw si Isabel sa Paras brothers dahil kung anu-anong komento na ang ipinost ng ilang followers niya para sa dalawa na hindi maganda.

Hindi lang daw kina Andre at Kobe, kundi meron ding mga hindi magagandang komento para kay Jackie, kaya in-untag at na-block na niya ang iba.

Pero ikinagalit naman ito ni Jackie.

Sabi pa ni Isabel, “Kung may na-untag man ako dun at na-block talaga, it’s because may paulit-ulit silang sinasabi at may ibang foul din na sinasabi sila, ang dami kasi talagang nagku-comment... hindi ko na alam.

“Pag nakikita kong may mga bastos na, bina-block ko yung iba. Actually hindi lang sa dalawang bata, even kay ano,” sabi nito patungkol kay Jackie.

Patuloy pa ng Kapuso actress, “Sabi ko, ’Ano ba ‘to?’ Hindi ito lugar para mag-nega.

"Walang away dapat kasi para sa isang tao ‘to para mapasaya siya, so tinanggal ko.

"Hindi ko rin alam kung san nanggaling yung galit niya."

Hindi na lang daw niya sinagot ang post na iyon ni Jackie.

“I respect her opinion. Post niya yun, e, feelings niya yun.

"So, parang ganun lang sa akin. It’s my Instagram, I can do whatever I want.

“Kung nagalit man siya o whatever, I respect her.

"Yun yung na-feel niya, e, hindi ko na hawak yun.”

Tama na raw iyon at ayaw na niyang gawing isyu pa dahil mas gusto niyang positive na lang at masaya na lang sana ang lahat.

RELATIONSHIP WITH JOHN. Malaking bagay raw ang relasyon nila ni John Prats kaya positibo na ang pananaw ni Isabel sa lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pitong buwan na silang magkasintahan ni John, at masaya si Isabel na ikinukuwento sa aming wala silang problema sa kanilang relasyon.

“Sobrang okay, stress-free,” bulalas niya.

“Yung alam mong nasa trabaho ka, alam mong naka-concentrate ka, focus ka sa work mo. He’s very supportive.”

Sa story conference ng bagong afternoon drama ng GMA-7 na Magkano Ba ang Pag-ibig?, napansin naming bago sinimulan ang interview kay Isabel ay tumawag muna ito kay John para sabihing nandun na siya sa storycon.

“Hubby” at “wifey” ang tawagan nilang dalawa kaya tinanong ng PEP ang aktres kung sa kasalan na nga ba ang kahahantungan ng maganda nilang relasyon.

“Sana nga,” nakangiting sagot nito.

"May mga plans in the future pero wala lang mga dates.

“Kapag napag-uusapan yung about marriage or kids, hindi siya na-stress, hindi siya napi-pressure, excited din siya. Kaya ang sarap ng ganun.

"Minsan kasi plano lang siya. Pag mga girls, hilig talaga nila yung mga wedding.

"Siya, hindi siya na-stress or napi-pressure, excited din siya. Yun yung isa sa nagustuhan ko kay John.”

Iyon daw ang isa natutunan niya kay John na maging kalmado lang at huwag nang mag-alala kung mayroong mga problemang dumarating.

“Si John kasi pag mag-isip, kalmado lang, chill lang. Ako yung worrier ako, e.

"So, nakikita ko kay John and his family, ganun sila magdala ng problema. Parang, sige, chill lang, kasi wala ka namang makukuha pag nag-worry ka,” saad nito.

Paulit-ulit ding sinasabi ni Isabel na sana ay tuluy-tuloy na ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN