Sheena Halili on rumored relationship of Rocco Nacino and Lovi Poe: "Wala na akong karapatang mag-comment pa about them."

"Ako, tama lang ang ginagawa ko na masyado akong guarded. Hindi buhos ang pagmamahal ko. Basta gina-guard ko ang sarili ko. Ako muna. So, hangga’t hindi ko pa nakikita na siyang-siya na, maganda na gina-guard mo muna ang sarili mo," sabi ni Sheena Halili kung paano niya iniingatan ang kanyang puso.


Nilinaw ni Sheena Halili kung bakit nine weeks lang ang itatagal sa ere ng early primetime series niyang Binoy Henyo.

“Nine weeks lang talaga siya, yun ang sinabi sa akin. Parang mabilisan lang din ang concept nito.

“Tinanong ako kung gusto kong maging nanay, so okay lang,” sabi ni Sheena nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Binoy Henyo noong Sabado, August 31.

So, hindi totoo yung balitang dahil magtatapos na ang kontrata ng child actor na si David Remo kaya hindi na maaaring i-extend ang kanilang programa?

“Ay, hindi ko alam yun,” sabi ni Sheena.

“Hindi naman siguro dahil dun, pero nine weeks lang talaga sa akin ‘tong in-offer.

“Nine weeks... ‘Okay lang ba sa ‘yo na maging nanay for nine weeks?’

“Okay lang naman sa akin. Pero siyempre, noong ibinalita sa akin yun, nagho-hope pa rin kami na mag-e-extend.”

Bukod dito, may nakahanda na rin daw bagong show na papalit sa Binoy Henyo kaya mahihirapan na silang mag-extend pa.



POSITIVE FEEDBACK. Pero masaya raw si Sheena sa magandang feedback at mataas na rating ng kanilang programa.

“Yun nga, kahit magaganda ang feedback at kahit sa taas [management] din, sinasabi nila sa akin, wala naman daw negative feedback.

“Gusto raw nila ang story and yung mga nanonood din.

“Wala pa naman… so far, wala pa naman talaga kaming… dun pa lang, happy na ako.

“At least, yung slot na iiwan namin, okay ang rating, okay ang story, okay rin lahat ng artista sa cast namin.”

Nalaman din namin mula kay Sheena na magtatapos na ang kontrata niya sa GMA-7 sa February 2014.

May bago na ba siyang gagawing proyekto pagkatapos ng Binoy Henyo?

Ayon kay Sheena, “May plans naman silang sinasabi sa akin, pero hindi ko pa alam kung ano ang next show ko. Let’s see kung ano ang nandiyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman siguro ako pababayaan ni God. Nandiyan naman Siya.”

Dapat ba ay bida pa rin ang role niya?

“Ako naman kasi, ang hirap kasing i-maintain.

“Masarap maging lead kasi palagi kang present sa taping. Palagi kang babad sa TV. Mas madali kang makilala and yung promotions, palagi kang kasama.

“Ako naman, okay lang sa akin kahit anong maging role ko, basta importante sa story at maganda ang character.”

UNWED MOTHER. Bilang ang karakter na ginagampanan ni Sheena sa Binoy Henyo ay isang unwed mother, hangga’t maaari ay ayaw raw niyang mangyari iyon sa kanya sa totoong buhay.

Saad niya, “Siyempre ako, pinagpi-pray ko kay God na gusto kong ikasal muna ako.

“Pangarap ko yung mag-[wedding] gown ako. Tapos yung tatay ko, hinahatid ako.

“Pero siyempre, malaki ang respeto ko sa mga ganyang nanay [unwed mothers].

“Kung mangyari man yun sa akin, kailangan kong panindigan. Hindi naman ako yung sarili ko lang ang iisipin ko.

“At saka, ginawa ko yun, kailangan kong panindigan.

“Kawawa naman yung bata. Kailangan maging responsible.”



THE RIGHT GUY. Pagdating sa usaping lovelife, aminado si Sheena na may mga nagpaparamdam sa kanya ngayon.

Sabi niya, “May mga nagpapakilig naman sa akin. Pero siyempre, gina-guard ko muna yung heart ko. Ayoko munang ma-involve sa lovelife.

“Kasi ako, for me, ang pakikipagrelasyon, hindi naman basta-basta.

“Hindi naman kahit kanino, makikipagrelasyon ako basta lang maging masaya. Kaya ko namang maging happy.

"At kapag nagkaroon ako ng karelasyon, totoo yun.

“Pero pinagpi-pray ko kay God na sana, kapag na-meet ko ang guy na yun, right time, right guy, di ba?”

Naniniwala siyang may wrong guy at the wrong time?

Sagot ni Sheena, “Meron naman. Kaya nga hindi nag-work kasi wrong guy, wrong time.”

Sa susunod na relasyon niya, mas gusto ba ni Sheena na sa umpisa pa lang ay kaya na siyang ipagmalaki?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, yung ano naman sa past ko, hindi naman sila yung nagtago.

“Ako naman yung nagsabi na ayoko ng pinu-flaunt. Kasi, mas gusto ko ang totoo kesa sa showbiz.

“Kung mag-loveteam tayo, sige, i-flaunt mo.

“Pero sa totoong buhay naman, kahit anong itago natin, makikita naman nila yun. Hindi naman kailangang ipakita kung ano ang ginagawa.

“Basta ako, ang importante, yung totoo.”



DISCOVERIES IN LIFE. Pagkatapos ng pagkakaugnay niya kina Rainier Castillo at Rocco Nacino, ano ang mga nadiskubre ni Sheena?

Sabi niya, “Noon naman, ang pinagpi-pray ko talaga kay God, non-showbiz. Pero madalas, napupunta nga ako sa showbiz.”

Taga-showbiz o non-showbiz ba ang nagpaparamdam sa kanya ngayon?

“May non-showbiz. Yung showbiz, hindi ko na inaano,” sagot ni Sheena.

Nang subukan naming tanungin kay Sheena tungkol kina Rocco at Lovi Poe ay tumanggi nang sumagot ang Binoy Henyo star.

“Ayokong mag-comment. Huwag na yun, huwag na yun.

“Basta ang importante… well, itanong n’yo siya sa akin kung part pa rin siya [Rocco] ng buhay ko.

“Pero ngayon, wala na akong karapatang mag-comment pa about them.”

Hindi na parte ng buhay niya si Rocco?

“Huwag nang ganun. Part ng show business!” natatawang biro niya.

Ayon pa kay Sheena, hindi siya yung basta-basta pumapasok sa isang relasyon.

“Ako, tama lang ang ginagawa ko na masyado akong guarded. Hindi buhos ang pagmamahal ko.

“Basta gina-guard ko ang sarili ko. Ako muna.

“So, hangga’t hindi ko pa nakikita na siyang-siya na, maganda na gina-guard mo muna ang sarili mo.

“And marami pa namang oras na i-prove mo yung pagmamahal. Maraming ways.

“Pero, tama lang ang ginagawa ko na, yun nga, kailangan kasama ang family. Bago ikaw, kailangan, okay rin sa family.

“Kailangan mahal din nila ang pamilya ko. Sila naman ang makikisama sa pamilya ko.”



MOVING ON. Between Rainier and Rocco, kanino siya mas nahirapang mag-move on?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Sheena, “Naku, walang comparison. Hindi ko na alam, e. Malaki ang gap.

“Basta ako, sobrang thankful ako kasi parang plinant ng family ko, parents ko si God sa heart ko.

“Kaya siguro kapag dumarating ako sa ganun, mabilis akong nagiging okay. Matapang ako.

“Alam ko na kapag will naman ni God, wala akong magagawa.”

Pero nagkausap na ba sila ulit ni Rocco?

“Oo, nakipag-usap na ako. Tinanong niya ako kung puwede raw ba akong makipag-usap sa kanya.

“Pero hindi ko na ikikuwento kung ano ang napag-usapan namin. Gusto kong ibigay sa kanya yun—kung gusto niyang ikuwento.

“Sinabi ko naman sa kanya, wala na siyang dapat… well, ako rin naman, may kasalanan din naman ako.

“Kung ako, humihingi ng tawad kay God, pinapatawad Niya naman ako, bakit naman ako, hindi?”

May closure na sila ni Rocco?

“Noong umpisa pa naman. Hindi na nga kayo nag-uusap, hindi mo pa ba naiintindihan yun? Naiintindihan ko na.”

Sila ni Lovi, nagkita na?

“Hindi pa,” sambit niya.

Babatiin ba niya ito kung makasalubong niya?

“Oo, siyempre babae rin yun. Babae rin ako.

“Kung ako rin ang nasa lugar niya, ayokong i-judge. Ayoko talaga,” sagot ni Sheena.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN