Aljur Abrenica on maturity of relationship with Kylie Padilla: "Definitely, talagang darating ‘yan sa relasyon."

Aljur Abrenica on relationship with Kylie Padilla: “Habang tumatagal ang pagsasama namin, mas nalalaman namin kung ano talaga ang gusto namin. Para sa akin, what’s important, kumbaga, maging partner mo siya. Kung ano ang gusto niya, suportahan mo siya. Kung ano ang makakapagpasaya sa kanya, tatanggapin mo yun. Yun ang importante. As long as hindi ninyo napapabayaan ang isa’t isa. Hindi ninyo napapabayaan ang mga sarili ninyo. Huwag ninyong hahayaan. Kung an


Nakalipat na si Aljur Abrenica at ang kanyang pamilya sa bago nilang bahay sa Quezon City, kahit hindi pa ito tapos na tapos.

Sabi ni Aljur, “Slowly, unti-unti, pinapagawa namin. Before 2015, matatapos yun.

“Nae-excite ako sa magiging look ng bahay. Kasi, pinapa-design namin siya.

“Hindi pa pinapagawa ang kusina, pero excited ako.”

Plano rin ni Aljur na palagyan ng music room ang bahay nila bilang pamilya rin sila ng musicians.

Nakusap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa contract signing niya sa MCI Music noong Huwebes, August 29.

May mga isina-suggest din ba ang girlfriend niyang si Kylie Padilla nang makita nito ang bahay niya?

Sabi ni Aljur, “Well, wala pa naman siyang sinasabi. Pero before, nasabi niya na ‘ang sarap i-design ang bahay mo.’

“Open ako for suggestions at saka si Kylie, artist ‘yan. She paints so magaling siya sa ganyan.”

Ano naman ang reaksiyon ni Aljur sa naging pahayag ni Kylie na mas mature na ang relasyon nilang dalawa ngayon?

Tugon niya, “Maturity will come talaga. Definitely, talagang darating ‘yan sa relasyon. Walang way para hindi ka mag-mature.

“Habang tumatagal ang pagsasama namin, mas nalalaman namin kung ano talaga ang gusto namin.

“Para sa akin, what’s important, kumbaga, maging partner mo siya.

“Kung ano ang gusto niya, suportahan mo siya. Kung ano ang makakapagpasaya sa kanya, tatanggapin mo yun. Yun ang importante.

“As long as hindi ninyo napapabayaan ang isa’t isa. Hindi ninyo napapabayaan ang mga sarili ninyo. Huwag ninyong hahayaan.

“Kung ano ang gusto ninyo, suportahan ninyo ang isa’t isa.

“Ako naman, wala akong hinahangad kung hindi mapabuti si Kylie. Lahat ng gusto niya, lahat ng pangarap niya, maabot niya.”

Samantala, pagkatapos ng halos tatlong linggo ay posibleng maiuwi na ni Aljur ang kanyang sasakyan na Dodge Challenger, na nabangga pagkalipas lamang ng ilang araw mula nang mabili niya ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang natutunan ni Aljur sa nangyaring ito sa kanya?

“Siyempre ngayon, mag-iingat palagi,” sabi ng Kapuso actor-singer


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN