Ina Feleo does not get special treatment from mom Laurice Guillen

Kabado raw si Ina Feleo na makatrabaho ang kanyang ina na si Direk Laurice Guillen. Aniya, “Kahit na mommy ko siya, hindi ako kailangan makampante kasi kailangang makinig ako at sumunod sa kanya—my mom is my best and worst critic.”


Sa buong cast ng pinakabagong primetime series ng GMA-7 na Akin Pa Rin Ang Bukas, pinaka kinakabahan si Ina Feleo dahil ang kanyang ina na si Laurice Guillen ang direktor nito.

Pero ayon kay Ina, patas ang pagtrato ni Direk Laurice sa kanya at mga kasamahang artista.

Kahit nga raw anak siya nito, kasama siya sa pinagsasabihan ng award-winning director kapag may hindi ito nagugustuhan sa trabaho nila.

Kuwento ni Ina sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I guess I am the most kinakabahan dahil nga si Mommy ang director namin.

“Nadirek na niya ako before sa isang TV show sa Channel 5 noon na Hush-Hush.

“Tutok siya sa aming lahat at ayaw niya na hindi mo nasusunod ang directions niya.

“Kahit na mommy ko siya, hindi ako kailangang makampante kasi kailangang makinig ako at sumunod sa kanya.

"My mom is my best and worst critic.

“Sa lahat ng mga ginagawa kong projects, laging nandyan si Mommy to give her honest critic sa performances ko.

“So far, wala namang masyadong harsh na sinasabi si Mommy.

“Though she sometimes say na kailangang ang pananalita ko ay malinaw and my gestures should not be distracting.

“Kaya nga ako ang pinaka-tense sa buong cast ng Akin Pa Rin Ang Bukas kasi alam ko that Mom will be criticizing my performance.”



MOTHER ROLE. Maikli lamang ang role ni Ina sa Akin pa Rin Ang Bukas bilang ina ng bidang si Lovi Poe.

Aniya, “Mommy naman ako ni Lovi noong bata pa siya.

“Aapihin ako dito ng family ni Gary Estrada, lalo na ang mother niya played by Liza Lorena.

“Marami akong pagdadaanan dito kahit na sa pilot week lang ako lalabas, tapos puro mga flashback na lang yung ibang eksena ko, at deglamorized ako dito.

“Si Mommy, very concerned siya sa mga kaliit-liitan na detalye, like sa hair, make-up, costume—gusto niya realistic lalabas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“My role here is mahirap at magiging katulong ako kaya instructions niya na wala akong make-up. Kahit na pale-colored lipstick, hindi puwede.

“First time kong lalabas sa TV na walang make-up.

“Katuwiran naman ni Mommy, saan ka naman daw makakakita ng maid na inaapi na, pero red pa rin ang lipstick at naka-eye shadow pa? Tama naman siya.

“Gusto kasi ni Mommy na yung mga artista niya, as close to its character as possible.”



REPLACEMENT. Pinakamahirap daw ang mga eksena ni Ina with Liza Lorena, na siyang mang-aapi sa kanya nang husto at pati na kay Lovi pag nagdalaga na ito.

Pero originally ay si Helen Gamboa ang nasa role ni Liza bago ito nag-dropout sa series due to health reasons.

Ito ang isang dahilan kung bakit hindi natuloy ang original telecast nito last August.

“Nag-reshoot kami ng lahat ng mga scenes, almost all my scenes kasi is with Tita Helen.

“Kaya noong mag-resign siya from the show, kailangan ng replacement agad and si Tita Liza na ang ipinalit.

“Kaya kami na-move to September 9 dahil sa lahat ng re-shoot, kaya paulit-ulit akong inapi dito—una from Tita Helen, naulit with Tita Liza!” tawa pa ni Ina.



DIFFERENT STYLES. Ipinakumpara namin kay Ina ang pagiging kontrabida ni Helen kay Liza.

Aniya, “With Tita Helen, mas dinadaan niya sa dialogues—the way she delivers it. Masasaktan ka, kasi alam mong nilalait ka niya kahit na nakangiti siya.

“And her presence is very intimidating, magaling mang-irap si Tita Helen and that makes you feel embarrassed.

“With Tita Liza naman, iba siya, mas physical ang approach niya.

“Pandidilatan ka niya ng mata, tapos itutulak-tulak ka niya, parang binu-bully ka talaga.

“Kaya mas nahirapan ako with Tita Liza kasi ramdam mo ang energy niya.

“Kahit wala kang planong umiyak, mapapaiyak ka kasi pinipisikal ka niya nang husto tulad ng sampal, sabunot, at kurot.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



BACK TO GMA-7. Natutuwa naman si Ina na muli siyang nakabalik para magtrabaho sa GMA-7.

Ang huli niyang nagawang series sa Kapuso network ay ang Pilyang Kerubin noong 2010.

Pag-alaala niya, “That was three years ago pa at 13 years old pa lang yata si Barbie Forteza noon.

“Ngayon, nakikita ko nga siya sa TV at dalagang-dalaga na, and she just turned 16 years old pala.

“How time flies! Dati mga nene lang sila, ngayon mga dalaga na!”



VERSATILE. Nagkasunud-sunod ang mga ginawang teleserye ni Ina sa bakuran ng ABS-CBN; tulad ng Guns & Roses, Angelito: Batang Ama, Lumayo Ka Man Sa Akin, Wako-Wako, at Paraiso.

Suki rin ng indie films si Ina at nagawa niya ang Ikaw Ang Pag-ibig, Deadline, at Ad Ignorantiam.

Kung hindi busy sa acting si Ina, abala naman siya sa pagsasayaw dahil member siya ng Bayanihan National Folk Dance Company.

Nakapagbiyahe na sa iba’t ibang cities ng Europe and Asia si Ina dahil sa kanyang hilig din sa pagsasayaw.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN