Cory Quirino has full confidence in Megan Young to win Miss World crown

Kumpiyansa ang Miss World Philippines organizer na si Cory Quirino (kaliwa) sa kandidata ng Pilipinas sa Miss World 2013 na si Megan Young (kanan) na maiuuwi nito ang korona para sa ating bansa.


Tiniyak ni Cory Quirino, pageant director ng Miss World Philippines, na hindi masasayang ang naging efforts ni Megan Young dahil tuluy na tuloy ang Miss World 2013 sa Indonesia.

May lumabas kasing report na may isang commissioner daw mula sa National Human Rights ng Indonesia ang tumututol na isagawa ang Miss World sa kanilang bansa dahil, ayon sa kanya, nakaka-offend ang naturang pageant sa kanilang mga kababaihan.

Pinapa-cancel din daw ito ng religious affairs minister ng Indonesia na si Suryadharma Ali, kahit na pumayag na ang Miss World organizers na tanggalin ang swimwear competition.

Ngunit sa ipinadalang statement ng Miss World Philippines at ng Miss World CEO na si Julia Morley last August 31 sa media, all systems go na raw para sa kanilang pageant in Indonesia.

“We have not received any word from Miss World organizers in London that the pageant is not pushing through so we’re just going about our usual routine,” bahagi ng statement na ipinadala ni Cory sa media.

Nabanggit din ni Cory na sa halip na two-piece bikini ang isuot ng candidates ng Miss World, magsusuot na lang sila ng Balinese sarongs para makaiwas sa anumang gulo sa naturang bansa na ang majority ay mga Muslim.

Magkakaroon pa rin daw ng isang Beach Beauty competition pero one-piece swimsuit na ang ipinadala sa mga kandidata.

“There will be private judging for the competition so this will probably be not shown on TV anymore,” sabi pa ni Cory.

Malaki ang bilib ni Cory kay Megan dahil “perfect package” daw ito para maiuwi na ng Pilipinas ang korona ng Miss World.

So far ay puro runners-up pa lang ang naiuuwi ng Pilipinas mula sa Miss World Pageant: Evangeline Pascual (1st runner-up, 1973), Ruffa Gutierrez (2nd Princess, 1993), at Gwendoline Ruais (1st Princess, 2011).

Sabi ni Cory, “I believe she is one of the strongest candidates for Miss World this year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“She’s beautiful, she’s intelligent, and she’s very graceful and poised when she walks the fashion runway.

“She’s also athletic and excels in sports, which is good because Miss World has a sports competition.

“And of course, Megan is also very genuine.

“She speaks from the heart and her answers are not scripted, which is what Miss World president Julia Morley likes.”

Sa online voting ay currently nasa number two spot si Megan para sa title na People’s Champion ng naturang pageant.

Marami na raw bagong followers si Megan na magpaparami ng boto para sa kanya.

Magkaroon ng isang proper send-off para kay Megan bukas, Tuesday, September 3.

Lilipad patungong Despasar, Bali, Indonesia si Megan via Philippine Airlines scheduled at 6 p.m.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN