Joem Bascon on love scenes with Jake Cuenca in Lihis: "Yes, napagdudahan ko yung sexuality ko nung ginagawa namin yung movie."

Inamin ni Joem Bascon na naapektuhan siya nang husto pagkatapos nilang gawin ni Jake Cuenca ang love scenes nila sa pelikulang Lihis. Kuwento ni Joem, “Na-shock kami. Parang na-trauma kaming dalawa. Aaminin ko nagkaroon ako ng takot after kong gawin yung eksena. Kasi sa utak ko, sa emotion ko, sa character ko bilang isang lalaki."


Isa lang daw sana dapat ang love scene nina Joem Bascon at Jake Cuenca sa pelikulang Lihis, entry ni Joel Lamangan sa All-Masters Edition ng Sineng Pambansa.

Kuwento ni Joem sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “In the original script, one scene with Jake and one scene with Lovi [Poe].

“So, nung after na nag-revise si Sir Ricky Lee ng script, naging dalawa para makita yung intimate relationship namin ni Jake.”

Kaya imbes na isa lang ay naging tatlo ang love scenes nina Joem at Jake.

AWARE OF THE BUTT EXPOSURE. Alam ba nila bago simulan ang shooting na magkakaroon sila ng butt exposure?

Tugon ni Joem, “Alam na namin.

“Tinanong kami ni Direk Joel if we’re willing to do anything for the film. Pero hindi naman to the point of a frontal.

“Pero nung time na yun, yeah, aware kami… Ready kami kung ano yung ipapakita.

“Actually, niloko ko nga si Direk na kahit mag-frontal, okey na sa akin.”

Willing talaga siyang mag-frontal nudity?

Tugon ng aktor, “Kung talagang requirement sa character or sa scene.

“And I think it’s about time. Hindi naman tayo bumabata and we’re actors naman.

“I’m willing to do anything.

“Gaya nga ng sinabi ko, after this film, hindi na siguro ako tatanggi sa ibang role na hindi ko alam na hindi ko kayang gawin, kasi feeling ko kaya kong gawin.

“Pero may mga films or roles na I believe na magbibigay pa rin ng bigat at hirap sa akin.”



THE PLASTER. Bakit nag-iba na siya ng paniniwala sa pagtanggap ng mga ganitong role o eksena, samantalang noon ay umaayaw siya sa mga nudity o love scene sa kapwa niya lalaki?

Saad ng 27-year-old actor, “Oo nga, e, ayaw ko pa. Kasi at that time, medyo bata pa ako… well, bata pa rin naman ako now.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think nung time na yun… that time kasi hindi ko pa kayang i-portray nang tama.

“Kumbaga, kung Joem Bascon na biglang gumawa ng ganitong scenes, hindi siya buong hulmado para sa character.

“Ngayon kasi. kaya kong i-handle yung pressure. Kaya kong i-handle yung bigat ng character.”

Mayroon naman daw silang plaster ni Jake sa kanilang love scene sa may batis at batuhan. Pero natanggal daw ito.

Paliwanag ni Joem, “Kasi running water yung sa eksena.”

Hindi ba sila nailang nang maramdamang dumikit ang private part nila sa isa’t isa?

Sabi ni Joem, “Wala na, tuloy pa rin. Hindi na kami nag-iisip para sa sarili namin.

“We were thinking of doing the scene and perfecting the scene.

“Kasi ang shot ni Direk Joel, napakadetalyado at hindi ka basta-basta kikilos nang… mao-off ka rin, e.”

Kinalimutan daw nina Joem at Jake kung sino at ano sila sa tunay na buhay para sa kanilang character at hindi exemption ang love scenes nila.

“Nag-usap kami nang todo ni Jake. Nandoon kami sa point na totoo na lang lahat para wala nang take two, take three, para dire-diretso na.”

Hindi raw makakalimutan ni Joem ang epekto na naidulot ng kanilang love scene sa kanilang dalawa ni Jake.

Kuwento niya, “Kasi kami ni Jake, lagi kaming nag-uusap niyan. Magkasama kami sa isang tent habang naghihintay.

“Pero after the scene, hindi talaga kami nag-uusap. Malayo kami sa isa’t isa. Walang kuwentuhan.

“Na-shock kami. Parang na-trauma kaming dalawa.

“Aaminin ko nagkaroon ako ng takot after kong gawin yung eksena.

“Kasi sa utak ko, sa emotion ko, sa character ko bilang isang lalaki.

“Pero tinutulungan ako ng buong team, ni Direk Joel mismo, at saka yung pamilya ko.”

Nagkaroon siya ng sleepless nights?

“Oo! Oo! Sobra! Mga dalawa, tatlong araw.

“Kasi nung ginagawa namin yung love scene ng buong araw, hindi talaga ako makatulog. Iniisip ko kung anong nangyari.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



DOUBT. Sa isang punto ng kanilang career ay parehong na-link sa mga bading sina Joem at Jake.

Hindi kaya sa pagganap nila ng gay roles at paggawa ng love scenes sa Lihis ay ini-expose lang nila lalo ang kanilang mga sarili sa pagkuwestiyon sa kanilang sekswalidad?

Ayon kay Joem, “Hindi naman. Nandiyan na sila hindi na mawawala yun.

“When we were doing this film, Jake and I, we’re not thinking of making a name out of it.

“For me, I’m thinking of this film to be a message na maintindihan ninyo sana na meron talagang oppressed na mga gays nung Marcos era—at hindi talaga siya mawawala.”

Pagkatapos niyang gawin ang pelikula, babae pa rin ba talaga ang gusto niya o puwede na rin siyang magmahal ng kapwa niya lalaki?

“Hindi naman… girl pa rin naman po. Pero kaibigan ko pa rin naman yung mga gays,” sagot ni Jake.

Pinagdudahan niya ba ang kanyang sarili o may naramdaman siyang kakaiba habang ginagawa nila ni Jake ang mga maseselang eksena?

Sabi ni Joem, “Nung ginagawa namin ang pelikulang ito, nandun na kasi kami sa point na yung method ng pag-arte namin, talagang yun na kami, e. Hindi na kami masyadong nakakabitaw.

“Talagang humihingi na ako ng tulong sa mga kaibigan ko na hindi ko na kaya yung ginagawa ko ngayon.

“Kasi nga, it’s a very, very really hard role na hindi ko siya matanggal sa sistema ko nung time na yun.

“Yes, napagdudahan ko yung sexuality ko nung ginagawa namin yung movie.

“Pero after the movie, kumbaga, parang kung galing ka ng libing, kailangan mong magpagpag.

“Eto, matindi ang pagpag na ginawa ko.

"Nag-stay ako sa house. Sinamahan ko girlfriend ko, sumama ako sa mommy ko. Bumawi talaga ako sa lahat ng mga mahal ko sa buhay.

“So, napatunayan ko naman na Mama’s boy pa rin pala talaga ako saka girlfriend’s boyfriend pa rin ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naiintindihan naman ng girlfriend ko yung trabaho ko.

“So, hindi naman siya nailang sa mga kissing scenes namin with Jake.”

Ano ang reaksiyon ng girlfriend niya sa love scenes nila ni Jake?

“Hindi siya manonood, e, ayaw niyang makita ako na gumagawa ng gano’n.

“Pero okey naman sa kanya yung work ko. Pero hindi niya kaya… hindi niya kaya [panoorin].”

Hindi rin daw panonoorin ng pamilya ni Joem ang Lihis o kahit mag-grace sa premiere showing ng pelikula.

Sabi niya, “Hindi sila manonood. Oo, conservative ang parents ko.

“Pero they support me… pero hindi sila manonood. Pero susuportahan naman nila ako with everything.

“But I think manonood sila nang sila lang para makita nila yung ginawa ko. Kasi ayaw nilang sabihin sa akin.

“Hindi ko na sila isasama. This is in respect with my dad.”



MERYLL SORIANO. Ikinagulat man daw ni Joem ang pagkakaroon ng Italian boyfriend ng ex-girlfriend niyang si Meryll Soriano, masaya raw siya sa lovelife nito.

“I’m happy for her. Alam naman ninyo na masaya naman akong tao lalo na na nagiging masaya siya, masaya sila ng family niya.”

Wala na silang communication?

“Wala na, e. Very busy with work, e. Wala nang ganun, hindi na kami makakapag-usap.

“I’m really happy for her, I’m happy for her family lalo na sa anak niya, sana mag-alagaan silang mag-ina.”

Wala na ba talagang pag-asa na magkabalikan silang dalawa ni Meryll?

“Hindi na talaga, e. Hanggang doon na lang talaga.

“Baka kapag ipinilit natin, lalo pang maging magulo ang buhay ko.

“Huwag mo nang guluhin ang buhay ko, baka lumihis na nang husto!” sabay halakhak ni Joem.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN